Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!

Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!

Dahil sa utang na loob, pinakasalan ni Bella ang makapangyarihan ngunit disabled na CEO na si Sebastian Zobel. Pero sa mismong araw ng pagbabalik ni Sebastian mula sa abroad, isang estrangherong naka-maskara ang kumuha sa kanyang dangal sa isang madilim na silid sa hotel. Sa halip na malasakit, akusasyon ng pagtataksil at divorce agreement ang sumalubong sa kanya. Pinalayas si Bella nang walang kahit na anong dala. Habang nagtatago, nanganak si Bella sa gitna ng kawalan. Pagkagising niya, tatlong sanggol ang nasa tabi niya. Ang hindi niya alam, ang ika-apat niyang anak ay kinuha at iniwan sa pintuan ni Sebastian bilang nag-iisang tagapagmana nito. Anim na taon ang nakalipas ay nagbabalik si Bella kasama ang kanyang tatlong henyong anak para sa isang layunin: ang pirma ni Sebastian sa divorce papers. Ngunit sa muling pagkikita nila, isang katotohanan ang yayanig sa kanila—ang lalaki na sumira sa buhay ni Bella ay ang asawa palang ni minsan ay hindi niya nakita. Habang pilit na umiiwas si Bella, ang kanyang apat na maliliit na anak naman ang gagawa ng gulo para resbakan ang kanilang Mommy. "Scumbag Daddy, hindi pa kami tapos sa'yo!"
Romance
105 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Romance
8.525.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Joey: Princess Charming 1

Joey: Princess Charming 1

Pagkamatay ng nanay ni Joey ay bigla na lamang nagpakita ang tatay niyang ni sa hinagap ay hindi niya alam na buhay pa. Dinala siya nito sa magarbo nitong bahay at ganon-ganon na lamang nagbago ang buhay ni Joey. *** “Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.” Halos lumubog si Joey sa kinatatayuan nito dahil sa bilis ng pagsasalita ng kanyang madrasta. ‘Nag-fli-fliptop ba ‘to?’ tanong niya sa isipan. Pero napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. “Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth. Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo niya saka siya mabagal na napalunok. “Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad niya rito dahilan para mamula ang mukha nito sa pinaghalong inis at galit. *** Ngunit paano nga ba niya haharapin ang pagbabagong ito ng buhay niya? Mula sa isang kahig, isang tukang paghihirap, ngayon ay anak pala siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Idagdag pa ang mukhang laging galit na madrasta niya at prinsesitang hilaw na kapatid niya. Isa lang ang kailangang gawin ni Joey at iyon ang pumasa sa Ember University. At magagawa lamang niya ‘yon kung tutulungan siya ni Ivan Dela Fuente, ang lampa at nerd niyang kaklase. Pero bakit ba bigla-bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso niya dahil sa loser na lalaking ito? ‘Bwesit! Hindi nakakaastig ‘to!’ Inis na sita ni Joey sa sarili lalo pa kung ang gusto naman ni Ivan ay ang hilaw niyang kapatid at hindi siya.
Romance
493 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Chosen Wife

The Chosen Wife

CRISTINA JERMELINE
Si Deborah, ang isang batang witch na itinalagang maging pinuno ng kanilang witch clan sa takdang panahon ay anak ng isang prophet na si Hoziah Mosen. Nang mawala ang kanyang ama ay nalaman ni Deborah na sinasamba nito si Lord Father Adonai, ang diyos na galit sa witchcraft at dark magic. Tulad ng kanyang ama ay sinamba din ni Deborah ang diyos na si Lord Father Adonai at tuluyan nang tinalikuran ang pagiging witch. Lingid sa kaalaman ni Deborah ay siya pala ang nakatakdang witch na ipapakasal sa prinsipe ng mga werewolves na si Ramluiz. Tuluyan na nga kayang talikuran ni Deborah ang witchcraft o yayakapin na lamang niya ang kanyang kapalarang maging asawa ng prinsipi ng mga werewolves?
Fantasy
103.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sold Her Virginity (Filipino)

Sold Her Virginity (Filipino)

Ano ang kaya mong isakripisyo para sa mahal mo sa buhay? Dahil sa matinding kahirapan, napilitang ibenta ni Shanelle ang kaniyang pagkababae kapalit ng malaking halaga. Ang hindi niya inasahan: ang kaniyang kliyente, si Elvin—isang makapangyarihang lalaki—ay hindi tumupad sa usapan. Sa halip, ikinulong siya nito at paulit-ulit na inangkin. Sa gitna ng sakit at pagkakait ng kalayaan, isang rebelasyon ang yumanig sa mundo ni Shanelle—mahal siya ni Elvin.
Romance
1024.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Reject his child

