Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MR. SABERON Sextuplets Unexpected Pregnancy

MR. SABERON Sextuplets Unexpected Pregnancy

Hindi inaasahan ni Rasheedah na ang kanyang asawa, na kanyang minahal at taos pusong pinagkatiwalaan sa loob ng maraming taon, ay lokohin siya sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa kanyang sekretarya. Nang harapin siya nito, kinutya at kinutya siya ng kanyang sekretarya, na tinawag siyang baog sa kanilang Beth. , kung tutuusin, hindi siya naglihi sa huling tatlong taon na ikinasal siya sa kanyang asawang si CJ. Lubhang nadurog ang puso niya. nagsampa siya ng annulment sa kanyang asawa at napunta sa club, pumili ng isang random na gigolo, nagkaroon ng one night stand With it, binayaran niya at nawala sa isang maliit na bayan. Bumalik siya sa bansa pagkalipas ng anim na taon kasama ang anim niyang anak tatlong cute na magkakaparehong lalaki at tatlong cute na magkakaparehong batang babae sa parehong edad. Siya ay nanirahan at nakakuha ng trabaho, ngunit sa lalong madaling panahon natuklasan niya na ang CEO ng kompanyang pinag tatrabahoan niya ay ang gigolo na kanyang nakatalik anim na taon na ang nakalipas sa club. Magagawa ba niyang itago ang kanyang anim na anak sa kanyang CEO, na nagkataong ang pinaka makapangyarihang tao sa CDO at pinaniniwalaang baog? Maaari bang magkasundo si Rasheedah ang lalaking pinaka makapangyarihang tao sa CDO kung isa alang alang ang panlipunang agwat sa pagitan nila?
Romance
108.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Undercover Heiress

The Undercover Heiress

nakatanggap sya ng balita na ang isa sa malaki nilang kumpanya ay ninanakawan ng hindi malaman kung sino. Kinausap nya ang kanyang magulang na hayaan syang tuklasin kung sino ito. Nagpanggap na simpleng empleyado si Sam bilang sekretarya ni Grace. Si Grace na napakasuplada, masungit at mahirap basahin na tao. kaya malaki ang pagdududa ni Sam na baka si Grace ang nagnakaw ng pera ng kumpanya. Magkasing edad lamang sila pero mataas na ang katungkulan nito.
LGBTQ+
1030.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Maddening Desires

Maddening Desires

VANILLARIOT
Jorge Czar Desjardin, isang Mafia Don ng isa sa pinaka matayog na organisasyon sa Pilipinas. Cold, Serious and Deadly. Ngunit sa kabila ng lahat ng katanyagan nito sa larangan ay iisa ang tanging hinahangad niya at iyon ay ang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng kanyang Ina. Jacintha Yza Desjardin, ampon ng mga Desjardin, isang matapang na babae, na hindi maalala ang kanyang nakaraan na kusang binura ng kanyang isipan. Feisty, Brave and Driven. Walang ibang nais kundi ang makawala sa mundo na puno ng p*tayan at bumuo ng pamilyang maituturing niyang kanya. Kaya ng mangyari ang mga di inaasahan at nagulo ang kanilang nakasanayan; ay wala na silang takas sa tensyong kanilang nararamdaman, kahit pa tingin nila ito ay kabaliwan. MEN OF POWER SERIES [ 1/5 ]
Romance
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair

Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair

Si Anton Almonte ay isang tagapagmana na rebelde, saksakan ng yabang, at masungit. Ang tingin niya sa lahat ng bagay, maging sa tao ay bayarang pwedeng pwede niyang presyuhan. Pero isang aksidente ang magtatakda ng hangganan ng kanyang kayabangan at magpapaikot ng kanyang mundo lalo na at makikilala niya si Amara Samarin,isang ordinaryong dalaga na mamamasukan bilang kanyang personal maid,ngunit hindi niya alam na kinontrata pala ng kanyang lola.Ang kanilang pagtatagpo ay magdudukot ng anghang at tamis sa mansion ng mga Almonte.
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire’s Playmate

The Billionaire’s Playmate

"Maid ako ng Billionaire fiancè ko!" Dahil sa pagpupumilit ng ama ni Tangi na mag-asawa na siya ay dumating ito sa punto na ito na mismo ang naghanap ng lalake para sa kaniya. Si Rozzean Cyron Valleje. Isang kilalang negosyante, bilyonaro at talagang maganda ang imahe nito sa kaniyang ama. Dahil wala sa isip niya ang pag-aasawa at masaya na siya sa buhay niya ay nagkaroon siya ng plano. Kailangan niyang makita ang pangit na ugali ng lalake upang mapatunayan sa kaniyang ama na mali ito. Sinabi nito na kapag napatunayan niya mismo na masama at babaero si Rozzean ay papayag na ito sa lahat ng gusto niya. Kaya't ang ginawa ni Tangi ay pumasok siya sa mansyon ni Rozzean bilang katulong, itinago niya ang totoong katauhan niya. Ngunit unang araw pa lamang niya ay nais na niyang umuwi ng bahay niya dahil sa hindi inaasahang tagpo nila!
Romance
9.9146.9K viewsCompleted
Show Reviews (27)
Read
Add to library
Pennieee
STOP STEALING MY STORIES PARA IBENTA SA HALAGANG ₱5-20! Pra sa mga illegal sellers! Hindi porke ina unlock nyo po dito ay may karapatan na rin po kayong ibenta! Nakakalungkot kayo. Lumaban po sana kayo ng patas sa buhay!
Dani Añulatac
Myghaaaaaddd!!! author superrrr ganda ng storyyy mo nato natapos ko ng 24hrs lang ang story and i know na may ongoing story ka kay thes at lauther and napansin ko na mas gumaling ka sa paggawa ng story mo hindi na kasi ako makapaghintay sa update mo kay vatalina at luther rico my babyyyy. ......‍......
Read All Reviews
ESCANDALO DE SAN IGNACIO

