Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Eternal Love (Tagalog Version)

Eternal Love (Tagalog Version)

Ang pagmamahal ng isang ina ay hindi masusukat ng ruler. Buhay ang mawawala ang magiging kapalit naman nito ang buhay ng nasa sinapupunan niya. Isang gagawin ang lahat para sa anak. Being a mother can be tough, but always remember in the eyes of your child, no one does it better than you. Even when her soul is tired, I will always find strength for her children. Motherhood is amazing. And then it is really hard. And then it is incredible. And then it is everything in between. So, hold onto the good, breathe through the bad, and welcome the wildest and most wonderful ride of our life. Ang pagmamahal ng isang anak sa magulang ay may hanganan kapag ang tiwalang pinagka-loob...nasira... Ang pangungulila ng isang anak sa magulang ay may mga tanungan na gustong masagot. A daughter's love is one of a father's true joys. The love of a daughter for her father is second to none. The mother was her role model before she even knew what that word was. The mother’s love has always been a sustaining force for our family, and one of the greatest joys is seeing her integrity, her compassion, her intelligence reflected in her children. Ang isang pagmamahal ng ama ay walang pinipiling panahon para makasama ang pamilya na gusto niyang mabuo. Fathers are the first friend you make and the last love of your life. A father's love is eternal and without end. The happiness of his, is their children. The highest honor the father could ever receive is being called father.
Urban
108.6K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
108.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
PRINCESS DELA BOTE

PRINCESS DELA BOTE

Hindi pa sila gaanong nakalalagpas sa kasibulan ng kabataan nang magkakilala’t ma-fall sa isa’t isa sina Ana at Enrico. Madali silang nahulog sa patibong ng pag-ibig na sa una lang puro kilig. Maaga silang ikinasal sa huwes. Hindi man lang muna inihanda ang kanilang kinabukasan. Nang magsama sila sa iisang bubong at maharap sa krisis ng realidad ng buhay may-asawa, tulad sa pag-inom ng alak, matapos malasing sa pag-ibig ay matinding hangover ang sumubok sa katatagan ng kanilang ugnayan. Nagumon sa pag-inom ng alak si Enrico. Gumatong ito sa galit ni Ana dahil sa kaiintindi kung paano sosolusyunan ang kanilang mga problema. Hanggang sa mapuno ang salop at humantong sila sa maapoy at dramatikong sakitan ng damdamin. Pinalayas ni Enrico si Ana. Nagpakalayo-layo si Ana at pumunta sa rose farm ng matalik niyang kaibigan. Sa loob ng ilang panahon, humupa ang hangover ng bara-bara nilang pagkalasing sa pag-ibig. Kaalinsabay nito’y ang pagsisisi at pananabik sa isa’t isa. Nahimasmasan si Enrico sa nagawa niyang pagkakamali. Pati ang tadhana’y nakiayon sa kaniya upang maituwid ang lahat. Nakatulong din sa mabilis na pagbabago ni Enrico ang natuklasan niyang diary ni Ana. Nagtuloy-tuloy ang pagbabago ni Enrico para kay Ana. Si Ana nama’y nagtuloy-tuloy ang pananabik at pangungulila kay Enrico; umabot pa nga sa puntong hinahanap niya ito sa ibang lalaki. Hanggang sa di inaasahang araw, muling nagkurus ang kanilang landas. Ngunit naulit ang kahapon. Muling nagpakalayo-layo si Ana. Ang dahilan—may bagong babae si Enrico. Umuwi si Ana sa bahay ng Tiyo Narding niya. Si Enrico nama’y pursigidong tapusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sinundan niya si Ana. Sa bahay ng Tiyo Narding ni Ana naresolba ang lahat sa paraang kakatwa at nakakikilig. Sa huli'y opisyal na kasalan ang naganap. Kasalang puno ng luha ng kaligayahan.
Romance
3.7K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Phantom Lover

Phantom Lover

missyue
Dala ng pangungulila ay laging dinadalangin ni Ino Salve na makita man lang ang mga magulang kahit kaluluwa nalang ang mga ito. Tila dininig naman ang panalangin niya nang makakita siya ng kaluluwa, ngunit ni sa hinagap ay hindi niya kailanman ginustong makakita ng iba bukod sa mga magulang niya, mas lalo pa at sundan siya. Doon na nagsimulang magulo ang buhay ni Ino Salve ngunit imbes na matakot dito ay iba ang naramdaman niya lalo na ng mapagmasdan niya ang gwapong mukha nito. Unti-unting umusbong ang kakaibang damdaming alam niyang imposibleng mangyari. Sinubukan niya iyong pigilin pero hanggat nagkakasama sila ay lalong lumalalim ang damdamin niya para rito. Ngunit mapipigilan pa kaya niya ang damdamin kapag nalaman niyang parehas sila ng nararamdaman? May patutunguhan kaya ang damdamin sa pagitan ng isang tao at ng isang multo?
Fantasy
2.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
RUN AWAY FROM MY EVIL HUSBAND

