Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Contract Marriage: How To Love My Husband To Be

Contract Marriage: How To Love My Husband To Be

Si Mia ay lumaki sa isang pamilyang walang pagmamahal at puro kalupitan ang natanggap. Para sa kanila, isa lang siyang pabigat. Kaya nang ipagkasundo siyang ipakasal sa pinaka kinatatakutan na lalaki sa bayan—isang makapangyarihang tao na kilala sa kanyang pagiging malupit—hindi na siya nagreklamo. Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito, at wala siyang inaasahang masayang kinabukasan. Ngunit pagdating niya sa tahanan ng kanyang mapapangasawa, natuklasan niyang mali ang lahat ng narinig niyang tsismis. Sa halip na isang halimaw na walang awa, nakilala niya ang isang lalaking bagamat seryoso, ay may kakayahang magpakita ng kabutihan. Unti-unti, naguguluhan siya sa hindi pamilyar na mundo ng pagmamahal at pag-aaruga. Ngunit para kay Mia, na lumaki sa takot at hindi kailanman nakaranas ng tunay na pagmamahal, kaya ba niyang matutong buksan ang kanyang puso? O mananatili siyang bihag ng kanyang madilim na nakaraan at tanggihan ang pag-ibig na nasa harapan na niya?
Romance
10832 viewsOngoing
Read
Add to library
Arrange Marriage to the Nerd Billionaire

Arrange Marriage to the Nerd Billionaire

Ako si Daniel Montenegro isang kilalang Nerd na cute sa school na pinapasukan ko ngayon. Palagi ako ang target ng mga bully na sikat sa school na pinapangunahan ni Kathryn Monte Falco. Isa siyang Queen bee daw kuno at walang pwede na sumalungat sa mga gusto nito dahil para sa kanya siya ang Reyna ng mga bubuyog este ng Campus kaya kung gusto mo na maging matiwasay ang iyong buhay habang nag aaral ka pa lang ay huwag na huwag mong naisin pa na kalabanin ito. Samantala, ang aking mga papansin na magulang ay bigla na lang nalagyan ng tubig sa utak kaya naisipan nilang ipagkasundo ako na ipakasal sa she devil na ito na wala ng ginawang mabuti sa buhay ko. Makakaya ko bang makisama sa katulad nito o hihilingin ko na lang sa aking mga magulang na tanggalan na lang nila ako ng mana at ipamigay na lang sa charity ang mamanahin ko na multi billion worth of companies mula sa kanila. Kaysa ang makasama ang isang katulad nito.
Romance
1010.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!

My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!

Nalaman ni Ximena na sinadya ng kanyang nobyo na si Julius na ipambayad utang ang kanyang puri kasabwat ang babae na pinakilala sa kanya ng kasintahan na matalik nitong kaibigan. Yun pala ay matagal ng may relasyon ang mga ito. Kasunod non ay natanggap siya sa trabaho. Ngunit ganon na lang ang gulat ni Ximena na imbis na sa Marketing Department ay nalipat siya bilang Personal Assistant ng CEO!
Romance
1023.0K viewsCompleted
Read
Add to library
His Bodyguard Wife

His Bodyguard Wife

BOOK 1: HIS BODYGUARD WIFE Maayos na ginagampanan ni West ang mga normal na gawain niya bilang isang mafia queen subalit nagkaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng kan'yang buhay matapos sabihin ng ama na siya ay kasal na. *** Nang ibigay kay West ng ama ang misyon na protektahan ang kan'yang asawa na walang kaide-ideya na sila ay kasal na at mula sa pamilya ng mga mafia ay nagpas'ya siyang maging bodyguard nito subalit habang nakakasama niya ito ay unti-unti niyang nararamdaman ang mga emosyon na matagal niya ng kinalimutan lalo na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Paano pro-protektahan ng isang mafia queen ang kan'yang hot tempered na asawa kung maraming pangyayari ang magaganap na malayo sa inaasahan niya?
Romance
1011.2K viewsCompleted
Read
Add to library
BILLIONAIRE'S JUDGE VERDICT ( CARSON ELITE SERIES 3)

BILLIONAIRE'S JUDGE VERDICT ( CARSON ELITE SERIES 3)

