The Fine Print of Falling in Love
Napangiti si Alexis sa effort ni Ralph—kahit siya mismo ay nakasuot lang ng simpleng puting polo shirt at beige pants, siguradong uukitin sa alaala niya ang araw na ito.
Pagdating sa studio, sinalubong sila ng photographer na si Liza, isang babae na may mainit na ngiti at kalmadong boses. “Welcome, Luna family! Don’t worry, this will be fun. We’ll keep it natural—no pressure.” Napaluwag ang loob ni Alexis sa sinabi nito. Bagama’t medyo kabado siya na baka umiyak si Ayanna sa gitna ng session, ramdam niyang nasa mabuting kamay sila. Inihanda ni Liza ang set: isang simpleng background na kulay cream, may banig at ilang dried flowers. Minimalist, pero eleganteng tingnan.
인기 회차