Resisting The Mafia Boss (Tagalog)
BOOK #1 MARINOS' MAYHEM SERIES
Tagalog version
ADRIAN
“Sabi ko ‘umarte ka bilang boyfriend ko’ nang limang minuto lang, hindi ‘umarte ka bilang putang-inang asawa ko’ para sa buong buhay mo!” Kalahating sigaw ni Adrian Price, ang mga daliri niya’y nakakuyom nang mahigpit sa kamao habang nakatitig siya sa nakakatakot, pero sobrang gwapo na lalaki sa harap niya.
Dahan-dahang kumurap si Giovanni Marino, tinatagalan ang oras para itala sa memorya ang bawat detalye ng katawan ni Adrian, hindi man lang inaalintana na ginugulo nito ang trabaho niya.
“Wala akong makitang malaking pagkakaiba sa dalawa.”
“Oh, for fuck sake! Thug ka, pero siguradong hindi ka naman tanga, di ba? Hindi mo ba alam ku