ESCANDALO DE SAN IGNACIO

Felicity
SCANDAL... BILLIONAIRES... MARRIAGE... Exactly seven years ago, ginulantang ng sabay-sabay na eskandalo ang bayan ng San Ignacio kung saan nadadawit ang pangalan ng mga magpipinsnag Del Franco -ang pinakamakapangyarihang angkan sa bayan ng San Ignacio. Pagkatapos ng pitong taon, nagbabalik ang mga kababaihang dawit sa eskandalo para sa kani-kanilang mga dahilan. Si Elvie, isang guro na may mababang tiyansa na magkaanak ang mauugnay kay Leon Del Franco na dati niyang estudyante. Isang gabi ng pagkakamali ang magbibigkis sa kanilang dalawa ngayon. Si Miracle, alipin ng amnesia at madilim na nakaraan ang napilitang magpakasal kay Noah Del Franco -ang kakambal ng namayapa niyang kasintahan. Si Elaine, isang babaeng nakatakdang magmadre ang nagpakasal kay Kristian Del Franco Lagman na kilalang kasintahan ng anak ng pangulo ng Pilipinas. At si Misha, ang babaeng lumisan sa San Ignacio pagkatapos mawasak ang puso at buhay dahil kay Daisuke Del Franco. Ano ang mangyayari ngayong nakatakda silang magkita ng mga lalaking may utang sa kanila? Mauulit ba ang pagkakamali ng kahapon o magtatagumpay silang baguhin ang kapalaran nila ngayon. Ito ay kuwento ng apat na babae na nagpakasal sa apat na bilyunaryo. Ano nga ba ang mas makapangyarihan, pag-ibig o kayamanan? Sino ang magtatagumpay sa huli?
Romance
808 viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE AND MYSTERY

LOVE AND MYSTERY

BLURB OF THE STORY Ang simpleng buhay ni Cassey ay biglang nagbago dahil sa isang aksidente. Pagkatapos niyang magising sa pagkaka-comatose ay nagkaroon siya ng partial amnesia. Hindi niya maalala ang mga nangyari bago siya naaksidente. Ngunit kasabay ng pagkakaroon niya ng amnesia ay ang pagkakaroon naman niya ng kakayahang makakita ng mga kaluluwa ng taong namayapa na. Dahil sa bagong kakayahan niyang iyon ay nakilala niya ang kaluluwa ng kamamatay pa lamang na artistang si Dindy Arevalo. Humingi ito sa kanya ng tulong na iparating niya sa fiance nitong si Marcus Monteverde na hindi ito nagpakamatay katulad ng pagkakaalam nito at muling pa-imbestigahan sa lalaki ang dahilan ng pagkamatay ng aktres. Dahil mahirap ang ipinapagawa ng kaluluwa ni Dindy kaya tinanggihan niya ito. Ngunit sa bandang huli ay nagdesisyong siyang tulungan ito dahil na rin sa walang tigil na pangungulit nito sa kanya. Pero paano niya sasabihin kay Marcus na nakikita at nakakausap niya ang fiancee nito at ang tungkol sa nais iparating ng babae dito nang hindi siya magmumukhang nababaliw sa mga mata ng binata? At ano ang gagawin niya ngayong nalalagay sa panganib ang buhay niya dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa pagtuklas ng tunay na dahilan ng pagkamatay ni Dindy?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Dandelion Nights

Dandelion Nights

sachtych
Wala ng ideyang pumapasok sa utak ni Crysaline Lopez para sa mga librong isinusulat niya at unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa. Naisip niya na maling landas na ata ang tinatahak niya dahil wala na siyang maisulat na kahit anong eksena sa mga istorya niya. Bukod pa rito ay patong-patong na din ang gusto niyang gawin sa buhay para kumita ng pera pero kulang naman sa kanya ang bente kwatro oras. Ngunit nagbago ang lahat ng subukan niyang maghanap ng makakausa sa isang sikat na website na nagagamit niya noon pa. Makakakuha nga ba siya ng inspirasyon sa taong makakausap niya o hahantong lang ang lahat sa pagkabigo at galit para sa taong minsan ay nagpakilig sa kanya?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Make Me Your Wife

Make Me Your Wife

aeonia
Akala ni Iyana Lopez ay hindi na siya muling tatapak pa sa mansyon ng mga Gromeo pagkatapos ang divorce na naganap sa kanila ni Bryant Gromeo. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na muling nakatayo sa harap ng mansyon dahil sa aksidenteng naganap sa anak. Baon si Iyana sa utang. Kailangang operahan ang anak niya at kailangan niya ng pera upang mailigtas ang buhay ng anak. Tanging si Bryant na lang, ang ama ng anak niya, ang naisip niyang makatutulong sa kaniya. Ngunit pagkatapos magmakaawa at lumuhod ni Iyana, sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang lumuluha sa labas ng mansyon ng mga Gromeo. Doon siya natagpuan ni Arden Gromeo, ang kapatid ni Bryant. Desperado si Iyana na siyang dahilan ng nangyaring pagtanggap niya sa kasunduan na matagal nang inalok sa kaniya ng lalaki. Papakasalan ni Iyana si Arden kapalit ng pagligtas nito sa anak niya. Ang akala ni Iyana ay natapos na ang problema niya. Ngunit, paano kung 'yon lang pala ang simula?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status