Dilaan Mo
Iyan ay kung talagang hindi nga sila magkasalubong.
"Hindi mo pa ako sinasagot sa tanong ko kanina. You can trust me, Lily."
Tinitigan lang ni Lily si Lyn. Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilay ni Lily nang pagmasdan ang nerdy na kaibigan. Kung marunong sana itong pumili ng mas magandang frame sa suot nitong glasses at marunong itong mag-ayos ng sarili,masasabi niyang hindi ito magmumukhang nerd. Maganda si Lyn, kaya lang itinatago ng suot nitong glasses ang taglay nitong kagandahan. Plus pa ang nakakainis ay hindi ito marunong mag-ayos ng buhok dahil palagi na lang iyong nakalugay.