Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1020.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Shattered Pieces (Tagalog)

Shattered Pieces (Tagalog)

Queenie Morales
While some endings are painful, there are some endings that's worth it. -Jufiel Kenn Tinio Sa gitna ng pagiging hindi normal ay nakayanan kong manatili sa tabi niya. Ngunit hanggang kailan ko kayang manatili kung nasa punto na kami ng walang kasiguraduhan? Would it be a happy ending for us?
98.7K viewsOngoing
Read
Add to library
RAW AND OLDER

RAW AND OLDER

Synopsis: “You don’t have to change yourself in order to be my ideal woman. `Coz you are that woman.” -Captain Lark Adriel Calumpang Kahit na duda kung totoong siya ang ama ng ipinagbubuntis ay napilitan si Captain Lark Adriel Calumpang na pakasalan si Maricel Paligumba dahil namimilegro ang kanyang military career. Sa kanyang edad ay wala pang balak na mag-asawa si Maricel Paligumba. Lalo na sa isang sundalo na thirty five years old na! Pero dahil buntis siya, pinilit niya itong panagutan siya. Pumayag naman ang sundalo pero nagpapirma ito ng kasunduan sa kanya at iniwan siya nitong mag-isa sa honeymoon nila. Walang manners na matanda! Sa galit ay walang salita niya itong nilayasan. For sure hindi siya nito hahanapin dahil naniniwala ito na hindi ito ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.
Romance
10307 viewsOngoing
Read
Add to library
Muling Pagsusulat ng Iskandalo

Muling Pagsusulat ng Iskandalo

May nag-post ng pagtatapat ng pag-ibig para sa akin sa confession wall ng college. Pero nag-iwan ang nobyo ng kahati ko sa kwarto ng komentong nakipagtalik na ako sa bawat lalaki sa campus. Galit na galit ako at handa nang tumawag ng pulis. Nagmakaawa ang kahati ko sa kwarto na patawarin ang nobyo niya, nangangakong uutusan niya itong manghingi ng paumanhin sa confession wall. Pero bago dumating ang paumanhin na iyon, isang sensitibong video ang nagsimulang magkalat sa mga group chat. Sinasabi ng lahat na ako ang babae sa video. Ipinatawag ako ng college para sa makipag-usap at iminungkahi kong kumuha ako ng leave of absence. Pag-uwi ko, tumanggi ang mga magulang ko na kilalanin ako bilang kanilang anak. Nawala sa akin ang lahat. Kinain ako ng depresyon, at kasama ng walang katapusang tsismis, nawalan na ako ng pag-asa at winakasan ang buhay ko. Pagkamulat ko ulit ng mga mata ko, iyon ulit ang araw na unang lumitaw ang pangalan ko sa confession wall.
Short Story · Campus
690 viewsCompleted
Read
Add to library
Ex-Husband's Regret

Ex-Husband's Regret

Ava: May ginawa akong masama noong nakaraang siyam na taon. Hindi ito maganda, pero nakita at kinuha ko ang pagkakataon na makuha ang lalaking mahal ko simula pa nong bata ako. Fast forward ng maraming taon at pagod na ako sa isang kasal na walang pagmamahal. Gusto kong makalaya kami pareho sa kasal na hindi dapat nangyari. May kasabihan na kapag mahal mo ang isang bagay… palayain mo ito. Alam ko na hindi niya ako mamahalin at na hindi ako ang magiging choice niya. Ang puso niya ay laging nasa babaeng yun at kahit na may mga pagkakasala ako, nararapat akong mahalin. Rowan: Noong nakaraang siyam na taon, sa sobrang in love ko ay hindi ako makakita ng tama. Sinira ko ito noong ginawa ko ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko at sa proseso nito ay nawala sa akin ang mahal ko. Alam ko na kailangan kong managot, kaya ginawa ko ito, kasama ang isang asawa na hindi ko gusto. Sa maling babae. Ngayon ay binaliktad niya ulit ang buhay ko sa pag divorce niya sa akin. Ang mas naging komplikado pa dito, ang taong minamahal ko ay bumalik na sa bayan. Ngayon ang tanging katanungan, sino ang tamang babae? Ito ba ang babae na minahal ko noong mga nakaraang taon na? O ito ba ang ex-wife ko, ang babae na hindi ko gusto pero kailangan kong pakasalan?
Romance
9.8234.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Mapanganib na Pagbabago

