A Secretary Affair
agustuhan ng tunay na may-ari nito. Kung buo ang loob mong mag-alay para sa kapayapaan, kung iyon ang tanging nakikita mong paraan para matapos ang lahat, magwawakas agad ang sumpa. Pero kung pipiliin mong lumaban at baguhin ang itinakda, babaguhin nito ang nilalaman nito-ngunit ang kapalit nito ay digmaang mas malaki at mas madugo pa kaysa sa naiisip mo. Ang mga pwersang nagbantay sa sumpang ito ay hindi papayag na baguhin ang nakasanayan. Ang tanging sigurado ko lang, ang desisyon ay nasa iyo na ngayon. Wala nang dikta ng ibang tao, wala nang nakatagong plano, wala nang itatagong katotohanan. Ikaw na ang may hawak ng iyong kapalaran at ng kapalaran nilang lahat. Anuman ang piliin mo, kaila