Naglalagablab na Secrets and Revenge
“Ang mahal nito, Yna! Grabe, iba talaga kapag Saviano ang gumastos. Ay, teka nga pala, nasaan na sang Maid of Honor mo?”
Pagkabanggit ni Ana sa salitang iyon, saktong bumukas muli ang pinto ng fitting room.
Pumasok si Hannah.
Nakasuot siya ng isang eleganteng emerald green silk dress, ang kulay ng entourage ko. Ang buhok niya ay maayos na nakalugay, at ang kaniyang mukha ay talagang nae-excite din.