Unmarried Wife
Lunayvaiine
Isang kasalanan ang nagdala kay Riyana sa isang masalimuot na buhay may asawa. Nabuntis siya ng nobyo ng kapatid niya, napilitan siyang pakasalan ni Elthon para makuha nito ang mana na iniwan ng yumao niyang ama.
Nangibang-bansa si Monica nang malaman niyang magkakaroon na ng anak ang kapatid niya at ang nobyo niya ang ama. Masakit kay Monica ang nangyari hindi niya akalain na ang kapatid niya pa mismo ang magta-traydor sa kaniya. Nagpaubaya siya para sa bata.
Lumipas ang ilang taon si Monica pa din ang mahal ni Elthon, kahit kailan ay hindi niya mamahalin si Riyana dahil nabuntis niya lang ito noong pareho silang nalasing. Hindi sinasadya at hindi niya inaasahan. Nasangkot si Elthon sa isang sindikato. Napagbintangan siya na isa siya sa mga myembro nito dahil siya ang nahuli nang magkaroon ng raid sa mismong lugar ng pinangyarihan. Nakulong ng ilang buwan hanggang sa napatunayan na wala siyang kinalaman sa drugs.
Hanggang sa nalaman ni Elthon na namatay si Monica dahil binigay nito ang puso niya kay Riyana. Nabaril si Riyana nang mga sindikatong naglagay kay Elthon sa kapahamakan. Hindi niya alam mahina pala ang puso ni Riyana at may sakit si Monica noong pumunta ito ng ibang bansa. Halos gumuho ang mundo ni Elthon ng malaman niya ang nangyari. Sinisi niya si Riyana sa lahat. Nawala ang kaisa-isang babaeng minahal niya at pinangakuan niya ng kasal. Lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa ni Monica ay nawala dahil kay Riyana. Kaya ginawa niyang miserable ang buhay nito sa piling niya.