Married A Coward Liar, Loved By My Dad
"Heto po ang pagpipilian, Ma'am. May regular po, at mayroon ding sensitive na mas mabilis makadetect."
Pinagmasdan ni Lori ang bawat kahon na inabot sa kanya, binabasa ang maliliit na sulat sa pakete: early detection, high accuracy, fast results. Ang puso niya ay parang gustong kumawala sa dibdib niya.
"Alin po rito ang pinaka-accurate?" tanong niya.
"Kung gusto niyo po ng siguradong-sigurado, mas mare-recommend ko itong sensitive, Ma'am. Pero sa totoo lang, accurate naman silang lahat basta masunod lang ang instructions."