Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
Romance
104.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Womanizer Wife (On-going)

Womanizer Wife (On-going)

Dehjeon_desu
Si Kheene Cuenco ay anak nang nagmamay-ari ng isang Make-up Brand Company. Matalino, mabait, gwapo at mapagmahal but still iniwan pa din siya ng kaniyang kasintahan. Kagagaling lang niya sa isang break-up nang magkaroon ng malaking problema ang kanilang kompanya, at para ma-resolba ito ay kailangan niyang pakasalan ang lesbian na anak ng kaibigan ng kaniyang ama. Inaasahan niya na hindi ito matutuloy, ngunit nagka-mali siya. Sa kanilang matagal na pagsa-sama ay hindi namamalayan ni Kheene na nahuhulog na pala siya dito. Pilit man niyang pigilin ang nararamdaman pero mas lalo lang ito lumala. Ngunit naisip niya, paano siya nito mamahalin pabalik kung ang gusto nito ay babae? Matatagalan ba siya nito maka-sama o tulad ng una niyang kasintahan ay iiwan din siya nito sa huli?
Romance
5.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Matapos siyang malasing, patuloy patuloy niyang isinisigaw ang pangalan ni Iris Relova. Nang magising siya kinabukasan, wala siyang maalalang kahit ano, at sinabi sa kaniya “Hanapin mo ang babae mula kagabi!” “......” Sa wakas, nawalan ng pag-asa si Solene at nagsumite ng divorce agreement. Ang dahilan ng diborsyo ay: gusto ng babae ng mga bata, ngunit ang kaniyang asawa ay baog, na nagdulot ng pagkasira ng kanilang relasyon! Si Noah na walang kaalam-alam sa sitwasyon, nakatanggap ng balita at ang kaniyang mukha ay nagdilim. Inutusan niya ang isang tao na dakipin si Solene upang mapatunayan ang kaniyang sarili. Isang gabi, si Solene ay kadarating palang sa bahay galing sa trabaho at na-corner ng isang tao sa hagdan. “Sinong nagpahintulot sa iyo na makipag-diborsyo nang wala ang aking pagsang-ayon?” Tinanong ni Solene, "Wala kang kakayahan, kaya bakit hindi mo ako pinapayagan na makahanap ng ibang makakagawa?" Nang gabing iyon nais ni Noah na malaman niya kung may kakayahan ba siya o wala. Ngunit nang ilabas ni Solene ang isang pregnancy report mula sa kaniyang bag ay nagalit muli si Noah. “Kaninong anak ‘to?” Hinanap niya sa lahat ng dako ang ama ng bata at ipinangako na papatayin ang bastardo! Sinong mag-aakala na ang imbestigasyon ay mahuhulog sa kaniya…
Romance
12.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

"Sa mundo ng kasalanan, hindi lahat ng mga nagbebenta ng laman ay mga taong nawalan ng puso, at hindi rin lahat ng mayayaman ay kayang bilhin ang kapatawaran." Si Sandra Asuncion, ay isang babaeng ipinanganak sa marangyang pamilya at busog sa pagmamahal, ngunit natuldukan ito nang mangyari ang isang hindi inaasahan na massacre sa kaniyang buong pamilya. Nang mangyari iyon ay nawala sa kaniya ang lahat at napilitang siyang ibenta ang sarili para mabuhay. Sa mga gabi ng mga halakhakan, alak, at kasalanan, naging tanyag siya bilang “Ang Babaeng May Mabentang Laman.” Ngunit sa likod ng mga halik na walang saysay, isang gabi ang nagpabago sa lahat. Ang gabi na nakilala niya si Zaniel Arthur Mercer, isang multi-billionaire na kayang bilhin ang lahat lalong-lalo na ang laman ni Sandra. Ang dapat sana’y isang gabi ng bayaran ay nauwi sa paulit-ulit na pagkikita, hanggang sa ang pagkahumaling ay nauwi sa pag-ibig. Ngunit paano mo mamahalin ang lalaking nagmula sa pamilyang nagpapatay sa buong angkan mo? Sa pagitan ng init ng katawan at pagmamahal, paghihiganti at kapatawaran, kailangang pumili ni Sandra. Ang ipaglaban ang lalaking minahal niya, o ang kaluluwang matagal nang winasak ng mga Mercer? Dahil sa mundong ginagalawan nila, walang kasiguraduhan kung alin ang mas masakit para kay Sandra: Ang maging isang prostitute na patuloy na niyuyurakan ng karamihan? O, ang mahalin ang taong may dugong nananalaytay mula sa mga taong dahilan ng kaniyang matagal nang paghihirap? Isang madilim, mainit, at mapusok na kwento ng pag-ibig, kasalanan, at pagtubos. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo, para sa pag-ibig na hindi mo kailanman inaasahan na darating upang mas lalo lamang na palalain ang iyong sitwasyon?
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE BENEATH THE LIES (SPG)

LOVE BENEATH THE LIES (SPG)

