フィルター条件
ステータスを更新中
全て進行中完了
並べ替え
全て人気のあるおすすめ評価更新
I'm Crazy For You

I'm Crazy For You

Sa gitna ng karangyaan ng Blue Ocean Cruise Ship, isang banggaan ng galit at kapalaran ang magpapasimula ng pagbabago sa buhay nina Cherry at Jal. Si Cherry, isang matapang at determinadong crew member na may fiancée na nangangalang David, ay umuusok sa galit matapos ang magulong araw sa trabaho. Sa isang aksidenteng pagkikita, napagkamalan niyang gigolo ang isang gwapong lalaki na tila walang pakialam sa mundo—si Jal. Ngunit ang hindi niya alam, ang lalaking kanyang sinigawan at tinawag na bastos ay ang mismong kapitan, CEO, at bilyonaryong nagmamay-ari ng barkong kanyang pinagtatrabahuhan. Ngunit sa ilalim ng liwanag ng buwan at sa kislap ng dagat, naganap ang isang gabing hindi nila inaasahan—isang mainit at mapusok na one-night stand na nag-iwan ng masakit na katotohanan: si Cherry ay nagdadalang-tao ng triplets. Habang patuloy na iniwasan ni Cherry si Jal, ang galit niya rito ay nagiging masalimuot na damdaming hindi niya maunawaan. Ang kanyang puso ay tila nagkakaroon ng sariling isip tuwing nakikita si Jal, kahit pa alam niyang may malaking sagabal sa kanilang dalawa—ang kanyang matagal nang fiancé na si David, na naghahanda na para sa kanilang kasal sa susunod na taon. Sa bawat araw na lumilipas, lalo siyang nahuhulog sa kakaibang ganda at pagkatao ni Cherry—isang damdaming hindi niya inasahan at pilit niyang nilalabanan. Ngunit paano kung malaman niya ang lihim ni Cherry? Paano kung matuklasan niyang siya ang ama ng mga triplets na dinadala nito? Pipiliin ba ni Cherry ang responsibilidad ng pangako kay David, o ang tawag ng pusong nagsisigaw para kay Jal?
Romance
103.9K ビュー完了
読む
本棚に追加
YOU BETRAYED ME ONCE AGAIN

YOU BETRAYED ME ONCE AGAIN

LADYMISS20
"Baby... please don't do this to me! We can fix it! Just please! please don't do this" I beg to him while his packing his things. "I'm sorry Sandra... but I can't.  I can't spend my life to you anymore. Don't make this hard to us, just let me go." He said without any expression to his face. " A-are you leaving me because she's back? Are you  going to throw everything we've been through,  for the fast four years of our marriage? Just b-because.... just because your first love came back? You're throwing me out because of her? " Pagtatanong ko sa mahinahong boses at habang pinapatatag ang sarili ko na 'wag mag- breakdown sa sagot na maririrnig ko mula sakaniya. Tumigil siya sa pag-iimpake at tumingin sa akin ng deretso na halos ikatumba ko. "Yes. Everyone said she's already dead, everyone lied to me. Everyone fool me! I wouldn't marry you if i just known she's still alive. I'm sorry... Sandra I hope you understand." Saad niya. Hindi ko man lang siya nakitaan ng pagsisisi o kahit awa man lang para sa akin para sa nagawa niya. Tang*na! ginawa niya akong rebound. Natawa ako sa mga sinabi niya, puno ng galit at sakit akong tumitig sa kniya at mapait na ngumiti. "So all this time I am just your rebound? all this time pinaniwala mo akong mahal mo ako ! Pinaniwalaan ko lahat ng mga sinabi mo, pinakita at pinaramdam mo, pati mga pangako mong hindi naman pala para talaga sakin! "Wala kang puso Jiro, hindi ka makatao... Pinag-sisisihan kong nakilala kita at nagtiwala ako sa'yo... at lalong pinag-sisisihan kong ikaw pa ang minahal ko."     Saad ko na punong-puno ng galit ngunit sa mahinahong boses at walang emosyong mga matang nakatitig sa kaniya.
Romance
1.2K ビュー連載中
読む
本棚に追加
I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

