Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE

REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE

Nalaman ni Eloise De Vega na niloloko siya ng kanyang fiancee na si Atticus. Labis ang sakit na kanyang nararamdaman ng mga panahon na iyon kaya naman walang pag-aalinlangang ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa isang lalaking hindi niya kilala. Samantala, nakiusap naman ang kanyang kaibigan na si Brynne na akitin at paibigin niya ang lalaking nanloko dito. Naawa siya sa kanyang kaibigan kaya pumayag siya sa gusto nito. Maganda at sexy siya kaya impossibleng hindi mahuhulog sa bitag niya ang lalaki. Ngunit laking gulat niya nang malaman niyang ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan ay ang lalaking naka One night stand niya na si Elijah Montereal. Ang ama ng kanyang anak. Ngunit kailangan niyang tuparin ang naipangako niya sa kanyang kaibigan na iiwanan niya si Elijah sa mismong araw ng kanilang kasal. Paano kung sa muling pagkikita nilang dalawa ay hindi na siya maalala ng lalaki? May pag-asa pa kaya si Eloise sa puso ni Elijah gayong Ikakasal na ito sa kanyang kaibigan na si Brynne?
Romance
107.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
Romance
107.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Maid Who Stole My Heart (Filipino)

The Maid Who Stole My Heart (Filipino)

Kailangan na kailangan ni Cassy ng pera para sa may sakit niyang ina kaya napilitan siyang nakawin ang mamahaling kuwintas ng amo niyang babae. Hindi pa naman siya sumasahod kaya wala pa siyang pera at kahit naman may sahod na siya ay hindi pa rin sapat 'yon para sa pagpapagamot ng may sakit niyang ina. Walang kaalam-alam si Cassy na nakita pala siya ng anak ng amo niyang babae na si Zach na ninakaw ang kuwintas na 'yon. Walang umaamin sa kanilang mga katulong kung sino ang kumuha ng kuwintas na 'yon kahit siya. Kinausap siya ni Zach at sinabi sa kanya na nakita siya nito na ninakaw ang kuwintas ng mommy niya. Takot na takot si Cassy matapos na sabihin 'yon ni Zach sa kanya. Nagmakaawa siya kay Zach na huwag isusumbong sa mommy nito dahil posibleng mawalan siya ng trabaho. Zach was obsessed with her. He really wants to fuck her. Sinamantala nga ni Zach ang pagkakataon na 'yon kaya sinabihan niya si Cassy na hindi siya magsusumbong sa mommy niya tungkol sa nalalaman niya kung papayag si Cassy sa nais niya na maka-sex ito. Papayag kaya si Cassy sa nais na 'yon ni Zach? Paano kung hindi? Mawawalan siya ng trabaho kapag hindi siya pumayag. Wala siyang kaalam-alam na may gusto pala si Zach sa kanya. Hindi lang nais nito na maka-sex siya kundi nais rin nito na maging girlfriend siya kaso nga lang ay isang katulong lamang siya.
Romance
6.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ikaw Lamang

Ikaw Lamang

Nagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya pagkatapos ng kanilang kasal na may sakit siya... Breast Cancer. Stage Two. Halos gumuho ang mundo ni Marga. Natakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang asawa oras na malaman niya ito. Kaya ng gabing dapat ay honeymoon nila, tumakas siya at nagpakalayo-layo. After thirteen years, muli siyang nagbalik bilang isang successful CEO. Walang sakit, walang cancer. At sa pagtatagpo ng landas nila ni Franco, ang tamis at sakit ng nakaraan ay muling nagbabalik. Pero paano niya ito pakikitunguhan, kung sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga mata ay nababakas niya ang tindi ng galit nito? At paano ba niya pipigilan ang kanyang pusong huwag mahulog dito gayong may asawa na ito?
Romance
105.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
BUNGA NANG MALING PAG-IBIG