Calut qho
Blurb: Matagal na magkasintahan sina Emy at Ricardo, ngunit sa araw ng kanilang anibersaryo, bigla siyang hiniwalayan ni Ricardo nang walang paliwanag. Kalaunan, nalaman ni Emy na si Ricardo ay isang tagapagmana ng isang makapangyarihang angkan at napilitang magpakasal sa isang babaeng ipinagkasundo ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng sakit at hirap, pinalaki ni Emy ang kanilang anak nang mag-isa at itinago ito sa loob ng maraming taon. Paglipas ng panahon, muling nagkrus ang kanilang mga landas sa di inaasahang pagkakataon. Sa muli nilang pagkikita, nalaman ni Ricardo ang tungkol sa kanilang anak at nagsimulang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit bago sila muling maging buo, haharap sila sa mga pagsubok na muling susukat sa kanilang pagmamahalan. Mapagtatagumpayan kaya nila ang pagsubok na iyon? Mabubuo pa kayang muli ang kanilang pamilya? O muling mawawasak at paghihiwalay ng isang sirkumstansya.
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Hot Tycoon Stepbrother

Seducing My Hot Tycoon Stepbrother

Gabriella Castillo, isang adopted child ng mayamang pamilya Castillo ang magkakaroon ng lihim na pagtingin sa kaniyang Kuya Francis— ang Hot Tycoon na panganay na anak ni Señora Marianna. Hindi niya inaasahan na mahulog siya nang tuluyan sa gwapo niyang kuya dahilan para ialay niya ang sarili rito. Ngunit, paano kapag dumating ang araw na malaman ng kanilang pamilya ang tungkol sa lihim at bawal nilang relasyon? Mapapanatili niya pa kaya ang pagiging bunso sa pamilyang umampon sa kaniya? O mawawasak nang tuluyan ang relasyon niya sa pamilya Castillo?
Romance
10460 viewsOngoing
Read
Add to library
THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES

THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES

Sa kanyang kasal sa pangalawa niyang minahal, dumating ang una. Dalawa ang kanyang groom sa araw na inaakala niyang espesyal sa kanilang dalawa ni Jake. Ngunit dumating din si Jinx na una niyang minahal ngunit lumisan. Ngunit may itinatago si Jake sa kanya. Isang katotohanang naisambulat ng araw ng kasal nila. Nang nalaman niya ang lahat ng sikreto, naguluhan siya kung sino ang pipiliin niya, ang nang-iwan o ang nanatili? Ang nagbilin o pinagbilinan?
Romance
8.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionare's Legal Mistress

Billionare's Legal Mistress

Isang malaking bangungot para kay Scarlet ang magising sa tabi ng lalaking hindi niya kilala— si Arken Valdemor, isang pangyayaring magbabago sa buhay niya. Tinakwil siya ng ama niya nang tumangi si Arken sa harap nito na pakasalan siya. Ngunit mismong ang lola ni Arken ang nagpumulit na pakasalan nito si Scarlet nang malaman nitong nabuntis ng apo niya ang dalaga. Scarlet became the contracted wife of Arken, but Arken treated her not a wife instead a Mistress. She became the Billionaire’s Legal Mistress. At sa pagdating ng long-time girlfriend ni Arken, makakayanan kaya ni Scarlet ang lahat ng pagmamalupit nito sa kan’ya? O tuluyan nalang iiwan ang husband in paper niya alang-alang sa kaligtasan ng anak na nabubuo sa loob niya?
Romance
80 viewsOngoing
Read
Add to library
FIELDS OF PLEASURE

FIELDS OF PLEASURE

vivaciouswitch
Si Sabrina Villalon ay isang mapagmahal na probinsyana, na walang ibang hinangad kundi ang mabigyan ng masaganang pamumuhay ang kanyang pamilya. Nayanig ang tahimik at inosente niyang mundo simula nang dumating ang isang Roger Bernardino sa kanilang baryo. Si Roger Bernardino ay ang nobyo ng kaniyang pinakamamahal na ninang--si Marites. Kasabay nang pagdating nito ay ang pagkatuklas niya sa isang nakakawindang na sekreto na matagal nang inilihim sa kanila ng ninang Marites niya. Isang sekretong maaring ikasisira at makapagpabago sa pananaw niya sa buhay. Dahilan upang mabuo ang isang ipinagbabawal na pag-iibigan ng dalawang nilalang. Isang pagmamahalan na marami ang hadlang. Isang pagmamahalan na hahamakin ang lahat para makamit lang ang hustisya para magkaisa ang kanilang mga puso. Ano kaya ang nakakawindang na sekretong itinatago ng ninang niya? Ikakapahamak ba nilang dalawa ito? At papaano nila mapanindigan ang mapanghusgang mundo? o hahayaan nalang nilang mawawasak ng tuluyan ang kaniyang puso?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Husband Doted his First Love

My Billionaire Husband Doted his First Love

Mag-aanim na taon nang nagsasama sina Lilian at Marco kasama ang kanilang limang taong gulang na anak na si Justine nang bumalik ang unang babaeng minahal ni Marco; si Winona. Nabaling ang atensiyon ni Marco dito kasama na rin ang kanilang anak na labis na ikinasama ng loob ni Lilian hanggang umabot na sa sukdulan ang kanyang pasensiya. Ano ang maaring gawin ni Lilian sa tahasang pambabalewala sa kanya ng kanyang mag-ama? Mas pipiliin niya bang tiisin na lamang o magdesisyong iwan ang mga ito? Ano ang mahihinatnan ng kanyang magiging desisyon?
Romance
10244 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3435363738
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status