Sa isang mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan, ipinanganak si Elena Cruz sa kahirapan. Maganda siya—mala-porselanang kutis, brown ang mata, at may alindog na kahit sa simpleng ayos ay nakakakuha ng pansin. Pero sa likod ng ganda, puno ng sugat ang kanyang buhay—ama niyang lulong sa sugal at inang kasambahay sa pamilya ng mga Monteverde, isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Isang gabi, nagbago ang lahat. Sa desperasyon at gutom, nagnakaw ang kanyang ama mula sa mansion ng mga Monteverde—isang kasalanang nahuli sa CCTV. At nang mabunyag ito, nasira hindi lang ang tiwala, kundi pati ang buhay nilang mag-ina. Sa gitna ng kahihiyan, pagkakautang, at apoy na sumunog sa kanilang tahanan, namatay ang kanyang ina sa konsensya at pangamba, habang nagtatago naman ang ama. Walang ibang natira kay Elena kundi ang pangalang minantsahan ng kasalanan. Hanggang sa isang gabi, muling tumagpo ang landas nila ni Lance Monteverde—ang bilyonaryong CEO na anak ng among pinagsilbihan ng kanyang ina. Malamig, makapangyarihan, at walang pakialam sa pag-ibig. Ngunit sa kabila ng lahat, tila may kakaibang puwersang nagtulak sa kanya na iligtas si Elena mula sa kamay ng mga mapang-abusong nanghihingi ng utang. Kapalit ng kaligtasan, isang alok ang binitawan ni Lance: “Babayaran ko ang lahat ng utang mo, Elena. Pero may kapalit... ikaw.” Sa pagitan ng utang, galit, at pag-ibig na unti-unting tumutubo sa gitna ng poot—mapipilitan si Elena na maging asawa ng lalaking kinaiinisan at kinatatakutan niya… ang lalaking unti-unti ring matututo kung ano ang tunay na halaga ng pag-ibig at pagkatao. Ngunit sa mundo ng mga Monteverde, walang libre. At sa dulo ng bawat pangako, may kapalit na kalayaan.
Romance
417 ビュー連載中
読む
本棚に追加
Loving The Mistress

Loving The Mistress

FilipinangManunulat
Wala ng ibang maisip na lapitan si Beatrice kundi ang kapatid niyang si Zircon tungkol sa kanyang problema. Hiniling ni Beatrice kay Zircon na paibigin ang kabit ng kanyang asawa upang mapaghiwalay sila. At kapag napa-ibig na ni Zircon si Yara, ang kabit ni Jack ay iwanan na niya ito agad para maturuan ng leksyon. Hindi sana papayag si Zircon sa hiling ng kapatid dahil hindi siya ganong lalake ngunit ayaw niyang matulad sa kanya ang pamangkin niya na hindi buo ang pamilya. Parang isang mailap na tupa si Yara ng tangkain na makipaglapit ni Zircon. Ngunit dahil sa isang pangyayari na hindi nila inaasahan ay iyon ang nagbukas ng daanan para maging malapit at makilala nila ang isa’t isa. Nakilala ni Zircon ng mabuti si Yara at nalaman niya na mabuti itong babae kahit na kabit ito. Nagmahal lang naman at nabulag siya sa pag-ibig. Pinayuhan naman niya si Yara na itigil niya iyon at tila biglang natauhan ang dalaga kaya bigla itong nakipaghiwalay kay Jack, isa pa ay napapagod na rin siya na maghintay kay Jack at sa mga pangako nito, idagdag pa ang katotohanang nahulog na rin ang loob niya kay Zircon. Hindi nagtagal ay naging magkasintahan sina Zircon at Yara, akala nilang dalawa ay magiging masaya na sila sa piling ng bawat isa ngunit lumabas ang mga lihim na hindi na sana nila gusto na lumabas. Simula noon ay naging mahirap para sa kanila ang bawat araw at humantong iyon sa kanilang hiwalayan. May pag-asa pa ba na magkabalikan sina Zircon at Yara gayong nawala na ang tiwala sa isa’t isa? May pagkakataon pa ba si Yara na makaramdam ng isang totoong pag-ibig kahit minsan na siyang naging kabit? O baka naman tuluyan na silang paghiwalayin ng tadhana at dalhin sa magkaibang landas.
Romance
10980 ビュー連載中
読む
本棚に追加
The CEO's Revenge

