Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Sa mundo ng musika at pag-ibig, kilalanin si Rasselle, isang dalagang kolehiyala na may talento sa pagkanta at may pusong sensitibo. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo, isang kaakit-akit ngunit misteryosong lalaki na nagdala ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Sa kanilang pagmamahalan, natuklasan ni Rasselle ang mga lihim na nakatago sa likod ng mga ngiti at halik ni Rage. Ang mga lihim na ito ay magdudulot ng sakit at pagdurusa sa kanilang relasyon. Habang si Rasselle ay nagpupumilit na malampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, natuklasan niya rin ang mga katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang at sa mga dahilan ng kanilang pagtutol sa kanilang relasyon. Sa gitna ng mga pagtataksil at pagdurusa, magagawa ba ni Rasselle na patawarin si Rage at muli niya itong tanggapin pabalik sa kanyang buhay? O magtatapos na lang ba ang kanilang relasyon sa isang malungkot na paghihiwalay? Sundan ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok at pagtataksil sa "The Melody of Heartbreak" ni J.C.E Cleopatra.
Mafia
10795 viewsOngoing
Read
Add to library
The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

Tila sanay na sa mga pagsubok ng buhay Amara Santos. Lumaki siyang kinakayod ang lahat para sa kakambal niyang si Selene, na may malubhang sakit na matagal ng dinadala. Ang tanging liwanag sa kanyang madilim na mundo ay ang kanyang kasintahang si Liam dela Cruz, anak ng alkalde. Simula pagkabata, siya na ang kanyang sandigan—ang lalaking nangakong mamahalin siya kahit anong mangyari. Ngunit, isang masaklap na kapalaran ang dumating sa buhay nya. Sa kritikal na oras ng kanyang kapatid sa ospital, iniwan siya ni Liam at ipinagpalit sa isang babae na makakatulong sa kanyang ambisyon na pumasok sa politika. At sa isang iglap, natagpuan niya ang sarili sa isang hukay na isang paraan lang ang kalalabasan. "Pakakasalan mo ako, at ibibigay ko sa’yo ang lahat ng kailangan mo." Sino ang lalaking ito? Si Ethan? Si Ethan Alcantara. "Simple lang ang kasunduan, Amara," sagot ni Ethan. "Ikaw ang magiging asawa ko, at sa mata ng publiko, magiging perpekto tayong magkapareha. Kapalit niyan, matutulungan ko ang kapatid mo." Tila isang malafairy tale na tagpo ang nangyayari sa buhay ni Amara, at sa palubog niyang kumunoy ay mayroon siyang prince charming na tagapag sagip. Mararanasan nga ba nya ang maging prinsesa? O isa na naman itong pag-papanggap na mapipilitan siyang ituloy dahil sa kasunduang iligtas ang kanyang mahal na kapatid? Hanggang saan aabot ang kanyang pagtitiis na mag-panggap? Magkakaroon nga ba ng pag-ibig sa pagitan nila ni Ethan?
Romance
10477 viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Ex-Husband's Best Friend

Marrying My Ex-Husband's Best Friend

Walang maramdaming kahit na katiting si Lucilia mula sa asawa. At kinamumuhian siya ng anak niyang lalaki dahil gusto nito ng ibang nanay. Hanngang sa mapagod at mapuno na si Lucilia ay nakipaghiwalay siya sa asawa. Iniwan niya ito. Umalis siya kasama ang anak na babae. Nagpatulong siya para ma divorce sa asawa sa pinakasikat at high paid na lawyer na si Donovan, na best friend ng asawa niyang si Nolan. Matagal ng gusto ni Donovan si Lucilia pero naunahan siya ni Nolan. Pero ngayon ay hindi niya na palalampasin ang pagkakataon na mapasakanya si Lucilia. Kaya gumawa siya ng kasunduan na tutulungan niya si Lucilia na ma divorce sa asawa kung papayag itong magpakasal sa kanya pagkatapos. Papayag ba si Lucilia? Makukuha ba ni Donovan si Lucilia? Abangan ang kwento nina Donovan at Lucilia...
Romance
8.79.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Wayward Daughter

