Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2

JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2

Nasa gitna ng pagbabago si John Enriquez mula sa kaniyang pagiging babaero nang biglang dumating sa buhay niya ang babaeng inakala niyang pang habang buhay na. Ngunit nang malaman niya na ang edad pala nito ay kalahati ng edad niya ay agad niya itong nilayuan. Si Leila Mercedez, isang babaeng may malaking pangarap sa mundo ng pag-arte. Gumuho ang matayog niyang pangarap matapos niyang malaman na siya pala ay nagdadalang tao. Nabuntis siya ng lalaking naka-one night stand niya. Ang lalaking inabandona siya matapos na gamitin. Dahil masyado pang bata si Leila at hindi siya pwedeng umuwi sa kanila, hinanap niya ang lalaking naka-disgrasya sa kaniya. Halos magmakaawa siya rito na panagutan ang dinadala niya. Tiniis ni Leila ang lahat ng pagtataboy ni John sa kaniya alang-alang na lang sa batang dinadala niya. Minahal niya ito sa kabila ng pagiging malupit nito sa kaniya. Nagsama sila sa iisang bahay para lang sa bata. Hanggang isang araw ay natutunan ni Leila na mahalin ang sarili niya. Nagsumikap siya na makamit ang pangarap niya at tinanggap na anak lang niya ang kayang mahalin ni John at hinding-hindi mangyayari na makakamit niya ang pagmamahal nito. Paano kung kailan nakahanap si Leila ng bagong pag-ibig ay saka naman niya malalaman na mahal pala siya ni John? Ano ang gagawin ni John para mabawi si Leila? Ang anak ba nila ang magbubuklod sa kanilang dalawa?
Romance
9.9105.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Kabit Ako Ng Kabit Ako

Kabit Ako Ng Kabit Ako

"Masama man ay naakit akong makipag-relasyon. Kahit pa, maging kabit ako ng kabit  ko." —Eve Blurb    I'm Kaytei  Aghubad, bata pa lamang ay pinangarap kong magkaroon ng buo at masayang pamilya. Katulad sa Mommy at Daddy ko. Hanggang sa mawala sila ay hindi nila iniwan ang isa 't isa. Nakilala ko si Renton, unang nobyo ko. Akala ko ay siya na ang tutupad sa pangarap ko. Ngunit nauwi sa wala ang aming pagsasama. Lumipas ang isang taon nakilala ko si Hardin. Muli akong sumugal sa pag-ibig, dahil naniniwala ako sa kasabihan na nasa ikalawang asawa ang swerti. Tama naman sila, dahil naging masaya ako sa piling niya. Tuluyan niya akong iniuwi at hindi ko aakalain ang daratnan sa bahay nila ang kambal niya na si Lordin. Masama man ay naakit akong makipag-relasyon. Kahit pa, maging kabit ako ng kabit  ko...
Romance
10293 viewsOngoing
Read
Add to library
Before The Vows Were Broken

Before The Vows Were Broken

Ipinagkasundo si Cassidy ng kanyang mga magulang kay Chester Montecalvo. Bata pa lang ay minamahal na ng dalaga si Chester kaya tinanggap niyang maikasal dito. Pero sa loob ng dalawang taon nilang pagiging mag-asawa ay walang ginawa si Chester kundi pasakitin ang puso niya. At nang mamatay ang mga magulang niya ay mas lalo pang lumabas ang tunay na kulay ni Chester nang ikulong siya nito at pilitin papirmahin ng mga dokumento para mailipat dito ang pagmamay-ari ng kompanya. Cassidy killed herself bago pa makuha ng asawa niya ang lahat ng meron siya. Hindi niya hahayaan na mapunta sa walanghiya niyang asawa ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang. Pero iba ang plano ng kapalaran sa kanya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa harapan siya ng altar, ikinakasal muli kay Chester. She had given a second chance, nabuhay siyang muli.
Romance
341 viewsOngoing
Read
Add to library
The Mayor's Contract Wife

