Hiram na Asawa
Sinalo niya at binuhat si Liam habang kumapit naman sa damit niya si Lyndon at Lennon.
"Uuwi na tayo. Say bye to Troy, Tobias, and Ivy, Kiddos," pilit niyang pinasigla ang boses.
"Uuwi na kayo?" hindi mapigilang singit ni Lucas.
"Hm. Ikaw na muna ang bahala kila Mama at Papa. Kapag nagtanong si Luna kung nasaan ako, sabihin mo ay nasa pamilya ko," habilin niya pa sa kapatid na umawang lang ang mga labi.