Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
His Personal Maid

His Personal Maid

Gusto lang naman niya ang maranasan na mahalin. Hanggang kailan kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Hanggang kailan kaya mong ipaglaban ang iyong pag-ibig na maraming humahadlang? Hanggang kailan mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ni minsan hindi mo nakitaan na mayroon din siyang pagmamahal sayo katulad ng pagmamahal na nararamdaman mo para sa kanya? Ang hirap. Iyong lihim mong minamahal ang isang tao at hanggang tanaw ka lang. Nakakapanghina. Kung sabagay, sino ba siya para mapansin at magustuhan ng lalaking gusto niya? Isa lang naman siyang langaw na sampid sa angkan nila. Ilang taon na ba siyang naninilbihan sa pamilyang Montefalco? Halos isang dikada na. Minahal naman siya ng pamilyang ito ngunit yung pagmamahal na inaasam niya...hindi niya pa naramdaman. Palagi nalang siyang nag-aasam. Pait siyang napangiti habang nakatanaw sa lalaking matagal na niyang iniibig. Ang lapit lang nila sa isa't isa ngunit nahihirapan siyang ito ay abutin. Hanggang maid na lang ba ang tingin nito sa kanya?
Romance
1018.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Son

Hiding The Billionaire's Son

MissBangs001
Highschool buddies, college girlfriend, at number one supporter siya ni Szellous Veron Dela Vega o mas kilala sa screen name nitong Seve.Mayaman ang pamilya ng lalaki kaya kahit nobya na siya, ay di pa rin siya matanggap ng pamilya nito. Nangako ang lalaki na ipaglalaban siya nito sa pamilya niya ngunit ang di niya inaasahan ay ang pakikipagbalikan nito sa dating nobya. Nalaman na lamang niya na ginamit lang pala siya nito para pagselosin ang dating nobya nito.Umalis siya nang Pilipinas para itago ang pinagbubuntis niya sa pamilya ng lalaki, at sa kanyang pagbabalik isa lang ang nais niya. Ang maghiganti sa mga taong umapi at nagbigay ng poot sa kanyang dibdib.---Limang taon ang lumipas at nagkita sila muli, ngayon ay isa na siyang hinahangaan na Solo Artist at CEO sa isa sa pinakamalaking Entertainment Company.'LJ Entertainment were build to compete with Dela Vega's Entertainment company'at gagawin niya ang lahat para bumagsak ang lalaki na dati niyang hinahangaan.
9.7104.1K viewsCompleted
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Kindhearted Revenge

The Kindhearted Revenge

Isang bagay na lang ang gustong tuparin ni Shiela De Guzman sa buhay magmula nang mangyari ang insidenteng nagdulot sa kaniya ng sobrang pighati at nagpabago sa buhay na pinapangarap niya. Hustisya. Iyon lang naman ang gusto niyang makuha para sa mga magulang na walang awang pinatay. Ginawa niya ang lahat matupad lang ang mithiing maging isang pulis para ikulong ang mga pumatay sa kaniyang magulang. Sa paghahanap sa mga taong pumatay sa mga magulang ay natuklasan niya rin ang dahilan sa likod ng pagpatay sa mga ito at ang nakatagong lihim sa kaniyang pagkatao. Ang dating mabuting intensiyon na paghihiganti ay napalitan ng poot at karahasan. SHIELA DE GUZMAN! ELA RICARPIO! RAVEN CRUZ! DIVINE MABISCO! Iisang tao, apat na pagkakakilanlan. Sino nga ba siya at ano nga bang totoo sa tunay niyang pagkatao?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
CAPTIVATED: AKIHIKO HARU CANTILEJO

CAPTIVATED: AKIHIKO HARU CANTILEJO

D_NABANANA
Dion Clamente is a simple girl. She's in between of being an introvert and extrovert. She likes watching k-drama and anime. Pero sa lahat ng hobby niya sa buhay, ang panonood ng tiktok videos ng paborito niyang creator ang isa sa pinakapaborito niyang gawin. Wala siyang oras na pinapalagpas para makanood lang ng tiktok vids. Sa dinamidami ng creator at voice actors na naglipana sa buong social media ay isa lang ang nakakuha at nakaangkin ng interes at damdamin niya. At yun ay si Aki Hitoko. Pagkadinig pa lang niya sa boses nang lalaki ay may naramdaman siyang emosyon na di niya maipaliwanag. Sa baritono nitong boses ay para siyang hinihipnotismo. Sa bawat bigkas nito ng mga salita ay parang mawawalan siya ng diwa na para bang papanawan na siya ng ulirat. Di niya pa ito nakikita at tanging boses lang ang kilala niya pero isa lang ang alam niya, she's already into him. She's been captivated.
Romance
848 viewsOngoing
Read
Add to library
Caught In Uncle's Arms

Caught In Uncle's Arms

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang sarili mo matapos kang lokohin ng lalaking minahal mo nang buo? Para kay Araceli Gonzalo, sapat na ang isang sagot: hanggang sa dulo. Wala siyang pakialam kahit masunog pa siya sa sariling laro, basta makaganti lang. At kung ang paraan para saktan ang ex niya ay ang makasama ang uncle nito gabi-gabi, handa siyang tumawid sa bawal.
Romance
368 viewsOngoing
Read
Add to library
Coldhearted Mafia and His Triplets

