Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marrying The Billionaire

Marrying The Billionaire

GIPIT. Iyan lang ang tanging nasa isip ni Maureen magmula noong binenta ng kanyang ama ang kanilang kompanya. Nagkanda-letche ang kanilang buhay at wala siyang ibang maisip na paraan kundi ang bawiin ang kanilang kompanya mula sa taong pinagbentahan ng kanyang ama. Ngunit paano na lang kung walang balak na ibalik ng bagong may-ari ang kanilang kompanya? Kakayanin niya bang makipagsapalaran sa tanging kasunduan nito? Pero paano kung ang tanging paraan para makuha muli ang kanilang kompanya ay ang pakasalan ang bagong may-ari nito? Handa ba siyang matali sa isang relasyong sapilitan?
Romance
105.0K viewsOngoing
Read
Add to library
CHAINED (Tagalog)

CHAINED (Tagalog)

Walang ibang pinangarap si Sabrina kung hindi ay ang makapagtapos ang mga kapatid sa pag-aaral at hindi maranasan ang hirap ng buhay na dinanas niya. Hindi basta-bastang nagtitiwala si Lance lalo na sa mga babae dahil sa madilim niyang nakaraan na hindi niya magawang bitawan. Pero paano kung magkita sila sa hindi inaasahang pagkakataon? Posible bang titibok ang puso nila sa isa't isa? Magagawa bang alisin ni Sabrina ang poot at galit na nasa puso ni Lance?Tatanggapin ba niya ang alok ni Lance kapalit ng katuparan ng kaniyang pangarap?
Romance
9.9244.9K viewsCompleted
Show Reviews (86)
Read
Add to library
Myramay Miras
Nice one Blu Berry! Spending coins to read this piece of yours is all worth it. 👌Good job! ✨💜 Suggestion: Please take ample time to go through the typos and have those corrected for a more polished masterpiece. 😉
@zeL09
salamat miss a.sa napakagandang story. nabasa ko na ung Kay rafael.maganda din un.at ito ding Kay Sab at lance napakaganda din..maganda talaga basahin Ang short story lang kaysa pagkahaba habang novela,nakakabagot magbasa..
Read All Reviews
Before The Vows Were Broken

Before The Vows Were Broken

Ipinagkasundo si Cassidy ng kanyang mga magulang kay Chester Montecalvo. Bata pa lang ay minamahal na ng dalaga si Chester kaya tinanggap niyang maikasal dito. Pero sa loob ng dalawang taon nilang pagiging mag-asawa ay walang ginawa si Chester kundi pasakitin ang puso niya. At nang mamatay ang mga magulang niya ay mas lalo pang lumabas ang tunay na kulay ni Chester nang ikulong siya nito at pilitin papirmahin ng mga dokumento para mailipat dito ang pagmamay-ari ng kompanya. Cassidy killed herself bago pa makuha ng asawa niya ang lahat ng meron siya. Hindi niya hahayaan na mapunta sa walanghiya niyang asawa ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang. Pero iba ang plano ng kapalaran sa kanya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa harapan siya ng altar, ikinakasal muli kay Chester. She had given a second chance, nabuhay siyang muli.
Romance
328 viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally Married to a Billionaire

Accidentally Married to a Billionaire

Para kay Tyra Reign Agustin, ang kasal ay isang mahalaga at sagradong seremonya na dapat pahalagahan ninuman. Samantala, iba naman ang pananaw ni Damien Alistair Prescott sa bagay na ito. Para sa kaniya, ang kasal ay walang importansiya at hindi dapat gaanong bigyan ng pansin. Nang makipaghiwalay si Tyra sa kaniyang dating nobyo na si Ethan Alexander Carter ay nakilala niya si Damien Alistair Prescott — isang hot bachelor CEO ng Prescott Nexus, na kilala bilang isa sa nangungunang maipluwensiya at makapangyarihang kumpaniya sa bansa. Ang kanilang unang pagkikita ay hindi pangkaraniwan. Suot ang pang-guwardiyang uniporme ay tumakas si Damien sa inihandang kasal ng kaniyang ina para sa kaniya, at sa kaniyang pagtakas ay nakasalubong niya ang umiiyak at lasing na si Tyra Reign. Dahil sa kagustuhang makatakas sa pangingialam ng kaniyang ina sa kaniyang buhay pag-aasawa ay walang pasubaling inalok ni Damien ng kasal si Tyra. Dala ng kalasingan at maling akala ay pumayag si Tyra na pumirma sa isang marriage contract. Sa kabilang banda ay naisip ni Damien na baka si Tyra na ang kaniyang hinahanap, dahil sa agaran nitong pagpayag sa kaniyang alok na pagpapakasal ay nagustuhan niya ito sa hindi malalim na paraan. Nakasuot lamang siya noon ng pang-guwardiyang uniporme ngunit nagawa pa ring sumang-ayon ni Tyra, para sa kaniya, ang babae ay ibang-iba sa nire-reto ng ina. Sa paglipas ng panahon ay nagkamabutihan sila, naging opisyal ang kanilang relasyon kahit pa hadlang dito ang pamilya ni Damien — lalo ang sariling ina nito. Ngunit dahil sa kaniyang pagmamahal kay Tyra ay nagawa niyang sumuway at labagin ang kagustuhan ng pamilya. Subalit ang kaniyang pagmamahal ang magbibigay rason kay Tyra upang iwan siya nito, bitbit ang isang sanggol na susunod na magmamana ng lahat ng mga kayamanan ng mga Prescott.
Romance
10529 viewsOngoing
Read
Add to library
Boyfriend Hunt

