A Husband For Convenience
"Hanga naman ako sa pagiging risky mo. Hayaan mo, tiwala talaga akong makukuha mo 'yan. Ganiyang-ganiyan ako, eh. Nagdedesisyon base sa lakas ng instinct. Huwag kang mag-alala. Samahan mo lang palagi ng panalangin at ibibigay Niya ang nasa ng iyong puso."
Napangiti ako sa winika niya. Kahit kailan talaga, ang lakas mag-motivate ni Lei. Pagdating sa mga ganitong bagay, naiibsan niya ang mga pagkabalisa ko dahil sa mga words of wisdom niya at pagiging maka-Diyos. Sabagay, tama naman siya kung iisipin. Kung ano mang mangyari, ma-approve man o hindi, kung anong kalooban ng Diyos ay ipagpapasalamat ko pa rin.
Bab Populer