MY CHEATING HEART
Nginitian niya ang ina para kahit paano ay paglubagin ang loob nito, alam niya naman kasi na masakit para ditong makita siya na nagkakaganito.
"Please, 'My, unawain mo na lang ako," masuyong pakiusap niya. Niyakap niya ang ina at hinalikan sa noo nito. Sumubsob naman ang mommy niya sa kaniyang dibdib. Naramdaman niya ang pagyugyog ng balikat nito at ang pagkabasa ng damit niya. "I want my wife back, 'My, at kung ito ang paraan para makuha ko ulit si Amelie, gagawin ko. Please, 'wag kang umiyak, 'wag kang masaktan para sa akin because everything I've been suffering is worth it kapag nakasama ko na siya ulit."
Hot Chapters