The Game She Started
Pinilit ko ang sarili na tignan ang kasama nito at doon nakita kung bakit niya nagustuhan ang lalaki, sa tikas at laki ng katawan ng lalaki ay hindi na ako magtataka kung suki siya sa gym, nasakanya lahat ng gusto niya, mula sa gwapong mukha, sa kulay ng kutis, sa ganda ng katawan.
"Everyone meet my babe, Jay-ar Reyes, babe, meet my best friends Eloise, Ana and Marky," pakilala niya.
Napangiwi nalang ako sa lambing ng boses niya. Dahil si Marky ang nakatayo at malapit sa kaibigan ay siya ang unang nilahadan ng kamay ng lalaki bago kay Eli na tulala parin sakanya pero di rin makapaniwanag tinanggap bago saakin Mabilis kong tinanggap ang kamay niya at tipid na ngumiti.
Hot Chapters