Alipin Ng Tukso
“Hindi ah, ikaw? Ikakahiya ko, never po! Alam mo namang mahal na mahal kita. Ayoko lang mabigla ‘yung pamangkin ko, kaya dahan-dahanin mo ang pagsabi, iyon lang.”
Takot na takot agad si Larkin kapag nagagalit ako. Halatang malaki ang takot sa akin.
“Huwag kang mag-alala, kilala ko ‘yun, matatanggap din niya tayo.”
Pagkatapos naming mag-usap, nagpaalam na si Larkin na mamimitas ng papaya sa likod ng manisyon. Marami kasi kaming tanim na puno doon ng iba’t ibang prutas. Ito kasi ang pangarap ko, ‘yung nasa paligid lang ‘yung mga prutas na kakainin namin. Napakasimple lang minsan ng kaligayahan ko, bagay na kayang-kaya naming gawin ni Larkin, hindi namin kailangan maghirap dahil madali lang nam
Hot Chapters