Reject his child

"Bakit mo ba sa'kin pinagpipilitan ang ipinagbubuntis mo? Look, niligawan at pinakasalan lang kita para pasakitan si Stephanie at hindi ang inaakala mong pagmamahal! At paano ka nakakasiguro na ako ang ama ng ipinagbubuntis mo?" Nakatatak na sa isip ni Aliah Tawili ang mga katagang binitawan ni Calib Osteja sa kaniya. Salat sa pagmamahal at aruga ng isang magulang si Aliah kaya nang mag krus ang landas nila ni Calib Osteja, Ang play boy at taga pagmana ng mga Osteja ay ginawa niya ang lahat para hindi siya iwan ng binata. Maisasakatuparan pa kaya ni Aliah Tawili ang magkaroon ng buong pamilya ang kaniyang anak? gayon isinisigaw ng binata na hindi siya ang ama ng kaniyang ipinagbubuntis
Romance
1017.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Buy Me for a Billion

Buy Me for a Billion

Prostitute? Mababa ang tingin ng karamihan sa mga kababaihang tulad ni Rebecca. Dahil sa kahirapan, hinanda na ni Rebecca ang sarili niya na ibenta sa halagang isang bilyon pambuhay niya man lang sa ama’t ina niya. Mas lalo pang tumindi ang kagustohan niyang iyon nang kinailangang sumailalim sa heart transplant ang tatay niya. Nakilala niya si Grayson na sumubok sa pagkapilya niya. Binigyan siya nito ng isang linggo para akitin si Grayson at kumbinsihin na bilhin siya nito sa halagang isang bilyon. Pero paano kung ang isang linggong iyon ng pangungumbinsi ni Rebecca sa binata. . .makumbinsi rin kaya ang puso ni Grayson para mahulog sa dalaga? O mananatiling pera ang magpapatakbo sa relasyon nilang dalawa?
Romance
1017.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Dirty Nights with Uncle Lucio

Dirty Nights with Uncle Lucio

Dahil sa iskandalong nangyari sa unibersidad na pinasukan ni Aria Calvari, ipinadala siya ng kanyang madrasta sa probinsya. Ayaw ng kanyang madrasta na ang pamilyang Calvari ay malagay sa alanganin. Ngunit akala niya’y tahimik ang buhay na naghihintay sa kanya roon. Sa halip ay napunta siya sa bubong ng kanyang Uncle Lucio. Si Uncle Lucio Navarro ay isang misteryosong lalaki. Hindi ito tunay na tiyuhin ni Aria dahil orphan si Uncle Lucio na itinuturing na kapatid ng yumaong ama ni Aria. Gayunman, maraming naririnig na tsismis si Aria. Si Uncle Lucio ay isa rawng babaero, kriminal, dating sundalo at posibleng isang mamamatay-tao. Noong una, puros kaba ang nasa katawan ni Aria dahil sa malamig na tingin at mapang-akit na katahimikan ni Uncle Lucio. Habang lumalalim ang kanilang pagkakaibigan ay mas lumalalim din ang pagnanasa nila sa isa’t isa. Pinipigilan lamang ni Uncle Lucio ang kanyang sarili dahil alam niyang bawal ang kanyang iniisip na nagkagusto kay Aria. Ngunit ang ginawa ni Aria, inakit siya nito. Makasalanan ang dalaga. Masiyado itong dalaga dahil malaki ang agwat ng kanilang edad. Masyadong delikado at higit sa lahat ay ang masyadong malapit sa kanyang nakaraan. Sa gitna ng lahat, kahit anong layo niya kay Aria, siya namang patuloy na paglapit nito. Hanggang sa hindi na niya na pigilan ang kanyang sarili. Ang makasalanang gabi nilang dalawa ni Aria ay nasundan pa ng maraming beses. At kung kailan nagkaroon na sila ng magandang ugnayan, siya namang pag gitna ng mga tsismis. Muling nabuhay ang akusasyon laban kay Uncle Lucio. Maraming nagsasabi na isa raw siyang salot na sumisira sa buhay ng babae? Ngunit para kay Aria, handa ba siyang tumakbo palayo, o panindigan niya ang lalaking unang nagturo sa kanyang umibig ng totoo, kahit sa madilim na oras? Ano ang pipiliin ni Aria?
Romance
10744 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Forced Wife of the Ruthless Billionaire

The Forced Wife of the Ruthless Billionaire

BLURB Hindi inakala ni Skylar Mariam Aquino na magigising siyang katabi ang dating kasintahan at ngayo’y galit at namumuhi sa kanya na si Jaxon Flinn Larrazabal—isang billionaire na tinatakbuhan niya sa loob ng limang taon. Dahil sa mapaglarong tadhana, napilitan siyang maging asawa nito. Tinulungan siya ni Jaxon maging makapangyarihan ngunit binalaan siya na hinding-hindi siya mamahalin. Ngunit nang magpasya si Skylar na makipaghiwalay, isinandal siya ni Jaxon sa pader at malamig ang boses na nagsalita, “Who told you that you can leave me? You belong to me, Skylar!” “Hindi mo naman ako mahal—” “I won’t marry you if I don’t love you, stupid woman!” Mahal siya ni Jaxon?
Romance
1041.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Bestfriend's Affection

My Bestfriend's Affection

Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?
Romance
1012.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4142434445
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status