Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Living With The Billionaire

Living With The Billionaire

Isang linggo bago ang kasal ni Sandra, nagdesisyon siyang sulitin ang pagiging dalaga kaya uminom siya sa isang bar. Sinabi niya sa fiancé na sunduin siya sa isang hotel room dahil sa epekto ng alak sa katawan niya. Ngunit dahil sa kalasingan, maling silid ang napasok ni Sandra. Isang lalaki ang nandoon sa kwarto at inakala niyang ito ang kanyang fiancé, dahilan upang ibigay niya ang katawan sa lalaki. Kinaumagahan, nagising si Sandra, gulat na gulat ito nang makitang hindi ang fiancé ang kanyang katabi. Mas lalo siyang nagulantang nang maaktohan siya ng fiancé sa loob ng silid na iyon, kasama ang ibang lalaki na tanging kumot lang ang nakatakip sa kapwa hubad na katawan.
Romance
1068.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia Kings Melody

The Mafia Kings Melody

Thunder Bird
NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
She Only Live Twice

She Only Live Twice

yourlin
Ang conyo at kikay na si Lemon Concepcion, magpapanggap bilang isang lalaki para lamang makaligtas sa mga hindi niya kilalang kaaway? Si Lemon Concepcion ay isang anak na nasasanay na sa gulo ng buhay ng kanyang Ina. Kung kaya't kahit kailan ay hindi niya pinangarap na magkaroon din ng sariling pamilya upang hindi magaya sa kanya ang magiging anak. Ngunit nang mamatay at makabalik sa kanyang 'past life', sa panahong malayo sa kanyang nakasanayang buhay, kinailangan niyang magbalat-kayo bilang isang lalaki upang makaligtas sa panganib na maaaring nakaamba sa kanya sa buhay na iyon. Magiging mapayapa ba ang kanyang pamumuhay gamit ang ibang katauhan o lalo lamang siyang maguguluhimnan?
History
107.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Owning Her (tagalog)

Owning Her (tagalog)

"Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses nito. Sa tono nito ay hindi nagtatanong kundi nagsasabi lang na para bang utang na loob niya pa at dapat siyang matuwa. Napatigil siya sa pag-iyak. Marahas na nag-angat siya ng tingin dito. Nababaliw na ito kung iniisip nitong papayag siya sa gusto nitong mangyari. Hindi sa lalaking bumaboy sa kanya. Mapait siyang natawa "Hinding hindi ako magpapakasal sa demonyong katulad mo!" Puno ng pagkamuhi na sigaw niya dito. Ngunit wala siyang nagawa ng kaladkarin siya nito papunta sa isang judge para magpakasal. At mas lalong wala siyang nagawa ng unti-unting nahulog ang loob niya dito at matutunan itong mahalin sa kabila ng mga nangyari.
Romance
9.877.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Underground Society: Love On The Brain

Underground Society: Love On The Brain

Eu:N
Nalaman ni Araceae na buhay pa ang tunay niyang magulang kaya tumakas siya sa bahay ampunan upang hanapin ang mga ito. Kasama niyang tumakas ang matalik na kaibigang si Ertan, ngunit nahuli sila sa lansangan ng isang sindikatong grupo. Kasama ng iba pang kabataan, dinala sila sa isang underground human auction, dito nagkahiwalay si Araceae at Ertan. Napunta si Araceae sa kamay ni Kaya, ang binatang may malaking galit sa kanya. Naging miserable ang buhay ni Araceae sa kamay ni Kaya, sinapit niya ang parusa sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. Sa kagustuhan na mabuhay tumakas si Araceae sa malupit na lalaki, nagtagumpay siya ngunit ang alaala niya ang naging kapalit nito. Nagising si Araceae sa isang maliit na isla at nakilala ang matandang mag-asawa, dito nabuhay siya bilang si Aris. Paglipas ng dalawang taon, nakilala ni Araceae si Temur, isang mayamang binata na taga Maynila. Inibig nila ang isa't-isa at pagkatapos ng kasal, dinala siya ng asawa sa Maynila upang doon manirahan. Sa pagtira niya sa mansion, nakilala ni Araceae si Kaya Flegenheimer, ang CEO ng FHMer Corporation at nakatatandang kapatid ni Temur. Sa pagbabalik ng lalaking lumapastangan at nagpahirap sa kaniya. Magbalik na kaya ang alaala ni Araceae? Madiskubre kaya niya ang lihim sa likod ng tunay niyang pagkatao? Ano ang gagawin ni Kaya oras na makitang muli ang babaeng minahal at nagtraydor sa kanya?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Last Vampire Chronicles TAGALOG