The Mayor's Contract Wife

Isang matapang na dalagang negosyante si Ysabella Cruz na handang gawin ang lahat para mailigtas ang pamilya nila sa pagkakautang—kahit pa ang kapalit ay isang kasunduang kasal. Ang catch? Ang lalaking papakasalan niya ay si Mayor Alaric Dela Vega—bata, makapangyarihan, at misteryosong lider ng kanilang bayan. Hindi inaasahan ni Ysabella na ang lalaking minsang tumulong sa kanya noong kabataan pa sila ay siya ring magiging "asawa" niya ngayon—ngunit sa papel lamang. May sariling dahilan si Mayor Alaric kung bakit pumayag siya sa kasunduan: kailangan niyang mapanatili ang imahe niyang "settled" upang matuloy ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nabubura ang hangganan ng kasunduan. Sa pagitan ng mga scripted na halik sa harap ng kamera at mga gabing puno ng katahimikan, may damdaming unti-unting nagigising. Hanggang kailan sila magtatago sa likod ng kontrata? At kapag dumating ang oras ng pag-pirma ng annulment papers, sino ang unang aatras—ang pusong natutong magmahal o ang pusong takot masaktan muli?
Romance
10602 viewsOngoing
Read
Add to library
Rejected Daughter, Reclaimed by my Trillionaire Husband

Rejected Daughter, Reclaimed by my Trillionaire Husband

Nang ipinanganak si Celeste Dela Vega ay nakaplano na ang kanyang kapalaran—iyon ay ang ginawang pag swap sa kanya ng family maid nila sa anak nito sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang bata, habang si Celeste ay itinapon lang sa kung saan. 20 years later, the Consunji family finally found her. Ang buong akala niya ay magiging maayos na ang kanyang buhay, ngunit kabaligtaran ang nangyari. Instead of guilt, they gave her betrayal. Her fiancé Jaxon Jimenez cheated on her, and her family took their maid’s daughter’s side. Ginawa ni Celeste ang lahat upang labanan ang sarili niyang pamilya, ngunit tila mas lalo siyang pinahihirapan nito, hanggang sa wala na siyang ibang pagpipilian kundi gamitin ang black card na matagal nang nakatago—bagay na lalong ikinapahamak niya. Bullied and desperate, Celeste finally gave up, but immediately saved by the owner of the black card—ang tinaguriang pinakamayaman at makapangyarihang tao sa buong bansa. “Your fiancé? You’re dreaming, Celeste. There’s no way Mr. Razon would take you as his soon-to-be wife.” “What’s the problem with that, Mr. Jimenez? Are you insulting my wife?”
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

📖 S Y N O P S I S Vengeance of the Reborn CEO’s Wife Sa paningin ng lahat, si Aurora Steele ay may perpektong buhay — asawa ng makapangyarihang negosyanteng si Xavier Steele, ina ng isang mabait at maganda nilang anak na si Amara, at ginagalang ng lipunan bilang huwarang babae. Ngunit sa likod ng magarang ngiti at marangyang tahanan, nakatago ang malamig na distansya, mga lihim, at mga kasinungalingang unti-unting sumisira sa kanyang mundo. Pagbalik ng kanyang kambal na si Lilith, dala ang isang batang lalaki na may parehong mga mata ni Xavier, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilihim sa kanya. Hanggang sa isang gabi ng trahedya, lason ang pumatay sa kanyang anak — at ang tiwala ni Aurora ay tuluyang gumuho. Pinagkamalan siyang baliw, tinuligsa ng asawang minsan niyang minahal, at iniwan sa dilim ng sariling pagkawasak. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang kuwento. Sa misteryosong pag-ikot ng tadhana, nagising si Aurora — isang taon bago mangyari ang lahat. Ngayon, dala niya ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng dahilan upang magbago. Hindi na siya ang babaeng umiiyak sa dilim. Hindi na siya ang asawang nagmamakaawa ng pansin. Ngayon, siya na ang reina ng sariling laban — tahimik, matalino, at mapanganib. Sa ilalim ng mapanlinlang na ngiti, itatago niya ang kanyang mga plano. Sa bawat salita, itatali niya muli ang mga taong minsang sumira sa kanya. Ngunit sa oras na bumalik ang mga anino ng nakaraan, isang bagay ang malinaw: Ang babaeng minsang tinalikuran, ngayon ay muling isinilang — hindi para magmahal, kundi para gumanti.
Romance
10359 viewsOngoing
Read
Add to library
My Daddy Boss