WARNING ⚠️ MATURED CONTENT ⚠️ READ AT YOUR OWN RISK..!! Paano mo sasabihin sa isang tao na mahal mo s'ya kung alam mo sa sarili mo na may malaki kang kasalanan na nagawa sa kan'ya sa nakaraan? Saan hahantong ang pag-ibig na nararamdaman sa taong manhid na ang puso dahil sa labis na sakit na naranasan at nararamdaman dulot ng ng masaklap na nakaraan? Magtatagumpay kaya ang tadhana na pagtagpuin sila?
Romance
10219.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?
Romance
137 viewsOngoing
Read
Add to library
Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

red_berries
Sa loob ng sampung taon na magkasintahan si Elle at Franz, nauwi ang lahat sa hiwalayan, dahil sa isang babae na isang kaibigan lang daw. Alam ni Elle na mabait at maunawain ang kanyang nobyo, pero masyadong lumagpas ang pagiging mabait nito na naka-apekto sa kanilang relasyon, siya na naturingan na nobya, pero parang siya pa ang walang karapatan kay Franz. Masakit kay Elle na bitawan si Franz, pero hindi niya hahayaan na masira pa lalo ang buhay niya kung laging pagdadahilan ang maririnig niya mula sa bibig ni Franz. Nagpakalayo at napadpad sa isang tahimik na lugar si Elle para lubos na makalimutan si Franz, at para na rin doon ibuhos ang lahat ng sakit, pero hindi rin pala niya magagawa dahil sa isang mala-yelong pagkatao ng isang lalaki na makakasama niya sa isang bahay, hindi naman siya pinanganak na mayaman kaya kailangan niyang mangupahan. Ang akalang kalmado at walang sakit sa ulo na tahanan ay magiging mahirap para kay Elle, dahil sa ugali ni Jack, ang kasama niya sa bahay. Kung si Elle ay mayroong liwanag kahit pa nasaktan ito, si Jack ang nagpapawala no'n dahil sa hindi sila magkasundong dalawa sa lahat ng bagay sa iisang bubong. Away dito, away doon ang ginagawa nila araw-araw. Tuluyan kayang maghilom ang sugatan na puso ni Elle, o mas lalong hindi, dahil kay Jack? Paano na lang kung isang araw sa kagustuhan na mag-move-on ni Elle kay Jack na tumitibok ang kanyang puso? Ang isa pang malaking rebelasyon, paano kung malaman ni Elle na isang bilyonaryo pala si Jack na nagpapanggap na mahirap para sa isang misyon?
Romance
648 viewsOngoing
Read
Add to library
.

.

BUBURAHIN NA PO ITONG STORY INAANTAY LANG NA BURAHIN NI SENIOR EDITOR ANG STORY NA TO PASENSYA NA POOOOOO I
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
She's Mine

She's Mine

Miss Elle
"Bakit single pa rin ako sa edad na thirty-seven?” Matagal na nagpakahibang sa isang lalaki si Mia Dizon na kapwa niya doctor, hanggang sa malaman niya na lang na pamilyadong tao na ito. At siya, naiwang single habang nagmo-move on. Inisip niya rin na sana makahanap siya ng taong para sa kanya sa parehong paraan—naging payente niya muna at na-in love sila sa isa’t isa. Hindi nagtagal matapos niyang sambitin ang bagay na iyon, ay dininig ang wish niya. Or not. Dahil ang pasyente na ibinigay sa kanya, bukod sa matalas ang dila, walang modo, ay may tinatawag na ibang pangalan at… Isa itong magandang babae na may magandang boses na tila hinehele ang buong pagkatao niya. Maging ang labi nito ay tila hinihila siya sa mundong bago sa kanya. Summer Braganza, o mas kilala sa screenname nitong Rain—kaya bang tanggapin ni Mia ang biglang pagbabago ng preference niya dahil sa babaeng ito? Saan siya lulugar sa buhay ni Summer? Hindi niya na ito dapat pang alamin dahil may Cornelia na ito. Magiging single na lang ba siya forever?
LGBTQ+
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Anticipating

Anticipating

Tipikal na babae lamang si Sheryll Denubre, masipag, mapagmahal sa magulang pero tila lagi na lang siyang may kaakibat na malasan. Ngunit ni minsan ay hindi iyon naging hadlang para pilitin niya makamtan ang ninanais na kaligayahan. Pero dahil sa sunod-sunod na kamalasan sa kanyang buhay ay napilitan siyang makagawa ng ilang bagay na hindi niya lubos akalain na makapagbabago sa kanyang buhay.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status