กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)

CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)

Warning: RATED 18 ‼️There are some words that may not be suitable for young readers. Tumakas si Purity dahil pilit siyang ipinapakasal sa isang bilyonaryong matandang lalaki. At para makalimot sa pamilyang nagbenta sa kanya para maisalba ang kanilang kompanya, kusa niyang ibinigay ang kanyang puri sa isang estranghero. Ang one night stand na magpapabago ng kanyang buhay. Paano kung ang lalaking inalayan niya ng sarili ay ang siyang mismong amo niya? Ang kinatatakutan niyang lihim ay nanganganib na mabunyag sa oras na malaman ng binata ang totoong pagkatao niya.
930.4K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 943 ครั้งในชื่อ lengua para diablo
อ่าน
+ห้องสมุด
The Italian's Three-Year Marriage

The Italian's Three-Year Marriage

Kei
Three years of marriage is such a short period of time for love, as people say. But for Seah Alxandra Garcia, three years of marriage with Mikhail De Luca was a curse. Matapos maka-graduate ni Seah sa kursong architecture ay agad siyang ikinasal kay Mikhail, isa namang italianong engineer. Malaking pagkabigo para kay Seah ang magpakasal agad, ngunit wala rin siyang nagawa dahil para ito sa ikabubuti ng kaniyang pamilya. Tatlo lang ang hinihiling ni Mikhail sa kaniyang bagong asawa para sa loob ng tatlong taon. Iyon ay ang manirahan sa Italya, matulungan siyang mapalago ang negosyo, at pagsilbihan ito — tatlong hiling sa loob ng tatlong taon para lang sa malaking pangangailangan ng pamilya ni Seah. Wala na kay Mikhail kung maisipan siyang iwan ni Seah matapos ang tatlong taong pagsasama nila, ngunit sa kabila ng lahat ay sadyang mapaglaro ang tadhana. Paano na lang kung nasanay na si Mikhail na mamuhay kasama ang asawa niya? Pero paano na lang kung gusto na niyang makapiling si Seah sa bawat araw na gigising siya? It was all clear to Mikhail they should have boundaries as a business marriage contract couple, but some things just ends up with what we don't expect. Seah didn't ask for a run, but who would've thought that her life will be in a double chase? Meeting the Ezekiel Ricci and Megan Ricci was like a lucky moment for Seah, pero ang hindi niya alam ay may trahedya pang naghihintay sa kaniya. She thought that finally, she will be stable and content with Mikhail, not until Ezekiel becomes the reason for their endless fights. Nang makilala ni Seah ang magkapatid na sina Ezekiel at Megan, para bang nabahiran ng gulo ang relasyon nila ni Mikhail. That with every bit of step she makes, their relationship fades.
844 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 22 ครั้งในชื่อ lengua para diablo
อ่าน
+ห้องสมุด
My Billionaire Ex’s Dangerous Obsession

My Billionaire Ex’s Dangerous Obsession

Apat na taong minahal nina Ethan at Caprice ang isa’t isa—apat na taong puno ng pangarap, pangako, at tiwalang akala nila’y hindi kailanman masisira. Tatlong taon silang nagsama sa iisang bubong, sabay humarap sa hirap ng buhay-estudyante, sabay nangarap ng mas maayos na kinabukasan. Nangako si Ethan na pagkatapos ng graduation nila sa kolehiyo, papakasalan niya si Caprice at bubuo na sila ng pamilyang matagal na nilang pinapangarap. Ngunit isang araw, bigla na lamang gumuho ang lahat. Sa isang iglap, nauwi sa hiwalayan ang akala nilang habambuhay. Para kay Ethan, malinaw ang dahilan—iniwan siya ni Caprice dahil sa ibang lalaki. Isang pagtataksil na nagdurog sa kanyang puso at tuluyang nagbago sa lalaking minsang marunong magmahal. Hindi niya alam na sa likod ng katahimikan ni Caprice ay may isang desisyong ginawa hindi para sa sarili, kundi para sa kapakanan nilang dalawa. Lumipas ang mga taon. Nagbago ang mundo, nagbago ang kanilang mga buhay—at nagbago si Ethan. Mula sa simpleng binata, isa na siyang makapangyarihang bilyonaryo. Akala ni Caprice, sapat na ang panahon para kalimutan siya ng lalaking minsan niyang minahal. Akala niya, tapos na ang lahat. Ngunit mali siya. Sa muling pagkikita nila, malinaw ang isang bagay—hindi pa tapos si Ethan. Hindi pa rin siya handang pakawalan si Caprice. At sa pagkakataong ito, ang pagmamahal na minsang naging sandalan nila… ay isa nang mapanganib na obsesyon. Hanggang saan siya handang pumunta para mabawi ang babaeng minsan niyang tinuring na kanya? At hanggang kailan tatakbo si Caprice mula sa nakaraan na ayaw siyang bitawan?
10954 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 32 ครั้งในชื่อ lengua para diablo
อ่าน
+ห้องสมุด
Hating My Possessive Husband