Mapanganib na Pagbabago

Pinatay si Rosaline at personal na nilagay ni Sean si Jane sa kulungan ng mga babae dahil dito. “Alagaan mo siya ng mabuti” — ang mga salitang sinabi ni Sean ay ginawang impyerno ang buhay ni Jane sa kulungan at nagdulot pa para mawalan siya ng kidney. Bago siya mapunta sa kulungan, sinabi niya, “Hindi ko siya pinatay,” ngunit walang epekto ito kay Sean. Matapos niyang makalaya mula sa kulungan, sinabi niya, “Pinatay ko si Rosaline, kasalanan ko ito!” Gigil na sinabi ni Sean, “Tumahimik ka! Ayokong marinig na sabihin mo iyan!” Tumawa si Jane. “Oo, pinatay ko si Rosaline Summers at nakulong ako ng tatlong taon para dito.” Tumakas siya at hinagilap ni Sean ang buong mundo para sa kanya. Sabi ni Sean, “Ibibigay ko ang aking kidney, Jane. Kung ibibigay mo ang iyong puso.” Ngunit tumingala si Jane kay Sean at sinabi, “Hindi na kita mahal, Sean...”
Romance
8.8119.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Noong Gumuho Ang Lahat

Noong Gumuho Ang Lahat

Anibersaryo ng kasal namin nang mag-post ang high school sweetheart ng asawa ko ng sonogram picture sa kanyang social media, na may caption na public thank-you sa asawa ko: [Salamat sa lalaking nandiyan para sa akin sa loob ng sampung taon, at sa pagbibigay sa akin ng anak.] Umikot ang kwarto, at namuo ang galit sa akin habang mabilis akong nagkomento: [So, proud ka sa pagiging homewrecker?] Halos kaagad, tumawag ang asawa ko, puno ng galit ang boses. "Paano mo nagawa na mag isip ng nakakasuklam na bagay? Ang ginawa ko lang ay tulungan siya sa IVF, natupad ang pangarap niyang maging single mom.” "At oo nga pala, kailangan lang ni Ruby ng isang subok para mabuntis, habang ikaw ay may tatlong round ng walang resulta. Walang kwenta ang katawan mo!" Tatlong araw lang ang nakalipas, sinabi niya sa akin na pupunta siya sa ibang bansa para sa negosyo—hindi pinapansin ang aking mga tawag at mensahe sa buong panahon. Akala ko busy lang siya. Gayunpaman, sa huli ay kasama niya pala si Ruby, dumadalo sa prenatal checkup nito. Makalipas ang kalahating oras, muling nag-post si Ruby, na ipinakita ang isang mesa na puno ng masasarap na pagkain. [Nagsawa ako sa French food, kaya ginawa ni Ash ang lahat ng paborito kong pagkain. The best talaga siya!] Napatitig ako sa pregnancy test sa kamay ko, ang saya na naramdaman ko kanina, ngayon ay tuluyan ng nawala. Matapos ang walong taong pag-ibig at anim na taon ng paglunok ng aking pride para lang manatiling buhay ang kasal, sa wakas ay handa na akong bumitaw.
Short Story · Romance
1.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Owned by His name