RUN AWAY FROM MY EVIL HUSBAND

𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘 Agad akong nagbihis nang makaalis si Damian, narinig kong mamayang alas syete ng gabi pa ang uwi nito. Pagkakataon kona ito para makatakas Matapos kong magbihis ay sumilip muna ako sa labas ng kwarto. Alam kong maraming bantay ang nandito pero kailangan kong gawan ng paraan 'to. Gustong gusto ko nang makatakas sakanya “ pst! ” sitsit ko sa isang bantay “ Ano po 'yun señorita? ” “ Nauuhaw ako, Gusto ko ng tubig. ” saad ko. “ Sandali lang po. ” Nilibot ko ang aking paningin. Ang ibang bantay ay abala sa paglilinis ng mga armas nila. Kaya naman dahan dahan akong naglakad, halos hindi na ako makahinga dahil sa ginagawa kong ito. Konti nalang ay malapit na rin ako sa pinto Makakatakas rin ako rito.. Makakasama kona ulit sina mama at papa Bubuksan kona sana ang pinto ngunit agad 'yong bumukas at bumungad saakin ang madilim na mukha ni Damian “ trying to escape again? ” “ damian.. ” umatras ako dahil sa takot. dahan-dahan itong lumapit sakin “ you can't escape from here, Avril. ” matigas na sabi nito “ damian, pakawalan mona ako please.. ” nagmamakaawang sabi ko “ Why would i? You're now my wife. ” Umiling ako, “ Nahihibang kana Damian. Kahit kailan hindi ko papatulan ang isang demónyong gaya mo! ” lakas loob na sigaw ko Oo nga't asawa niya ako. Asawa niya lang ako sa papel. mula nang kidnapin ako nito ay naging impyerno na ang buhay ko. Wala na akong ibang naramdaman kundi puro takot at pangungulila sa mga magulang ko “ So this is the evil you're talking about. ” matigas na aniya at pinutukan ang isa sa mga katulong rito. napaiyak ako sa takot. Wala nang buhay ang inosenteng katulong Ito ba talaga ang nakatadhanang buhay para saakin? Ang pang habang buhay na maitali sa isang demònyong kagaya niya? Ang maging isang asawa ng demònyong 'to
Mafia
102.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Scars From The Past

Scars From The Past

Sweety Elle
Eliza Janice Montebon  Simpleng babae, matalino, masipag, madiskarte at malambing na anak. Lahat ay gagawin matupad lang ang inaasam na pangarap at mithiin.Ngunit may lihim na hinagpis sa kanyang nakaraang pagkatao. Ito ang nagsisilbing hugot niya upang magtagumpay sa buhay at makamtan ang inaasam na katarungan sa kanyang yumaong magulang.  Lorenzo Aragon Multi-billionaire and super hunk na business tycoon at a young age. Natotong tumayo sa sariling sikap dahil na rin sa walang makuhang suporta mula sa magulang dahil sa komplikadong pamilya niya. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa kanya, lahat ay kanya lamang pinagbibigyan dahil sa tawag ng laman at pangungulila sa iisang prinsesa ng kanyang buhay na kanyang kababata. Isang krimen at trahedya ang nagpawasak sa malaprinsesang buhay ni Eliza. Musmos pa lamang siya nang walang-awang pinatay ang kanyang mga magulang sa loob pa mismo ng kanilang bagong biling lupain na niregalo ng kanyang ama sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang mas masakit pa ay nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa mga ito at ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng kanyang kababata at minamahal ng kanyang pusong paslit na si Enzo Aragon. Dahil sa takot at pangamba sa kanyang buhay naggawang magtago ni Eliza at mamuhay ng malayo sa kanyang nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanyang puso't isipan ang galit at pagkapoot sa pamilyang sumira sa kanyang magandang kinabukasan. Isa na riyan ang paghihigante kay Enzo dahil wala man lang siya hinanap nito. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang puso kung ang isa ay may masamang binabalak? Matatagumpayan kaya ni Enzo ang ibalik ang tiwala sa kanya ni Eliza kung ang kanyang puso ay puno ng hinagpis at mantsa ng nakaraan? Mapapatawad kaya ng pusong nasaktan at puno ng hinagpis ng pilat ng nakara.Mananaig kaya ang pag-ibig at pagpapatawad kaysa paghihiganti?
Romance
1.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status