Hating My Possessive Husband

Samantha Sky Smith never imagined that one day, she’d wake up as Mrs. Krim Kuen Vryzks—ang lalaking kinatatakutan at ginagalang sa mundo ng negosyo at impluwensya. Walang puso, walang awa, at walang pakialam kung ano ang gusto niya. Ang kasal nila ay isang kasunduan, pero para kay Krim, ito ay isang panalo. Para kay Samantha? Isang bitag na hindi niya alam kung paano tatakasan. Binigyan siya ni Krim ng isang linggong palugit bago niya ito angkinin nang tuluyan. Isang linggo para tanggapin ang bagong realidad na hindi niya ginusto. Pero habang lumilipas ang mga araw, mas lalong nagiging malinaw sa kanya ang isang bagay—hindi lang galit ang nararamdaman niya kay Krim. At iyon ang mas kinatatakutan niya. Sa pagitan ng panggigipit, matitinding emosyon, at isang kontratang bumihag sa kanya, magagawa kaya ni Samantha na manatiling matatag? O tuluyan na siyang mahuhulog sa patibong ng lalaking dapat ay kinamumuhian niya?
101.7K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 38 ครั้งในชื่อ lengua para diablo
อ่าน
+ห้องสมุด
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
9.132.9K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 1.2K ครั้งในชื่อ lengua para diablo
อ่าน
+ห้องสมุด
RECLAIMING HIS WIFE

RECLAIMING HIS WIFE

Akala ni Trisha, plantsado na ang lahat. Successful career, payapang buhay, at pusong hindi na naghahanap ng kulang. Sabi nga niya, "I have everything I ever wanted." Pero sabi nga nila, mapaglaro ang tadhana at mahilig itong mambura ng plano. Pag-uwi niya sa probinsya, doon gumuho ang pader na matagal niyang itinayo. Isang pagkakataon, isang sulyap, at isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan niya. Ang kaniyang first love. Ang lalaking pinangarap niya noon, pero naging dahilan ng pinakamalalim niyang sugat, ay bigla na lang sumulpot at pilit bumabalik sa buhay niya. Sabi nila, "Love is sweeter the second time around." Pero para kay Trisha, ang kasabihang 'yan ay parang sirang plaka, nakakarindi at mahirap paniwalaan. Paano ka maniniwala sa second chances kung ang unang pagkakataon ay iniwan kang durog at luhaan? Will She Risk It? Sa mundong puno ng "what ifs," sapat na ba ang pag-ibig para harapin ni Trisha ang kaniyang mga takot? O mananatili na lang siyang bilanggo ng kaniyang nakaraan habang pilit na itinataboy ang tanging taong nakapagpatibok ng puso niya nang ganoon katindi? Minsan, kailangan mong masaktan ulit para malaman kung worth it pa bang lumaban. Dahil sa laro ng pag-ibig, hindi sapat ang pagiging "okay." Minsan, kailangan mong maging matapang para maging tunay na masaya.
74 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 2 ครั้งในชื่อ lengua para diablo
อ่าน
+ห้องสมุด
The Lawyer’s Unexpected Obsession