My Daddy Boss

Pinagpalit si Lenie ng kanyang ex-boyfriend na si Dexter kaya naman humingi siya ng tulong sa kaibigang si Alice para lumipat ng trabaho at makapagsimula ulit ng bagong buhay. Pero, pati si Alice ay niloko rin siya dahil iniwan nito ang baby niya kay Lenie at umalis nang walang paalam. Para mabuhay niya si Javi ay nag-apply siya sa kumpanyang pinapasukan ni Alice noon. Nang matanggap naman ay di niya inakalang mamahalin siya ng kanyang boss na si Alexis Ramirez. Hindi nagtagal ay napamahal na rin siya rito. Kaya lang, may isang sikreto siyang hindi sinasabi kay Alexis. Bawal kasi ang empleyadong may anak sa kumpanya ni Alexis. Hindi alam ni Lenie kung paano ipapaliwanag sa kanyang boss ang kanyang sitwsyon. Habang iniisip kung paano ang kanyang magiging solusyon sa problema ay bigla namang bumalik ang kanyang dating kaibigan na si Alice para bawiin ang anak. Dahil ilang taon na rin niyang nakasama si Javi ay sobrang nahirapan siyang isauli ang bata sa tunay nitong ina. Para hindi malayo kay Javi ay humingi na ng tulong si Lenie kay Alexis. Ang hindi alam noong dalawa na sa simpleng pagtulong ni Alexis ay sobra palang dami ang mababago sa relasyon at buhay nila.
Romance
1011.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Chained with my boy bestfriend

Chained with my boy bestfriend

ArEnJayne
"Alam mo ikaw ha, masyado kang pala-desisyon. Buhay ko ito kaya huwag kang makialam lalo pa at wala naman ako’ng naging say sa love life mo,” naiinis na pahayag ko kay Franco. Naiinis kasi ito nang malaman na gusto ko ng magkaanak. Lagpas na ako sa kalendaryo at sa takot ko na mapag-iwanan ay ito ang naisip ko na solusyon. Wala sa vocabulary ko ang pag-aasawa dahil na rin sa naging karanasan ng nanay ko at sa nakikita ko sa paligid ko kaya nawalan na ako ng interes lalo na sa mga lalaki. Maraming nanliligaw subalit lahat sa akin ay red flags. Dagdagan pa nitong kaibigan ko na walang inaayawan basta naka-palda sa paningin nito lahat ay maganda. Mabait naman ito, matalino, responsable, masipag at madiskarte subalit sadyang palikero. “Ako ha, concern lang ako sa iyo. Huwag sanang masamain. Mamaya sa kagustuhan mo ay mapahamak ka pa.” Patuloy na litanya ni Franco sa akin. “Kaya nga bago pa mangyari iyon ay uunahan ko na. Hindi ako mai-inlove, hindi ako magiging martir at lalong hindi ko hahayaan na masaktan lang ako ng kagaya mo. Kaya nga anak lang ang gusto ko at iyon na ang pupuno sa pangarap ko. Hindi ako mag-aasawa at sakit lang iyan sa ulo,” masungit na sagot ko. “Ganun ba? Bakit ka pa maghahanap sa malayo at hindi mo kilala kung mayroon naman sa harapan mo? Ako na lang kaya, ano? Makakasiguro ka pa na galing sa magandang lahi at pamilya ang magiging anak mo,” tugon ni Franco. Napamaang ako sa naging sagot n’ya. Pwede kaya o baka magiging mitsa lang ito ng bagong kalbaryo sa buhay namin? Mas makapagpapatibay o makakasira kaya ito sa aming pagkakaibigan? Subalit hindi ko maiwasan kiligin at makadama ng challenge na baka ako lang pala ang makapagpapatino kay Franco.
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE ME, BROTHER