Boyfriend Hunt

CowardTheBrave
Si Eli ay isang huwarang estudyante at kasalukuyang nangunguna sa kanilang klase. Kilala siya bilang isang tahimik na tao at walang interes sa ibang bagay bukod sa pag-aaral. Iyon na rin siguro ang isa sa pinakadahilan kung bakit walang maituturing na kaibigan sa school si Eli. Lingid sa kaalaman ng kanyang mga kaklase, si Eli ay isang closeted gay. Dahil sa fear of rejection at mahusgahan ng iba, mas pinipiling mapag-isa ni Eli kaysa makihalubilo sa kanyang mga kaklase. Isang gabi habang nagrereview si Eli para sa isang exam kinabukasan, napukaw ang kanyang atensiyon sa isang online advertisment. Ito ay isang 'dating' application na tinatawag na MATCHED, na kung saan ay maaari kang makakilala at makatagpo ng taong para sa iyo... As a gay person. Dahil sa masidhing kuryusidad ay dali-daling dinampot ni Eli ang kanyang cellphone para idownload ang MATCHED para simulang hanapin ang taong kukumpleto sa tinatago niyang pagkatao. Have you ever tried to use an app to find a lover? Let the hunt begin.
LGBTQ+
108.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Entrapped To Be His Wife

Entrapped To Be His Wife

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?
Romance
1032.0K viewsCompleted
Read
Add to library
His Sweet Surrender

His Sweet Surrender

This a a story about finding true love in the most unexpected of times, with the most unexpected person. The story starts with Elisa, a simple-minded woman, who cares for the world and everyone around her..pero may exception sa mga pinapakitaan niya ng kabaitan- ang walang modo at brat na hacienderong si Lorenzo. Journey with them in finding true and everlasting love.
Romance
108.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Don't Fall in Love

Don't Fall in Love

Yuki Yceej
Sa gabi ng tinatawag nilang Bluemoon night, ang gabi ng mga single, ay magtatagpo ang landas nina Hunter Ace, isang sikat na modelo at artista at Jolie Vargas na isa lamang ordinaryong babae. Hinahangaan ang binata dahil sa kanyang gwapong mukha, magaling na actor at ganda ng pangangatawan habang si Jolie ay simpleng babae pero palaban. Isang gabi, dahil sa kabiguan sa pag-ibig ay pumayag si Hunter na sumama sa kaibigang si Tom na dumalo sa once a year event na tinatawag nilang Bluemoon night. Ito ang gabi na mapagkakamalan ni Hunter ang No Boyfriend since birth (NBSB) na si Jolie na siya si Danica, ang girlfriend niya. Walang pag-aalinlangan, dinampi ng binata ang labi niya sa labi ng lasing na si Jolie. Dahil sa wala sa tamang katinuan ang dalaga, tumugon naman siya sa halik. Pinagsaluhan nila ang maiinit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hindi lang halik ang kanilang pinagsaluhan, pati ang init ng katawan ay kanilang pinadama. Isang bangongot ang maituturing ni Jolie ang nangyari sa kanya sa gabing iyon nang magising siyang katabi ang mayabang at supladong modelo sa kama at pareho silang walang saplot. Hindi na niya ito ginising bagkos ay umalis na agad sa silid. Magtatagpo pa kaya ang landas nila kung ang akala ni Hunter ay si Danica ang babaeng nakasama niya sa kama? May mabubuo kayang pagtitinginan kina Hunter at Jolie kung ang dalawang babae ay may mukhang pinagbiyak na bunga?
Romance
845 viewsOngoing
Read
Add to library
Admiring Him From Afar

Admiring Him From Afar

Mystery Girl
Natupad ang pangarap ni Rachelle na ma-interview ang man-of-the-hour ng TV broadcasting na si Carlo Dela Cruz. Matagal na niyang iniilusyon ito. Pero kalabisan nang pangarapin pa niyang maging boyfriend o asawa ito, dahil not in a million years na pag-uukulan siya nito ng espesyal na atensyon. Nakuntento na siya sa alaala ng una't huling pagkikilala nila--- hanggang sa lumabas sa internet ang litrato nilang dalawa na magkasama sa isang grand and romantic vacation sa Thailand. Alam niyang edited lamang ang naturang litrato--- ngunit nagdulot iyon ng sukdulang galit sa guwapong broadcaster. Engaged to be married na pala ito, kaya walang pakundangang kinompronta siya nito. At himala ng mga himala na lamang ang maaring magpalambot sa puso nito....
Romance
101.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Daddy, Mommy’s on the Run!

Daddy, Mommy’s on the Run!

Tatlong taon nang asawa ni Sabina ang kilalang CEO na si Sebastian Malfory—isang lalaking inakalang katuparan ng lahat ng kanyang panalangin. Pero isang gabi, natuklasan niya ang masakit na katotohanan: ginagamit lang siya nito para saktan ang tunay nitong minamahal, ang kapatid niyang si Waynona. Buntis sa kambal, durog ang puso, at walang masandigan, piniling tumakas ni Sabina dala ang isang lihim na magpapabago sa lahat. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya bilang isang matagumpay at misteryosang babae—kasama ang dalawang batang may mata ng lalaking minsan niyang minahal. At nang muling magkrus ang mga landas nila ni Sebastian, isa lang ang tanong: handa ba siyang ipaghiganti ang sarili, o muling magpatalo sa lalaking dati’y dahilan ng kanyang pagkawasak?
Romance
203 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status