Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Falling for the Replacement Mistress

Falling for the Replacement Mistress

Hindi inaasahan ni Reiko Cordova na mapapasubo siya sa isang trabaho na hindi niya inaplayan. Ngunit dahil sa kagagawan ng nakakatanda na kapatid at walang iba na pagpipilian, kinailangan niya na pumalit dito bilang isang "kabit" ng guwapo at masungit na piloto na si Kenji Jarvis. Hindi inaasahan ni Kenji Jarvis na mapapasubo siya sa pag-aalok ng isang trabaho sa isang babae upang masiguro na hindi siya iiwan ng kan'yang asawa na nahuhumaling sa matalik na kaibigan nito. Umupa si Kenji ng babae na magpapanggap bilang kan'yang kabit para pagselosin ang asawa na nagloloko. Ngunit sa hindi inaasahan ay tinakbuhan siya ng naturang babae dala-dala ang pera na naibayad na niya. Kaya wala silang nagawa ng kan'yang kaibigan kung hindi ang takutin at ipaako ang trabaho sa naiwan na kapatid ng babae upang siya ang pumalit at magpanggap na kabit niya. Ang pagpapanggap ay mauuwi sa katotohanan nang isang gabi ay makalimot si Kenji sa kontrata. Ang babae na itinuturing lamang niya na isang pamalit sa kasunduan ay magkakaroon nang mas malalim na ugnayan at halaga sa kan'ya. Papayag ba si Reiko na habang-buhay na lamang siya na maging "replacement mistress" sa buhay ni Kenji, lalo na at alam niya kung gaano kamahal ng lalaki ang asawa nito? O gagawin niya ang tama at kusa na lamang na lalayo sa lalaki na natutunan na niya na mahalin?
Romance
1028.1K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Marriage A Debt Payment

Marriage A Debt Payment

SERA LOUISA MENDIVEL ay isang masayahing babae at sinasabi ng karamihan na nasa kanya na ang lahat ng hinahangad ng isang dalaga. Lalo na ng masungkit niya ang korona ng Miss Universe. Meron siyang pamilya na sinusuportahan siya sa mga kagustuhan niya at kahit nga boung pamilya niya ay mga doktor, siya lang ang bukod tanging hindi sumunod sa yapak ng kanyang pamilya. Ngunit sa likod ng yaman at influensya ng pamilya niya, di niya alam nasa ilalim pala ng napakalaking sindikato na pinamumunuan ng isang arroganteng Mafia boss at may bukod tanging nag-iisang anak ito na si Nathaniel Yao. Binata na nangunguna sa industriya ng negosyo, at marami nang babae ang pinagkasundo sa kanya ngunit gumagawa siya ng paraan para hindi matuloy. Walang alam si Sera ipinagkasundo na pala siya, kaya ng umuwi nagulat siya at naguluhan kung bakit. Ngunit isang araw natuklasan niya ang dahilan, ang mga ginagawa ng kanyang pamilya... ay taliwas sa inaakala niyang maayos ang mga ito na nagsisilbi sa bayan. Whether she like it or not, she is getting married to the bachelor who might kill her. Or she might change him completely. @DeathWish
Romance
1030.3K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Pinuntahan ni Monique si Aidan sa condo niya pero sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya nang makita niyang walang saplot ang dalawang taong mahalaga sa kaniya. Hindi siya makagalaw sa sobrang gulat. Nang makita siya ni Aidan ay blangko lang ang mukha ni Aidan. Pinulot ni Aidan ang damit niya at isinuot niya yun saka niya nilapitan si Monique. Ang buong akala ni Monique ay magpapaliwanag sa kaniya si Aidan kung bakit kasama ni Aidan ang bestfriend ni Monique pero para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang paalisin siya ni Aidan at hindi man lang nagpaliwanag kung ano bang nangyayari. Tiningnan ni Monique ang bestfriend niya pero umiwas ito ng tingin. Minahal ni Monique si Aidan kahit na sa kabila ng alitan ng kanilang mga pamilya. Ang buong akala niya, katulad niya ay ipaglalaban din siya ni Aidan pero nagkamali pala siya. Paano niya nagawang pagkatiwalaan ang dalawang taong mahalaga sa kaniya? Hindi niya akalaing mga taong malapit pala sa kaniya ang wawasak ng puso niya.
Romance
1024.3K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez

"What the f*ck!" sigaw ni Terrence. Terrence Jude Alvarez. He is a young multi-billionaire, a businessman, and, at the same time, a mafia boss.  Kinakatakutan dahil sa paraan nito kung paano ito pumatay. He is powerful in the underground, the world where the mafia belongs. He sells anything and everything, and no one can stop him. Even his enemy. "Please, don't!" umiiyak na pagmamakaawa ni Ayiesha. Meet Ayiesha Claire Montebon. She is the daughter of a billionaire and the wife of Terrece Jude Alvarez. But the accident happened. She had amnesia. And Terrence is in a state of coma. Magtatagpo kaya sila? O tulayan nang mamamaalam si Terrence kay Ayiesha?
Romance
1027.1K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Youniqueen
Nagimbal ang mundo ng labinpitong taong gulang na si Elyne nang matuklasan ang isang sikretong matagal na panahong inilihim sa kan’ya. Dala ng matinding galit, unti-unting binago ng masakit na katotohanang iyon ang tahimik niyang buhay. Iyon din ang nag-udyok sa kan’ya upang tahakin baluktot na landas na hindi niya ginusto. Kailanman ay hindi niya naisip na ganitong kapalaran ang ibinigay sa kan’ya ng mapaglarong tadhana. Ni sa hinagap ay hindi rin niya naisip na magiging magulo ang kan’yang buhay. Maniniwala pa kaya siya na babalik din ang lahat sa dati? Maniniwala pa kaya siya na darating ang araw na mararanasan niyang maging masaya ulit? Maniniwala pa kaya siyang pagsubok lang ang lahat ng nangyayari? Maniniwala pa kaya siyang mayro’n pang natitirang pag-asa? Pero paano nga ba niya magagawang maniwala kung pakiramdam niya, pati ang Diyos na lumikha’y kinalimutan na rin siya?
1029.2K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Sold To The Abandoned Husband

Sold To The Abandoned Husband

"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master.” Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na contractual marriage lamang iyon, minahal niya si Ezekiel De Silva at labis siyang nasaktan. Kaya naman napagdesisyunan niyang sumama sa ibang lalaki habang dala-dala sa sinapupunan ang kanilang anak. Ngunit hindi niya aakalaing mahuhulog lamang siya sa patalim sa piling ng bago niyang kinakasama at mapunta sa black market para sana’y ibenta sa kung sino-sinong lalaki. At ang pinaka-masama pang pangyayari sa kaniyang buhay ay malaman na ang bumili sa kaniya ay walang iba kundi ang dati niyang asawa na si Ezekiel. "Why did you leave me three years ago? Did you know what hell I've been living all this time without you?! How could you have a child with him?!" He drunkenly yelled at her, crying in pain. Matapos nitong saktan ang puso niya ng paulit-ulit noon at alipinin siya ngayon, bakit ito umaasta na parang mahal siya nito? Bakit umaakto si Ezekiel na parang siya pa ang may malaking kasalanan kung bakit niya ito iniwan noon? Subalit hindi niya lubos akalain na unti-unting mabubunyag ang mga lihim at sikreto, maging ang mga taong nasa likod ng kanilang nasirang pag-iibigan.
Romance
1030.3K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)

Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)

Dahil sa kagustuhang maipagamot ang ina pagkatapos nitong ma-stroke ay napilitan siyang tanggapin ang offer na sumayaw sa isang kliyente na si Mr. MC. Isa siyang private sexy dancer ng lalaking hindi man lang niya nasisilayan ang mukha. Kailangan niyang painitin ang gabi nito sa pamamagitan lang ng sayaw. Just watch, no touch, kumbaga. Nang makilala na niya ang katauhan nito ay unti-unti na ring nahuhulog ang loob niya sa lalaki. Makakaya niya bang ipaglaban ang nararamdaman niya sa taong binabayaran lang siya dahil sa katawan niya? Paano kung ang kasunduan nila ay magtatapos kapag bumalik na ang babaeng pakakasalan sana nito?
Romance
1027.3K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress

CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress

Si Haraleigne Perez ay isa lamang na mababang empleyado ng Dela Valle Corporation. Tila ba walang katapusan ang kahirapan at ang kanda-kuba niyang pagkayud sa buhay, ngunit ito ay tuluyang nagbago ng isang gabing malasing siya mula sa business trip at maka one night stand niya ang kanilang CEO na si Gabriel Dela Valle. "I need a marriage partner, Hara Perez." "Ano po, sir Gabriel?" Maang na tanong ni Hara dahil wala siyang ideya bakit iyon sinasabi sa kanya ni Gabriel. "I said....marry me." Pansamantalang pamalit, kabit o parausan. Iyan ang naitatak ni Hara Perez sa kanyang sarili magmula nang tanggapin niya ang kasunduang magpakasal kay Gabriel kapalit ang pagpapagamot sa kanyang ina na nangangailangan ng pera para ma-operahan. Napagtanto niyang may babaeng minamahal pala si Gabriel at ito ay ang kanyang kasintahan na si Dana Hernaez Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya na kaya nagpakasal si Gabriel ay dahil gusto lamang nitong maghiganti kay Dana at si Hara ang napili niya bilang wastong kasangkapan sa kanyang ninanais. Ibinaba niya ang kanyang dignidad para lamang sa ikabubuti ng kanyang ina. Ngunit hanggang kailan siya malalagay sa ganitong sitwasyon? Hanggang kailan siya magiging panakip butas lamang? Darating kaya ang araw na mamahalin din siya ni Gabriel?  "Please, alagaan mo siyang mabuti para saakin ha, maari ba iyon?" "Nagmamakaawa ako, sa ngayon ay mahalin mo siya para saakin." Paki-usap ni Dana. "Hindi kasama sa kontrata na mamahalin ko siya para sa'yo." Matigas na pagtatanggi ni Hara. Ngunit ano ang kanyang gagawin nang napagtanto niyang nahulog na rin siya kay Gabriel at nagbunga ng inosenteng bata ang kanilang pekeng kasal?
Romance
1027.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Cold Stare (Tagalog)

Cold Stare (Tagalog)

Isang pangyayari sa gabing 'yon na hindi kailanman makakalimutan ni Melina. Dahil doon lahat ng mga bagay na mayroon siya ay nawala na nang saysay. Tila pati ang buhay niya. Laging nag-iisa at ayaw makipagkaibigan. Ganyan si Melina, binago siya dahil lamang sa isang trahedya na naranasan niya. Mababago pa kaya ang buhay niya? Buhay na may sigla at may saysay? Tila hindi pa pala ito ang hangganan. Hindi pa pala tapos ang lahat. ---------
YA/TEEN
1026.2K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
The Evenfall

The Evenfall

Nabulag si Czarina sa isang malagim na aksidente. Dahil dito ay lumayo ang loob n'ya sa lahat. Ang dating masiyahin at palatawang si Czarina ay naging tahimik at mailap. Imbes na mawalan ng pag-asa ay hindi siya sumuko at nilabanan ang hamon ng buhay, kasama ng mga magulang na sumusuporta sa kanya. Pinangako rin n'ya sa sarili na kapag nakakita ay hahanapin ang taong sangkot kung bakit siya bulag ngayon. Subalit ang tila kuntento na niyang buhay ay napalitan ng sakit at dalamhati nang sabay na mamatay ang mga magulang sa parehong aksidente. Czarina was left alone in the dark. Tila binagsakan siya ng langit at lupa dahil sa pangyayaring iyon. Hindi rin n'ya alam kung paano magsisimula muli. Ngunit isang araw ay nagpakilala sa kanya si Attorney. Mauricio De Cardenas. Siya raw ang pinagkakatiwalaan ng kaniyang Ama. Pati na rin sa mga naiwan nitong ari-arian. Kaya ganoon na lamang ang pagdududa n'ya sa taong ito, lalo pa't ibinilin siya dito ng kaniyang Ama bilang maging legal guardian n'ya. Labag man sa loob ang naging desisyon ng Ama ay wala siyang nagawa. Hindi man magkasundo at parang aso't pusa ay tila nakadikit na sa kanya ang amoy nito. He always make her feel uncomfortable whenever he's around. Her heart was unexpectedly thumping hard against her chest everytime she hears his soft voice and smell his sweet scent. How can Czarina resist his charm. Kung sa umpisa palang ay binihag na nito ang natutulog niyang puso? Paano kung sa pagbabalik ng kaniyang paningin ay tumambad sa kanya ang isang katotohang si Mauricio ang dahilan kung bakit siya nabulag? Kaya ba niyang tanggapin ang sakit at kalimutan ang pangakong paghihiganti para sa tinatawag na pag-ibig?
Romance
1031.2K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status