LOVE ME, BROTHER

Ythaniel delos Reyes is the campus heartthrob. Tahimik, seryoso, at laging inuuna ang pamilya at pag-aaral. He rarely talks, but he has a soft spot for one person: his step-sister, Ashannah Zacharias. Ashannah is his total opposite, magulo, masayahin, at tila laging sinusundan ng malas. Trouble seems to find her, kahit anong iwas niya. Mabait siya, pero parang may sumpa. And every time may gulo, si Ythaniel ang laging sumasalo. Hindi sila tunay na magkapatid, pero may natural na koneksyon sa pagitan nila. He’s always there for her, whether it’s a late-night rescue, school drama, or family conflict. At si Ashannah? Sa kahit maliit na bagay, si Ythaniel agad ang takbuhan niya. Hanggang sa dumating ang puntong hindi na lang “kuya” ang tingin niya sa kanya. At si Ythaniel? Hindi na lang basta “kapatid” ang turing niya kay Ashannah. They didn’t plan it. They didn’t want it. But they fell in love. Mali sa paningin ng iba. Bawal sa mata ng pamilya. Pero totoo sa puso nila. Will they fight for their love or choose peace for the sake of family? Can love survive when the world sees it as wrong? This is a story of forbidden love—between two hearts brought under one roof, not to fall in love… but did. --- DISCLAIMER: This is a work of fiction. Any similarities to actual people or events are purely coincidental. NOTE FROM THE AUTHOR: This book is unedited. Please bear with the flaws. I poured my heart into this. Thank you for supporting my story. 💗
Romance
101.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Cold Billionaire's Ex-Wife

The Cold Billionaire's Ex-Wife

Buong akala ni Amara, dahil sa mabait at mabuti siyang asawa ay makukuntento sa kaniya ang kaniyang asawa, ngunit sa kabila ng pagiging isang mabuting asawa nito ay nagawa pa rin siyang lokohin at paulit-ulit na saktan at patayin ang puso ng kaniyang pinakamamahal na asawa. Pinag tagpo ng tadhan ang landas ng dalawa sa isang sikat na Unibersidad sa sa kalakhang Maynila at pareho silang nag-aaral bilang College student. Si Amara ay transferee na freshman, habang in-coming graduated student naman si Andrew na heartthrob sa campus at kilalang numero unong playboy at mapag laro ng damdamin ng babae. Dahil na rin sa nababalitaan ni Amara sa ibang kapwa mag-aaral tungkol kay Andrew, pinangako niya sa sarili na hinding hindi mahuhulog ang loob niya sa lalaking 'yon. Kaya naman sa tuwing nakakasalubong niya ang lalaki para na lang siyang sinisilaban sa galit kaya parati niyang binabara ang lalaki at walang araw na dadaan na hindi sila magba bangayan. Hindi rin maintindihan ni Andrew kung bakit ganoon ang dalaga sa kaniya sa tuwing magkikita sila sa hallway o kahit saang parte ng paaralan. Para siyang dragona na magbubuga ng apoy ng anumang oras, pero sa iba napaka bait ng pakikitungo nito, taliwas ng pinapakita nitong ugali sa kaniya. Parati itong naka singhal at kino kontra ang mga gusto niya. Ngunit sakabila ng lahat naging masigasig sa panliligaw si Andrew sa dalaga, sa kabila ng lahat pinakita niya at pinatunayan sa babae na karapat dapat siya dito ngunit sadyang mailap talaga ito sa kaniya. Hanggang sa nag bunga ang panunuyo nito at nakuha ang matamis na OO nito. Ngunit ang masayang pagsasama ng dalawa ay may ka akibat na kalungkutan. Sa pagpasok ni Madison, ano kayang papel nito sa buhay nila. Siya ba ay isang kaibigan o mortal na karibal???
Romance
1015.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status