Lovelies
Sa murang edad, naranasan na ni Cheska kung gaano kahirap mamuhay, buhay na hindi dapat maranasan agad ng kabataan. Isang mahirap na buhay. Natutunan niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa upang magsikap para sa kanyang pag-aaral at para sa kanyang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagawa siyang ipahamak ng kanyang sariling ina. At dahil sa pangyayaring iyon, kinailangan niyang tumakas sa kanilang probinsya at pumunta sa siyudad upang makipagsapalaran.
At dahil doon...
Makakahanap siya ng mga taong tutulong sa kanya na muling bumangon.
Makakakilala siya ng lalaking magmamahal sa kanya ngunit sasaktan din siya.
At higit sa lahat ay mahahanap niya ang mga nawawalang piraso sa kanyang buhay.