The Last Vampire Chronicles TAGALOG

Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...
Other
1020.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Sugar Daddy's Brother

My Sugar Daddy's Brother

Mahirap ang buhay para sa labing-anim na taon gulang si Cassandra Vidal. Napilitan siyang magtrabaho sa club upang ipagamot ang inang may malubhang karamdaman. Akala niya'y hanggang doon na lamang ang kan'yang kapalaran, ngunit hindi nang makilala niya si Arman Solis, ang lalaking labing-walong taon gulang ang tanda sa kan'ya. Nagkaroon sila ng relasyon. Hindi naglaon ay namatay sa isang aksidente ang lalaki at iniwan sa kan'ya ang lahat ng ari-arian nito kabilang na ang Hacienda Miraflor. Lumipas ang limang taon, isang bagong pag-ibig ang dumating sa ngalan ni Mateo Bermudez. Mabilis silang nagkapalagayan ng loob. Subalit isang linggo bago ang kanilang kasal ay bigla itong naglaho sa hindi malamang dahilan. Labis na nasaktan si Cassandra, hanggang sa bumalik ang binata, hindi para sa kan'ya kun'di para sa hacienda. Sa kanilang muling pagsasama, paano niya lalabanan ang pag-ibig na muling sumisibol? Paano kung isa pala si Mateo sa mga taong nais magpabagsak sa kan'ya?
Romance
1019.2K viewsCompleted
Read
Add to library
 No Longer His Submissive Wife

No Longer His Submissive Wife

“Mommy, love mo ba si daddy?” Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa. “Oo naman, s’yempre,” tugon niya sa tanong ng anak at masuyong nginitian ito. “Pero si daddy love ka rin ba?” “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.” “Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” Balik atensyon nito sa ina. “Hmm?” "Kailan kayo maghihiwalay ni daddy?” *************** Iyon ang simula ng lahat. Pagdududa. Pagtataksil. Pagkukunwari. Pagtitiis. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ni Zylah? Hanggang saan kung hindi lang ang asawa ang inaagaw sa kaniya kung hindi pati ang anak?
Romance
1042.1K viewsOngoing
Read
Add to library
MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire

MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire

Simula nang isinilang si Mhelcah ay kadiliman na ang nakikita niya. Paano kapag nakilala niya ang lalaking dahilan ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso? Paano niya ito tatanggapin sa buhay niya kong hindi niya ito nakikita. Kaya bang magmahal ng isang bulag? Sa isang lalaking misteryoso para sa kanya. Kilalang masugit, arogante at walang puso si Simon Blake. Sa edad niya ay masasabing isa siya sa mga pinakabata at pinaka matagumpay na businessman sa buong bansa. Kilala siya hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang panig ng mundo. Ngunit mailap ito sa camera tanging mga staff lang niya sa kumpanya ang nakakakita sa kanya. Isa siya sa kambal na anak ng mag-asawang Luke at Caye. Simula noong bata siya ay napaka tahimik at napakaseryoso niya. Masasabing may pagkamisteryoso ito. Ano ang mangyayari kapag tumibok na ang puso ng isang misteryosong lalaki? Kaya ba niyang ipakita ang tunay niyang pagkatao sa taong mahal niya? Paano ipaglalaban ang pag-ibig na puno ng kasinungalingan?
Romance
1077.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status