Owned by His name

Isang pirma. Isang apelyido. Isang kasunduang tuluyang babago sa buhay ni Celestine Ramirez. Walang kaalam-alam sa galaw ng mga makapangyarihang tao, napilitang pumayag si Celestine sa isang kasal na hindi niya ginusto—isang papel na dapat sanang gampanan ng kapatid niyang tumakas sa responsibilidad. Ang lalaking pinakasalan niya? Si Lucas Arguelles Sevllia. CEO ng Arguelles Holdings. Kilalang malamig, walang puso, at kayang pabagsakin ang sinumang hindi sumunod sa kanya. Akala ni Celestine, tatlong buwan lang ang lahat—hanggang makansela ang kontrata. Pero paano kung ang lalaking walang pakialam ay unti-unting nagiging protektibo, mapagmasid, at... mapagmahal? At paano kung sa likod ng tahimik nitong pagkilos, ay ang matagal nang lihim—na hindi aksidente ang pagkakapili sa kanya? "Hangga’t dala mo ang apelyido ko, akin ka," bulong ni Locas sa kanyang tainga. "At hindi ko hayaan na maagaw ka ninuman." Pero sa mundong puno ng lihim, kasinungalingan, at makakalaya pa ba siya sa isang pangalang hindi niya pinili… ngunit minahal na niya?
Romance
663 viewsOngoing
Read
Add to library
I'm a slave for you

I'm a slave for you

Maagang naulila si Celina Manuel dahil sa isang aksidente. Dahil sa walang kamag anak lumitaw para kupkupin siya ay napilitan siyang buhayin ang sarili ng mag isa, hanggang sa swerteng nahanap siya ng kanyang ninang at ampunin. Ngayon sa bagong mundong ginagalawan ay pipilitin niyang harapin ang panibagong hamon ng buhay. Si Vincent Truins ang kaisa isang anak at tagapagmana sa kanilang pamilya, nabuhay sa luho at karangyaan. Dulot ng isang madilim na nakaraan ay hindi niya magawang magtiwala sa mga taong nasa paligid niya. Naniniwala rin siyang pwede niyang gawin ang kahit anong gusto niya dahil sa kanilang estado sa buhay. Anong mangyayari kung magkrus ang landas ni Celina na nais tuparin ang kanyang mga pangarap sa ikalawang pagkakataon at ni Vincent na walang ibang nais kung hindi ang magpakaligaya.
Romance
1012.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

"Ma, ano ba? Pagod na pagod na akong maging sunud-sunuran sa inyo! Sa buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng utos at nais ninyo. Bakit ngayon, isang hiling ko lang, bakit ayaw niyo akong pagbigyan?" Hindi ko na mapigilang umiyak, ang sakit sobra. Anak niya ako, bakit kailangan niyang magdesisyon na ako dapat? Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko galing sa kanya, na hindi ko na ikinagulat pa. Sanay na ako sa pananakit niya simula noong bata pa ako hanggang ngayon, na 23 years old na ako, lalong lalo na pag hindi ko sundin ang gusto niyang mangyari. "How dare you na sagutin ako ng ganyan? Ako ang bumuhay sa'yo kaya ako ang magdedesisyon. Kaya wala kang karapatan na kalabanin ang nais ko!" Inis na sigaw niya sa akin, kulang na lang sabunutan niya ako. "Ma, mali naman kasi kayo, ayaw ko pa pong magpakasal. Ipakasal niyo ako nang hindi niyo man lang ako tinatanong? Ma, please babalik na lang ako ng Paris," pagmamakaawa ko, ngunit tanging titig lamang ang pinupukol niya sa akin at walang bakas na naawa ito sa akin. Bakit, Ma? "Enough!" Isang malakas na sampal ulit ang natamo ko sa kabilang pisngi ko na ikinabagsak ko sa sahig. "Belphoebe Sinclair, sa gusto mo o hindi, magpapakasal ka sa lalaking 'yun." Parang echo ang boses niya na paulit-ulit sa tenga ko. Bakit ganun? Pakiramdam ko, parang ginawa akong bayad sa hindi ko alam na utang. Ano ba ang kasalanan ko? Bakit kailangan ipakasal ako sa taong hindi ko kilala at hindi ko naman mahal.
Romance
207 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status