BUNGA NANG MALING PAG-IBIG

TEASER Bleez Astrid Fuentes, isang dalaga na walang ibang hinangad kundi Ang mahalin Siya pabalik nang mga taong Mahal niya ngunit sadyang ipinagkakait yata iyun nang Mundo sa kanya dahil sa isa siyang produkto nang Maling Pag-ibig. Despite of being bullied by her Aunties and cousin's she's still a kind hearted young woman, na kahit tinatapak-tapakan na Ang buo nyang pagkatao ay di nya parin makuhang lumaban? She's weak and she knows that, lahat nang sakit ay idinadaan nya nalang sa iyak. Di sya marunong lumaban at ayaw nyang subokan at iyun Ang pinakaayaw na ugali sa isang babae na hate ni Leviticus Brion Madrigal, Ang lalaking lihim nyang iniibig. Ngunit dahil sa pagbabanta nang kanyang pinsan na si Katarina De Salvo, ay pinilit nya Ang sarili na dumistansya Kay Levi at pilit na limutan Ang nararamdaman dito. Pero Pano Kung sa pag limot na gagawin nya ay sya ring paglapit nang lalaki sa kanya upang ihayag na may gusto Rin ito sa kanya. Will they became happy in each other? (Tunghayan po natin Ang bagong kathang isip na aking gagawin, naway magustohan ninyo at susuportahan parin ako gaya nang pag suporta nyo Nung nauna.. If you like me to start this, pa share Naman jarn para mas marami pa tayong readers😁 but it's optional, sa may nais lang mag share, Thanks!)
Romance
106.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Carrying The Professor's Twins

Carrying The Professor's Twins

Sweetlyruined12
Sanay na sa sakit si Olivia Margarette Gallego, sa ipinararamdam pa lamang ng kanyang magulang sa kanya sa araw-araw ay umaapaw na siya. Ngunit iba pala ang sakit kapag iyong mahal at pinagkakatiwalaan mong tao ang siyang mangloloko sa iyo. Nalaman niyang kasal na pala ang kanyang anim na buwang nobyo at may anak pa! Sa pinaghalong kalungkutan at pighati, nagpunta siya sa isang club at doon nagpakalasing, umaasang mawala na ang sakit kinabukasan. Ngunit kinabukasan ay iba ang kanyang namulatan, nakahiga siya sa isang malaking kama at katabi ang nag-iisang terror mathematics professor, si Mr. Wrecker Silas Monroe. Ang akala niya ay isang gabi lamang iyon ng pagkakamali, ang hindi niya alam ay panghabangbuhay niyang dadalhin ang bunga niyon. May pag-asa pa bang makatagpo siya ng lalaking mamahalin siya ng tunay? O makukuntento na lang siya sa pagmamahal para sa kanyang mga anak?
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Maid of my Heartless Ex-Husband

Maid of my Heartless Ex-Husband

Mabelle had a wild night with a stranger and her husband finds out about it. Hiniwalayan siya nito at tuluyang nagunaw ang kanyang mundo. She ended up living in a small boarding house with her pregnant tummy, completely desperate for survival. Sa kabila ng paghihirap ni Mabelle ay pinili niyang buhayin mag-isa ang kanyang anak. Makalipas ang pitong taon, nagawa niyang makabangon subalit muling sinubok ang kanyang katatagan nang mawalan siya ng trabaho. Mabuti na lang ay ini-refer siya ng kanyang kaibigan sa pinagtatrabahuhan nitong amo na isang kilalang personalidad. Dahil sa pagnanais na makapagtrabaho muli, pinasok ni Mabelle ang pagiging kasambahay. However, she was surprised to find out that her new boss is her former husband, Navi Reinhart—the man who used to exchange smiles with her has turned into someone who is very dangerous. "Pagsisisihan mong bumalik ka pa sa buhay ko, Mabelle. Ipapararanas ko sa 'yo ang sakit na naramdaman ko noong araw na niloko mo ako!" The moment he said those words, she knew her misery was about to begin. *** Started: May 15, 2023 Finished: June 12, 2024
Romance
106.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
His Secret Obsession (FILIPINO VERSION)

His Secret Obsession (FILIPINO VERSION)

Josie frank
Athena Ramirez Ang trabaho ay eksakto kung ano ang gusto niya. alam niyang magagawa niya ito ng maayos. Tuwang-tuwa si Athena sa pagkakataong magtrabaho hanggang sa sinabi ng babae sa ahensya na walang puntong mag-aplay dahil, ang mahalaga ngunit hindi nasabi na mga kwalipikasyon ay ang pagiging kasal, o nasa katanghaliang-gulang, at ako ay hindi. Tila, si Eros Ramazzotti ang CEO ay isang workaholic na may sakit na ang kanyang mga batang sekretarya ay umibig sa kanya at nawalan ng konsentrasyon sa kanilang trabaho. Lumalabas na ang pagiging hindi kaakit-akit ay itinuturing na isang bonus dahil hindi rin niya nais na magambala. Ngunit hindi siya ganoon kadaling sumuko. Ang trabaho ang tanging pag-asa at pagtakas niya kaya nakumbinsi ni Athena ang ahensya na ipadala siya para sa interbyu. Inalis niya ang kanyang mga pampaganda, namuhunan sa isang murang singsing sa kasal, nagsuot ng mga damit na dowdy. Para sa mabuting sukat, nagdagdag siya ng isang pares ng pangit na salamin, hinila ang kanyang buhok sa isang hindi nakakaakit na tinapay, at voila. May asawa at hindi kaakit-akit. Oo, nakuha niya ang trabaho, Oh, and guess what? Sa wakas ay naunawaan na niya kung bakit hindi makapag-concentrate ang ibang mga sekretarya sa trabahong ito. Si Eros Ramazzotti ay ang pinakamainit na CEO na nabubuhay, na ginagawang imposibleng magtrabaho para sa kanya ngunit ang kanyang desperadong krisis sa pananalapi ay naging dahilan upang lunukin niya ang anumang pagnanais na mayroon siya para sa kanya...
Romance
106.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle

Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle

Nang ikasal si Alexandra sa kaniyang asawa ay iniwan niya ang kaniyang trabaho. Pinili niyang manatali sa bahay at asikasuhin lamang ang kaniyang asawa. Ngunit unti-unti niyang nalaman na niloloko siya ng kaniyang asawa. Agad siyang nakipaghiwalay dito. Dahil sa sobrang sakit, nagpakalasing siya at pumunta sa iba’t ibang bar para maghanap ng lalaki. Ngunit nang matapos ang nangyari sa kanina, paggising nila sa umaga, nalaman niyang ang lalaking kaniyang katabi ay ang tiyuhin ng kaniyang asawa. Si Lorence Tyron Mendez, is one of the most feared corporate lawyers, handling high-stakes divorces, business lawsuits, and criminal defense cases. Pareho lang silang lasing ng gabing iyon kaya pinampas nila ito. Umaasang walang nabuo ang kanilang pagsasama sa isang gabi lamang. Dahil iniwan ni Alexandra ang kaniyang asawa, nawala ang lahat sa kaniya. Kaya naman naghanap agad siya ng trabaho. Nagkataon na naghahanap ng secretary si Tyron, at siya ang nakuha para sa posisyon. Akala ni Tyron, ay ginagamit lamang siya ni Alexandra para mawala ang bisa ng kasal. Akala niya ay nagpanggap itong buntis para tuluyang mapawalang bisa ang kasal sa dating asawa. Kaya naman nagalit si Tryon kay Alexandra, pero hindi niya ito kayang sisantihin sa trabaho. Lalo pang lumala ang sitwasyon nang magkamali ng akala si Tyron tungkol kay Alexander, iniisip na may masamang balak ito sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, ang tanging nais lang ni Alexandra ay ang makalaya sa lason na kasal at mabawi ang buhay na isinuko niya noon para sa pag-ibig. Ngunit paano siya makakaalis sa kamay ng traydor niyang asawa, lalo na’t ginagawa nito ang lahat upang pigilan ang kanilang hiwalayan? At sa gitna ng lahat ng ito, paano nila haharapin ang damdamin nilang unti-unting nabubuo para sa isa’t isa? Paano kung sila talaga ang nakatadhana?
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Rewritten Vow

The Billionaire's Rewritten Vow

Pakiramdam ni Kara Baker ay isinumpa ang kanyang buhay matapos masira ang kanyang modelling career at iwan ng lalaking minahal niya. Ngayon, hinihiling ng kanyang amang may sakit na magpakasal siya sa isang lalaking hindi niya pa nakikilala upang iligtas ang kanilang publishing company mula sa tuluyang pagkalugi. Dahil sa sama ng loob, pumunta siya sa isang bar at uminom ng labis. Nagising siyang hubo’t hubad katabi ang isang napakagwapong lalaki sa loob ng isang five-star hotel room sa umaga ng araw na dapat niyang makilala ang kanyang fiancé. Sa dinner ng dalawang pamilya, nagulat siya nang malaman na ang lalaking kanyang naka-one night stand ay siya ring kanyang fiancé. Si Marco De Guzman, ang CEO ng isang kumpanya ng publishing, advertising, at marketing sa US at Pilipinas, ay napilitang sumang-ayon sa hiling ng kanyang mga magulang na siya ay magpakasal sa anak ng kanilang kaibigan. Bagamat inamin niya sa kanyang sarili na nagandahan siya sa babae ng unang makita sa bar at hindi maikakaila ang kanilang pagiging compatible sa kama, hindi pa rin ito ang babaeng mahal niya. Gaano katagal kayang manatili ni Kara sa isang pagsasama na walang pag-ibig, lalo na't ang puso ng kanyang asawa ay pag-aari ng ibang babae?
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1819202122
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status