The Wayward Daughter

msalchemist
Ibinibida ang isang babaeng hindi padadaig sa mga pagsubok na darating sa buhay nito. Kahit na nga ba masama ang tingin ng nakararami rito, patutunayan nito na mali ang sabi-sabi ng iba. Malalaman dito ang tunay na kwento ng mga tinatawag nilang 'malandi, kaladkarin, babaeng mababa ang lipad'. Tampok ang buhay ng apat na bidang sinubok ng panahon at pinatatag ng karanasan sa buhay. Kilalanin sina Clip, Sinatra Blue, Ross, at Badong. Iba't ibang taong pinaglapit ng kinagisnang lugar. Iisa ang ginagalawan. Walang lumisan, walang nang-iwan. Patuloy na bumabalik. Lagi silang bumabalik dahil baka totoo nga na ang happy place nila ay matatagpuan sa mga apat na bidang pinagtagpo pero pilit nilalabanan ang tadhana.
YA/TEEN
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE ISLAND: HER SWEET LIES

LOVE ISLAND: HER SWEET LIES

The first time Daphne and Steven met, she knew they will hate each other. Kaya naman nang muli silang magkita sa isla na pagmamay-ari ni Steven sa Albay ay kinailangan pa niyang magtahi ng kwento para lamang manatili siya roon ng matagal. Bukod dun ay may matinding atraso siya rito. Ngunit mas lalong nagalit si Steven sa ginawa niya kaya balak siya nitong ipakulong. Paano kung unti-unti na siyang napapamahal rito pero balak pala na ibenta ni Steven ang isla na tila paraiso na nagugustuhan niya na? Sapat na kaya ang pag-ibig ni Ryse para iligtas ang kanilang paraiso at ayusin ang kanilang mga nabasag na nakaraan, o ang mga anino ng panlilinlang ay maghihiwalay sa kanila magpakailanman?---
Romance
722 viewsOngoing
Read
Add to library
"Alipin Ng Bulag Na Pag-ibig"

"Alipin Ng Bulag Na Pag-ibig"

⚠️SPG  "Bulag na Pagmamahal: Ang Kwento ni Rheana Belmonte" Si Rheana Belmonte, 20 taong gulang—bulag, ngunit marunong magmahal. Sa kabila ng kanyang kapansanan, ibinuhos niya ang buong puso sa lalaking inakala niyang tagapagtanggol niya... si Darvey Gonsalo. Pero ang pag-ibig na inaakala niyang kanlungan, unti-unting naging impyerno. Nang dumating sa buhay nila si Cindy Buena, unti-unting naglaho ang halaga ni Rheana. Sa mismong tahanan nilang mag-asawa, nasaksihan niya—harapan—ang kababuyang ginagawa ng kanyang asawa’t kabit. Sa harap ng lipunan at ng pamilya ni Darvey, ibinaba siya sa pagiging isang katulong—walang karapatan, walang boses, at lalong walang dignidad. Ang masakit? Hindi lang siya binulag ng kapalaran, kundi pati ng pag-ibig. Hanggang kailan mananatiling martir si Rheana Belmonte? Lalaban ba siya sa sistemang sumira sa kanya—o mananatili siyang bulag habang tuluyang nilalamon ng karimlan ang kanyang mundo?
Romance
101.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Bound to the Billionaire's Desire

Bound to the Billionaire's Desire

Si Elena Madrigal, isang sikat at hinahangaang fashion designer, ay kilala sa kanyang Majesty Designs, mga obra na simbolo ng karangyaan at kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap, ang mundong itinayo niya ay gumuho sa kamay ng mga taong minsan niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang dating kasintahan niyang si Adrian De Leon, na ninakaw at ipinagbili ang kanyang mga disenyo, ang matalik niyang kaibigan na si Vanessa Alcaraz, na nilamon ng inggit, at ang boss niyang ginamit ang kanyang talento para sa sariling ambisyon. Habang unti-unting nabubura ang kanyang pangalan sa industriyang minsan niyang pinasiklab, isang lalaking matagal nang nakamasid sa kanya mula sa dilim ang lumapit. Si Nathan Arguelles, isang makapangyarihan at misteryosong billionaire. Tahimik ngunit mapanganib. May tinig na kayang bumura ng alinlangan. At sa isang boses na malamig at mabigat sa pangako, bumulong ito: “Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.” Ang kasunduang ito ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa paghihiganti. Para kay Elena, ito ang tanging paraan para muling mabawi ang lahat. Ngunit sa ilalim ng mga halik na nilalabanan niya, sa bawat titig na tila binabalatan ang kanyang kaluluwa, unti-unting nagbabago ang laro. Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti, kailangang  piliin ni Elena kung mananatili ba siya sa apoy ng paghihiganti o hahayaan niyang ang lalaking dapat sana’y biktima lang… ang maging dahilan ng pagbabagong hindi niya inaasahan. Paghihiganti ang dahilan niya…ngunit ang nakaharap niya, ang lalaking kayang baliktarin ang lahat.
Romance
10338 viewsOngoing
Read
Add to library
Ghost Of You

