Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
bulong niya, at bago pa siya mawalan ng lakas ng loob, tuloy-tuloy na niyang sinabi, “I love you, Eros.”
Sandali siyang natahimik, pero tinuloy pa rin ang sasabihin.
“Mahal na kita. Matagal ko na sigurong nararamdaman ‘to, pero masyado akong natakot. Natakot akong umasa, natakot masaktan ulit. Pero ngayong gabi… pagkatapos ng lahat, hindi ko na kayang itago ‘to.”
Napakagat-labi si Veronica. Natatakot pa rin siya, pero alam niyang kailangan niya itong sabihin.