Coldhearted Mafia and His Triplets

Hindi kailanman inakala ni Sydney Mendez na mapipilitan siyang tumakas mula mismo sa pamilya niya habang buntis—walang pera, walang koneksyon, at may tatlong buhay na lumalago sa sinapupunan niya. Deceived and robbed of the inheritance that was rightfully hers, she must gather all her strength to survive and reclaim everything that was taken from her. Isang maysakit na anak, isang dating pag-ibig na muling nagbabalik, isang misteryosong estranghero, at isang pamilyang galit na galit sa kanya ang huhubog sa laban ni Sydney para sa hustisya at para sa kanyang sariling buhay. From pain and betrayal, her fight for strength and a new beginning will begin.
Romance
305 viewsOngoing
Read
Add to library
The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance

The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance

Bata pa lang si Andreana Velasquez nang maulila siya dahil sa isang madugong ambush. Ang target sana ng pag-atake ay isa sa mga miyembro ng makapangyarihang pamilyang Vergara. Ngunit sa halip na ang mga ito ang tamaan, ang magulang ni Andrea ang nasawi—dahil kasunod nila ang sasakyang dapat sanang ambush-in. Sa isang iglap, nadamay sila sa malawakang putukan na para sa mga Vergara. Simula noon, isinisi ni Andrea sa pamilyang Vergara ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Bitbit ang galit at sakit, pinangako niyang hindi siya titigil hangga’t hindi niya napapanagot ang pamilyang responsable sa lahat ng kanyang pinagdaanan. At ngayon, oras na para singilin ang mga Vergara.
Romance
10133.7K viewsOngoing
Read
Add to library
It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)

It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)

Handa si Sophia Grant na gawin ang lahat para maisalba ang kasal niya kay Julian—kahit pa unti-unti na itong lumalamig at tila ba nahuhulog na sa bitag ng magandang empleyado nitong si Vanessa. At ngayong may baby na sila, mas lalo siyang kumapit. Umaasa. Nagsusumamo. Pero habang lalong nabubunyag ang mga kasinungalingan at pagtataksil, unti-unting bumukas ang mga mata ni Sophia sa katotohanang ayaw niyang tanggapin—na minsan, hindi sapat ang pagmamahal lang. Wasak ang puso. Luhaan. Napahiya. Sophia chose to walk away… dala-dala lang ang mga sugat ng kahapon at ang pangakong babangon muli. Sa pagkakataong ‘to, hindi para kay Julian. Kundi para sa sarili niya. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na magbabalik siya—mas matapang, mas malakas… at handang ipaglaban ang respeto at hustisyang matagal nang ipinagkait sa kanya.
Romance
14.0K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVING A HIDDEN MAFIA

LOVING A HIDDEN MAFIA

Franz Valley
Tinanggap ni Maribel Lopez ang maging other woman ni Calixto Condor dahil mahal niya ito. Hindi naman niya pinagsisihan ang naging desisyon dahil naging masaya siya sa piling ng lalaki, na hindi naglihim sa pagiging pinuno ng mafia. Kaya naman tumagal ang kanilang pagsasama hanggang sa magkaroon sila ng anak, na binuhay nilang limitado ang pakikisalamuha sa kapwa. Si Alexa, na lumaki at nagkaisip na may pribadong buhay. Pero dahil din sa pag-ibig ay binuksan ang sariling mundo para papasukin ang isang guwapong estangherong binata. Si Kaizer John Avila, na natagpuan niya sa gitna ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. Walang malay-tao ang lalaki, na isa palang pinuno ng mafia. Bagay na nalihim sa kanyang kaalaman dahil malayo ito sa hitsura nito. Kahit may pasa ito sa pisngi at may sugat sa noo ay napaka-amo ng mukha. Kaya iniligtas niya ito sa naka-ambang sakuna at inalagaan hanggang sa gumaling. Inilihim sa kanya ni Kaizer John na ipinakidnap ito ng kalaban, na gustong makuha ang pagiging pinuno ng mafia. Kaya nanatili ito sa kanyang bahay hanggang sa gumaling. At lumakas. Bagay na naging dahilan kaya lihim na nakilala nito ang kanyang Ama na si Calixto Condor. Nagkaroon din ito ng pagkakataon na matuklasang si Alexa ang itinatagong anak sa labas ni Calixto, na batid na nagpakidnap dito. Kaya gumawa ito ng paraan para manatili pa ito sa kanyang bahay, na ang pakay ay gamitin siya sa paghihiganti sa sariling Ama. Mawawalan kaya ng saysay ang pagmamahal na iniukol ni Alexa para kay Kaizer John? Paano niya matutuklasang pinuno pala ng mafia ang iniibig na lalaki, na nais patayin ng kanyang Ama para mabawi dito ang kapangyarihan sa hinahawakang grupo? Wala nga kaya itong nararamdamang pag-ibig sa kanya at ang tanging mananaig ay ang paghihiganti?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status