Lahid
"Ang nangyari ay nangyari. Wala na tayong magagawa,"
Bago ang pagbasa sa sentencia ni Don Condrado, kinagabihan pagkatapos ang inquision, pinuntahan ni Julian ang tiyuhin niyang si Hen. Pedro de Pascua, ang alguacil mayor. Humingi siya ng tulong dito para kay Don Condrado ngunit nanindigan ang kanyang tiyuhin sa sinumpaang tungkulin nito na hindi kailanman tataliwas sa anumang nakikita niyang tama at nararapat. Sinabi pa nito na inilabas niya ang sarili sa kaso at hinayaan niyang ang unang inquisidor at ang unang juez ang magpasya sa magiging hatol upang hindi mabahiran ang takbo ng kaso ni Don Condrado. At iyon nga ang nangyari, kaparusahang kamatayan ang naging pasya ng mga ito.
인기 회차