Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Never let you go

Never let you go

Ms. Sagittarius
Minsan ng nasaktan si Axel at nangako na hinding-hindi na siya iibig ulit. Nagiwan ng malaking sugat sa puso ni Axel ang nangyari sa kanyang nakaraan na buong akala niya ay hindi na niya makakalimutan. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakilala niya si Althea ang babaeng nagkaroon ng malaking impact sa buhay ni Axel. Simple lang si Althea, ordinaryo, may malambot na puso at gagawin ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay na kabaliktaran ni Axel. Nagkaroon ulit ng pagkakataon si Axel na magmahal at magtiwala ulit pero hindi sang-ayon ang Papa niya. Ang tingin kasi ng Papa ni Axel katulad lang din si Althea sa mga babaeng Pera at kapangyarihan ang habol sa anak niya. Gagawin niya ang lahat para paghiwalayin ang dalawa pero hindi makakapayag si Axel na muling manghimasok ang Papa niya kaya naman gagawin din niya ang lahat para protektahan ang taong mahal niya. Ngunit may dumating pa na isang pagsubok sa pagsasama ni Axel at Althea na talagang susubok sa kanilang dalawa. Bumalik ang nawawalang kapatid ni Althea na si Vivian na gusto ng Papa ni Axel para sa kanya. Dumating sa punto na kailangan pumili ni Althea kung ang kaligayahan ng mahal niyang kapatid o ang sarili niyang kaligayahan. Kung noon lagi na lang nagpaubaya si Althea para sa kaligayahan ng ibang tao ngayon hindi siya makakapayag na mawala sa buhay niya ang taong nagparamdam sa kanya kung paano mahalin at pahalagahan. Mahal ni Althea ang pamilya niya pero mas pinili niya ang taong mahal niya na alam niyang hindi siya iiwan kahit ano pang mangyari. Sa kabila ng mga pagsubok sa relasyon ni Axel at Althea ay nagawa nilang lampasan ng magkasama. Pinatunayan nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa at mas tumibay pa ang pagmamahalan nilang dalawa.
Romance
2.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Fiancee

The Billionaire's Fiancee

Mahal na mahal ni Hannah si Jared. Sampung taon na silang magkasintahan at ikakasal na, pero may ibang pakiramdam si Hannah sa kanyang fiancee. Pakiramdam niya ay m ay iba na ito kaya malamig na ang pakikitungo ni Jared sa kanya. Lalo pa siyang nag-isip nang makilala niya si Jane, ang buntis na kaibigan ni Jared.
Romance
9.612.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?
Romance
10409 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

(Ship of Temptation 2) Nang dahil sa wine, nalagay sa panganib ang buhay ni Meldy. Muntik na siyang ipakulong ni Eliot Santisas, ang mayamang negosyante sa bayan nila sa pag-aakalang ninakaw niya ang isang box ng wine na nagkakahalaga ng isang milyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang dumating si Elise—ang anak ni Eliot at inakalang si Meldy ang ina niya. “Bad ka papa! Inaway mo si mama!” Umiiyak na sabi ni Elise habang yakap-yakap si Meldy. Nakita yun ni Meldy na oportunidad para hindi tuluyang makulong. “Sir, b-babayaran ko po ang wine. Pagta-trabahuan ko po yun sa inyo kung maaari.” Tumingin si Meldy kay Elise. “Pwede po akong maging yaya ng anak niyo. Magta-trabaho po ako ng libre hanggang sa mabayaran ko po ang halaga no'ng nawalang wine niyo.” Isang mahabang katahimikan ang namayani bago sumagot si Eliot. “Pag-iisipan ko,” sabi nito at kinuha si Elise at umalis. Nakahinga si Meldy at inakalang nakalusot siya sa kamalasan sa buhay, hindi niya alam na pinasok niya pala ang pa-in na nilaan para sa kaniya ni Eliot Santisas. Ngumisi siya habang binabaybay ang daan papunta sa kwarto ni Elise. “I think it’s time for you to pay your sin.” Ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Eliot.
Romance
1050.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE

HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE

Sa limang taon nilang kasal, kailanman ay hindi naramdaman ni Aina na asawa siya ni Alexander Montero. Ang lalaking minsan niyang iniligtas, ang dahilan kung bakit siya ngayon ay pilay, ay nanatiling malamig at mailap, at bawat taon, parehong relo lang ang ibinibigay bilang regalo. Hanggang sa gabing narinig niya itong umuungol ng ibang pangalan. Si Juliana. Ang babaeng unang minahal ni Alex, at ang babaeng bumalik para bawiin ang lahat. Habang muling bumabalik si Julie sa buhay ni Alex, unti-unti namang napupuno ng sugat ang puso ni Aina. Pero ngayong may pagkakataon na siyang makaalis, pipiliin ba niyang manatili sa piling ng lalaking hindi siya kayang mahalin o tuluyan nang tapusin ang isang kasal na kailanman ay hindi naging kanya?
Romance
513 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
LOVE IN CRIME (Crime Series 1)