The CEO's Revenge

Si Xaiqa Qealil Dhal'Pzion na mas kilala sa tawag na Xai ay nakaranas ng labis na kalupitan sa kamay mismo ng sarili niyang ama, hindi pag mamalupit sa mismong katawan niya ngunit sa mga taong mahal at labis na malapit sa kaniya, sa edad na siyam ay iniwan sila ng kaniyang pulis na ama, at walang hiya nitong ipinahiya ang kaniyang ina, sa murang edad ay walang nagawa ang kawawang bata, lalo na't sila ay nagmula lamang sa mahirap na pamilya. Ngunit simula ng iwanan sila ng kaniyang ama, si Xaiqa at ang nakababata niyang kapatid na si Ziekye ay binuhay ng kanilang ina, halos araw araw at madalas gabi na kung maka uwe ang kanilang ina dahil sa labis na pagtatrabho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan, mas naging maayos din ang buhay nila, simula noong hindi na nila nakakasama ang kanilang ama, wala ng nananakit sa kanilang ina. Ngunit sa edad niyang dose ay muling nag pakita ang masamang mukha ng kanilang ama, at sa gabing iyon, tuluyang nawasak ang puso ni Xaiqa, dahil pinahirapan ng labis ang kanilang ina habang nasa harap nila, walang awang pinag hahampas ng latigo, at sa huli ay kinitil ng sarili nilang ama ang buhay nito, sa oras din nayon ay ibenenta ang kaniyang kapatid sa malaking sindikato, walang nagawa si Xaiqa kundi ang umiyak, mag luksa at sumigaw, hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. 13 years ang nakalipas, ang batang dumaan sa labis na hirap at sakit ay muling magbabalik para sa hustisya, nais niyang tuparin ang sumpang binitawan sa labi ng kaniyang ina, at ang pangako na hahanapin ang kaniyang kapatid, si Xaiqa ngayun na anak na ng mga asawang bilyonaryo sa ibat ibang bansa at isa ng ganap na CEO. makakamit niya kaya ang hustisya? para sa mahal.
Romance
179 ビュー連載中
読む
本棚に追加
A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

Si Maria Lagdameo ay naglalakbay sa masalimuot na mundo ng pag-ibig,pagtataksil, at pagkakanulo. Bilang matagal nang kasintahan ni Roland Espedilla, ibinuhos ni Maria ang kanyang puso at kaluluwa para sa kanyang nobyo naniniwalang ang kanilang pagmamahalan ay totoo . Ngunit sa likod ng ngiti at pangako, nagtatago ang madilim na katotohanan: ginagamit lamang siya ni Roland para sa kanyang bisyo at mga kapritso. Noong naharap si Roland sa matinding problema sa pera at nagiit sa malaking pagkakautang, nagdesisyon siyang ipagbili si Maria sa isang may-ari ng bar, na tila isang masamang bangungot na walang katapusang pagsubok. Inaasahan ni Maria ang isang romantikong date at pagpakilala sa mga kaibigan ni Roland, ngunit ang tunay na layunin ng gabing iyon ay magpapabagsak sa kanyang mundo at kasabwat pa ang matalik na kaibigan na si Rowena at kalaguyo ni Roland na 'di niya inaasahang magagawa ito sa kanya. Nang biglang magbago ng takbo ng mga pangyayari, natagpuan ni Maria ang sarili sa isang sitwasyon ng panganib at pagsisisi, na nagdudulot ng isang gabing tutukuyin ang kanyang kapalaran at pagkakaroon ng isang One-night-stand sa isang napakagwapong estranghero na 'di niya inaakala ay isang CEO ng naglalakihang RTW Chain ng bansa at inaakala siyang isang bayarang babae. Sa kanyang pagbabalik sa Cebu, upang makalimot sa madilim na nakaraan at bagong panimula ay natuklasan niyang buntis siya at bunga ng isang gabi ng isang estranghero-isang bagong simula sa gitna ng pagkawasak. Ngunit ang kanyang kwento ay hindi dito nagtatapos. Sa muling pagkikita nila Kean Ambrosio, ang makapangyarihang CEO ng Klean RTW at ama ng kanyang dinadala, nag-uumpisa ang paglalakbay sa pangalawang pagkakataon ng pag-ibig ni Maria. Paano niya haharapin ang kanyang nakaraan at ang mga alaala ng sakit na dulot ni Roland at Rowena? Makakaya bang magmahal at magtiwala ulit ni Maria sa katauhan ni Kean?
Romance
104.6K ビュー完了
読む
本棚に追加
前へ
1
...
456789
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status