Ghost Of You

Umuwi si Aria sa Pilipinas matapos ng ilang taong pamamalagi sa United States. Hindi naman siya nahirapan dahil dito rin nakatira sa Pilipinas ang kanyang matalik na kaibigan. Naging maayos at payapa ang buhay niya rito. Hanggang sa makilala niya ang binatang si Jackson Kang na isang sikat na aktor, labis ang paghanga ng matalik na kaibigan ni Aria dito, at biglang napasok ang dalaga sa magulong buhay na ginagalawan ng binata. Naging maayos ang turingan at samahan ng dalawa, ngunit kagaya ng ibang kwento lahat ay may hangganan. Dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng panahon. Mga pusong nabalot ng sakit at galit. Sakit ng nakaraan ay magbabalik. Magkakaroon pa kaya ng puwang sa puso ni Jackson ang dalagang una niyang minahal? Magkakaroon pa kaya ng pag-asa ang naudlot na pagmamahalan? Magiging happy ending ba para sa kanila o magiging huli na ang lahat?
YA/TEEN
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)

Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)

Serena’s POV Matagal kong inakalang hawak lang ako ng kontrata—isang papel na pumirmi sa buhay ko, sa katawan ko, at sa kalayaan ko. Pero ngayong nakahiga ako sa tabi ni Damien, natatakpan ng init ng balat niya ang lahat ng sugat sa puso ko, alam kong mali ako. Hindi na kontrata ang nagbubuklod sa amin. Hindi na utang. Hindi na desperasyon. Ako mismo ang pumili sa kanya. Dahan-dahan niyang hinila ang kumot pababa, inilantad ang bawat bahagi ng katawan kong kanina pa nanginginig, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pananabik. Mainit ang hininga niya sa leeg ko, at ang bawat halik na inilapat niya ay parang panata na hindi na niya ako bibitawan. “Wala nang papel na nagdidikta sa’yo, Serena,” bulong niya habang pinapadaanan ng labi ang balikat ko. “Ako na ang pipiliin mo. Ako na ang kailangan mo.” Napapikit ako, hinayaan ang katawan kong lunurin ng bawat haplos niya. Hindi na ito transaksyon. Hindi na ito kasunduan. Ito ay kagustuhan naming pareho. Nagtagpo ang mga labi namin, mas mariin, mas buo—parang wala nang bukas. Ang bawat paghinga niya ay naging akin, ang bawat ungol ko ay naging kanya. Hanggang sa wala nang natira kundi ang mga katawan naming nag-uusap, nagsasanib, nagtatakda ng bagong simula. At sa gitna ng dilim ng kwarto, habang pareho kaming nilalamon ng init at ng pagmamahal, alam kong wala nang atrasan. Ako si Serena Villareal. Hindi na bilang alipin ng kontrata, kundi bilang babaeng kusang nagpa-angkin, kusang nagmahal, at kusang nagpasakop—sa lalaking siya ring nagpalaya sa akin.
Romance
314 viewsOngoing
Read
Add to library
Intentional Mistake

Intentional Mistake

Destiny is something we all believe to be fixed right? Something that we can't fight against. Pero naisip mo na ba kahit minsan na baka ang tadhana ay para ring tao? Na pwedeng magbago ang isip? Na pwedeng may baguhin sa isang parte ng isang kwento sa kahit anong oras niya gusto? They say some stories end not with a happy ending, but some people also believe that a story's real ending is a happy one. Because, after all, that's what we all deserve right? Happiness. But what will happen if destiny really changed its mind on a life story of two people who were supposed to meet anyway?
YA/TEEN
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1718192021
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status