LOVE IN CRIME (Crime Series 1)

itsmeaze
Dahil sa kagustuhan ni Xavier Collins na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaniyang kapatid, hinanap at pinilit niyang pinaamin ang babaeng maaaring may kinalaman sa kaso—si Ashley Fate Anderson, isang hindi kilalang manunulat na gustong maibahagi ang kaniyang mga akda sa buong mundo kahit hindi pabor sa kaniya ang tadhana. Matapos mahanap ang kopya ng manuscript ni Fate sa mismong pinangyarihan ng krimen ay naisipan ni Xavier Collins na ipadukot at ikulong ito sa mala palasyo niyang bahay. Noong una ay ginawa lang ito ni Xavier para sa imbestigasyon ng pagkamatay ng kanyang kapatid ngunit habang tumatagal ang pananatili ni Fate sa pamamahay niya ay hindi niya namalayang umiibig na siya sa dalaga.
Romance
102.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK

MY BILLIONAIRE EX-BOYFRIEND WANTS TO WIN ME BACK

BOOK #2 :OLIVIA and TRISTAN STORY Akala ni Olivia ay perpekto ang relasyon nila ni Tristan, pero akala lang pala niya. Sa gitna ng kanyang kasikatan, bigla itong nagpakalat ng malaswa niyang larawan sa internet na naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang karera sa ngalan ng pagsunod nito sa ina nito upang magpakasal sa iba. Nagpakalayo-layo siya, ngunit hinanap siya ni Tristan hanggang sa matagpuan siya nito ilang taon pagkatapos niyang mawala. --- "Olivia, pwede bang kalimutan na natin ang nangyari? Ilang taon na ang nakalipas." Tumaas ang sulok ng kaniyang labinat ngumiti. "Kalimutan? Kahit na mamatay ako, hinding-hindi kita patatawarin tandaan mo yan." Magagawa kayang palambutin muli ni Tristan ang naging batong puso ni Olivia?
Romance
109.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Hiding Xandros' Son

Hiding Xandros' Son

Iniwan ni Samira ang limang taon niya ng nobyo na si Xandros dahil naniniwala siya na 'yon ang makabubuti para sa binata. Ngunit hindi niya inakala na sa kan'yang pag-alis, siya pala'y magdadalang-tao na. Itinago ni Samira ang kanilang anak dahil sa takot na baka ito ang siyang maging dahilan upang mawala sa binata ang lahat ng pinaghirapan nito. Malalaman kaya ni Xandros ang patungkol sa kanilang anak ni Samira? O ang pagkabunyag kaya ng kanilang anak ang siyang magiging dahilan ng pagbagsak ng binata? Let's find out.
Romance
235 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Girl Next Door (TagLish Version)

The Girl Next Door (TagLish Version)

Zam
John Aquino, a famous basketball player just met a heartbreak with his six months girlfriend named Kate. Isang buwan din bago tuluyang makalimutan ni John lahat ng sakit na dinulot ng kanyang ex-girlfriend. Sa isang buwan na iyon ay doon niya nakilala ang tauhan ni Julia na bagong kapit-bahay ni John, isang babaeng mabait, disente, at pinapahalagahan ang pamilya. Napakabilis ng pangyayari nang biglang nahulog ang loob ni John sa bagong kapit-bahay niya. Lahat din tayo ay may haharaping problema sa buhay, even the past will hunt us in the future. The thing is, will we let the past hunt us forever, or will we just accept it?
YA/TEEN
108.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate

Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate

"Don't think of running away again...you're my expensive purchase. At gagawin ko ang lahat para mahanap ka— kahit pa balibaliktarin ko ang mundo makita ka lang." *** Para mabuhay ni Suzy Constanino ang kanyang mga walang pusong adopted parents ay kailangan nyang magtrabaho sa isang sikat na bar na lungga ng mga mayayaman. Doon nya makikilala si Travis El Frigero— isang mayaman na negosyante. Nasa kanya na ang lahat, karangyaan, itsura at pera. Maliban sa isa—relasyon. Napagkamalan ni Travis na si Suzy ang kanyang matagal ng patay na fiancé na si Irish. Agad nahumaling si Travis sa kanya at gagawin nya ang lahat para pakasalan sya ni Suzy. At totoo ngang nagagawa ng pera ang lahat, dahil nagawa syang bilihin ni Travis sa kanyang mukhang perang adopted parents. Buong akala nya ay kailangan nya lang pakasalan si Travis at umaktong mag-asawa sila. Ngunit sya ay nagkamali, dahil kailangan nya rin palang tumayong ina sa spoiled at masungit na anak ni Travis at Irish. At panghuli, iwasan ang stepbrother ni Travis na si Troy—na syang nakakuha ng kanyang first kiss bago ang kanilang kasal ni Travis. Hindi nagtagal at nahuhulog na ang loob nila sa isa't isa. Ngunit paano kung may isang taong magbabalik? Magagawa kayang ipaglaban ni Suzy ang kanyang pagmamahal kay Travis? O tatalikuran sya ni Travis dahil sa mabigat na rason sa madilim na nakaraan? A twisted fate for the both of them. "Sa dalawang taon. Nasaan ako non? H'wag mo sabihing... humihiram lang ako ng asawa ng iba?"
Romance
10486 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3031323334
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status