Carrying my Brother-In-Law's Child (SPG)
"Hey. Ibaba mo na ako dito! Please, Logan. Kasal kana. May asawa ka na. Hayaan mo na lang din akong maging masaya sa buhay ko!"
Napatawa siya, pero malamig. "Masaya? Sa tingin mo masaya ka?" sarkastikong tanong nito pagkuwa'y mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan.
Sandali pang umikot ang paningin ko, kaya kinurap kurap ko ang mga mata ko. Umeepekto na yata ang dami ng alak na nainom ko.
Ilang sandali pa, huminto kami sa harap ng isang malaking bahay. Hindi ito ang bahay ni Scott. Mas malaki. Parang mansyon sa laki.