Punta del Sol 1: Sweet Obsession
masiglang sagot ni Yui.
"Ay, pakilala ka rito sa harap," sabi pa ni Ma'am Nila na mukhang nabuhayan ng dugo nang nakita si Yui.
Ano ang espesyal sa babaeng ito?
Naalala ko ang sinabi nina Razyl kanina, ang lola ni Yui na si Madam Anecita Kortez ang isa sa mga may kaya rito sa Punta del Sol. Dating guro dito sa Maliit na Barrio Elementary School ngunit agad na nagretiro. Kilala rin siya sa buong eskuwelahan dahil sa galanteng mamigay ng donasyon, lalo na kung mga kagamitan sa classroom katulad ng ceiling fan o hindi kaya ay lamesa. Kaya hindi ako magtataka na ang tigre naming guro sa Matematika at adviser namin ngayon na si Ma'am Nila ay biglang naging maamong tupa sa harap ng apo ng ginang.
인기 회차