PAG-ANGKIN NG BILYONARYO: Ang Lihim Na Anak
Limang taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Iris Alcantara ang marangyang buhay para protektahan ang lalaking mahal niya. Ngayon, isa na siyang single mom na kumakayod sa isang catering company para sa maysakit niyang ina at sa anak na si Zion. Ang tanging hiling niya ay tahimik na buhay, pero muli siyang pagtatagpuin ng tadhana sa nakaraang pilit niyang tinatakbuhan. Si Jace Ramirez, isang ruthless billionaire, ay nagising mula sa aksidente na walang alaala tungkol kay Iris. Dahil sa manipulasyon ng kaniyang pamilya, ang alam lang niya ay iniwan siya ng babae dahil sa pera. Nang muling magtagpo ang landas nila, galit at paghihiganti ang dala ni Jace. Gagamitin niya ang kaniyang impluwensya para pilitin si Iris na maging personal assistant niya at unt-unting pahirapan ito. Ngunit magugulo ang plano ni Jace sa pag-eksena ng limang taong gulang na si Zion. Ang madiskarteng bata na carbon copy ng bilyonaryo ang unt-unting maglalapit sa kanila at magbubunyag sa mga lihim ng nakaraan. Sa oras na lumabas ang resulta ng DNA test, walang makakapigil kay Jace na angkinin at bawiin ang mag-ina. Makakaya ba ni Iris na protektahan si Zion sa magulong mundo ng mga Ramirez? Paano paninindigan ni Jace ang kaniyang pag-angkin kapag bumalik na ang kaniyang mga alaala? Sa gitna ng galit at lihim, ang anak nga ba nila ang magiging susi para mabuo ang nawasak nilang pamilya?