ONE NIGHT WITH HIM (SPG)
Sa bawat araw na lumilipas, lalo pang bumibigat ang buhay ni Maya. Mula sa isang inosenteng babae, napilitan siyang pasukin ang mundong hindi niya kailanman ginusto—isang maruming trabaho na kinamumuhian ng karamihan. Sa likod ng ilaw at musika sa bar, isa siyang dancer, ngunit sa dilim ng gabi, isa rin siyang babaeng kumakapit sa trabahong iyon para mabuhay at masuportahan ang kaniyang anak at ang walang silbing ina na umaasa sa kaniya.
Ngunit hanggang kailan niya kakayanin ang ganitong buhay?
May hangganan ba ang kaniyang pagsasayaw at pagtanggap ng kahihiyan kapalit ng pera?
Hanggang sa dumating si Blight Elizalde—isang lalaking magpapabago sa takbo ng kaniyang mundong unti-unting gumuho.