Kakaibang Init (SPG)
Kung may mali, siya na lang ang mag-aayos para tulungan ako.
“Teka, brother, magkano ang tip ko diyan?” biro niya. Kahit ang totoo ay malaki ang mapapakinabangan niya dahil alam niyang trending ang part one at part two ng short film namin. Masuwerte nga siya at siya lang ang libre na masasama sa part three. Ang iba kasi ay sponsor o nakipag-collaboration. Basta ba ay isama namin ni Ralia sa short film ang mga product na kunyari ay gagamitin namin, pagkatapos ay ayon na, kikita na kami. Approved na rin kay Ralia ang toothpaste, hair conditioner at lipstick na need naming bigyan ng exposure sa short film. Seconds lang iyon pero ang laki agad ng bayad nila. Ganoon naman kasi talaga ang labanan