Beyond The Broken Marriage
“Anak, ang pagiging ina, hindi madaling desisyon. Pero hindi rin iyan basta-basta lang. Kung nararamdaman mong may pagmamahal siya sa batang dinadala niya, kahit hindi niya aminin, kahit galit pa siya sa ama, kahit sinasabi pa niyang ayaw niya—malamang gusto pa rin niyang ituloy ‘yon.”
“Pero paano kung hindi na maayos ‘yung buhay niya dahil sa batang ‘yon?” tanong ni Alyssa, mababa ang boses.
“Mahirap talaga,” tugon ng ina. “Pero tandaan mo, hindi mo kailangang ayusin agad ang buong buhay mo para magdesisyon. Minsan, sa bawat hakbang lang tayo tumitibay. Isa-isa. Paunti-unti. At sa bawat araw, may matutunan ka. Hanggang sa isang araw, makikita mo na lang, buo ka na.”
Hot Chapters