Kakaibang Init (SPG)
Isang sexy, mahaba ang buhok at luwang-luwa ang kaluluwa na pumasok sa loob.
Nagpalakpakan ang ilan sa mga kasama namin, habang ang babaeng iyon, nakangiti at kumakaway sa amin.
Kami ni Aleron ay nagkatinginan. Namilog pareho ang mga mata namin dahil kilalang-kilala namin kung sino siya.
“Yes, ang bagong character na papasok sa teleserye na Kakaibang Init ay si Gella Khalifa,” sigaw ng isa pang director habang pumapalakpak.