The Lawyer’s Unexpected Obsession

Binigay ni Isabel ang lahat para sa pamilyang Santos—mula sa pagpapagamot ng lolo hanggang sa pagliligtas ng kumpanya gamit ang ₱500 milyon. Ngunit matapos ang dalawang taon ng sakripisyo, iniwan siya ng asawang si Anton para sa ibang babae, sabay bitaw ng malamig na: "Maghiwalay na tayo." Isang kasal. Dalawang taon ng sakripisyo. Isang pangungusap lang, binura ang lahat. At ngayong wala na siyang apelyidong "Mrs. Santos," sigurado ang lahat—magiging miserable ang buhay niya. Hindi nila alam—si Isabel ay isang makapangyarihang negosyante at kilala bilang "Dark Phoenix." Kaya nang alukin siya ng Santos family ng 1% shares para bumalik, natawa lang siya: "Ganyan ba kababa tingin niyo sa’kin?" At nang muling magmakaawa ang dating asawa, may lalaking humarang; tumitig ang lalaki nang direkta sa kanyang mga mata, walang takot, walang pag-aalinlangan. "Akin siya. Hindi mo na siya maaangkin muli."
559 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 13 ครั้งในชื่อ lengua para diablo
อ่าน
+ห้องสมุด
The Untold Heirs of the Billionaire

The Untold Heirs of the Billionaire

Athena Jade
Alianna Jade was truly, madly, and deeply in love with her childhood crush named Ruston Dwaine. She was obsessed with him to the point that she became his number one fan who keeps on watching him from afar. One day, Alianna’s father put her into an arranged marriage due to business matters and it turned out that the man of her dreams was actually her groom.  Alianna was on cloud 9. Natupad ang pangarap niyang mapangasawa ang lalaking pinakaaasam-asam niya. Ngunit maging masaya kaya si Alianna sa piling ng lalaking hindi naman siya ang gusto? Hanggang kailan siya magtitiis para sa lalaking pinakamamahal niya? Magawa kaya siyang mahalin ni Dwaine? Kung ikaw si Alianna, ano’ng kaya mong gawin para sa pag-ibig? Hanggang saan ang hangganan mo para masabi mo sa iyong sarili na tama na’t itigil mo na? Handa mo bang ibigay ang lahat hanggang sa maubos ka? Kung ikaw siya, susuko ka ba?
107.2K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 237 ครั้งในชื่อ lengua para diablo
อ่าน
+ห้องสมุด
The Billionaire's Forgotten Wife

The Billionaire's Forgotten Wife

​"Sino ka sa akala mo para pagsalitaan ako nang ganyan? You’re just my brother’s secretary. Know your place." ​Iyan ang mga salitang binitawan sa akin ni Ezekiel Morgan—ang bilyonaryong suplado, mapagmataas, at walang pakialam sa mundo. Pero sa likod ng bawat matatalim niyang tingin, ang nakikita ko ay ang lalaking pinakasalan ko limang taon na ang nakalilipas sa isang liblib na probinsya. ​Para sa kanya, isa lamang akong hamak na empleyado. Pero para sa akin, siya si Vince Sullivan—ang misteryosong estranghero na naging mundo ko sa loob ng tatlong buwan bago niya ako iniwan nang walang paalam. ​Ngayong nakatira ako sa iisang bubong kasama siya, dalawang bagay lang ang maaari kong kahantungan. ​Ang mapatunayan ko na siya ang nawawala kong asawa. ​O ang madurog muli sa harap ng lalaking mahal ko na hindi ako maalala.
402 viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 11 ครั้งในชื่อ lengua para diablo
อ่าน
+ห้องสมุด
Mapanganib na Pagbabago

Mapanganib na Pagbabago

Pinatay si Rosaline at personal na nilagay ni Sean si Jane sa kulungan ng mga babae dahil dito. “Alagaan mo siya ng mabuti” — ang mga salitang sinabi ni Sean ay ginawang impyerno ang buhay ni Jane sa kulungan at nagdulot pa para mawalan siya ng kidney. Bago siya mapunta sa kulungan, sinabi niya, “Hindi ko siya pinatay,” ngunit walang epekto ito kay Sean. Matapos niyang makalaya mula sa kulungan, sinabi niya, “Pinatay ko si Rosaline, kasalanan ko ito!” Gigil na sinabi ni Sean, “Tumahimik ka! Ayokong marinig na sabihin mo iyan!” Tumawa si Jane. “Oo, pinatay ko si Rosaline Summers at nakulong ako ng tatlong taon para dito.” Tumakas siya at hinagilap ni Sean ang buong mundo para sa kanya. Sabi ni Sean, “Ibibigay ko ang aking kidney, Jane. Kung ibibigay mo ang iyong puso.” Ngunit tumingala si Jane kay Sean at sinabi, “Hindi na kita mahal, Sean...”
8.8120.2K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 4.8K ครั้งในชื่อ lengua para diablo
อ่าน
+ห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
1819202122
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status