FATED
“Lo, alam niyo namang hindi ganoon kadali ang gusto niyo. At isa pa, bakit naman kayo nagmamadali, balang araw mag-aasawa rin ako. Masyado pa akong busy sa pagpatakbo ng business natin.”
“Kailan pa, pag hindi na ako humihinga? Nakung bata ka, gusto ko bago ako mawala sa mundo ay makita kong may pamilya kana, at nang mapanatag naman ang kaluluwa ko sa kabilang mundo.”
“Lolo naman kung makapagsalita kayo parang may taning na ang buhay niyo. Sa nakikita ko malakas pa kayo sa kalabaw. Mahaba pa ang buhay niyo.”
Bab Populer