Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Luna Rossa

Luna Rossa

Tan Jiro Alvez
Payapang namumuhay si Dea kasama ang kaniyang pamilya sa isang kagubatang malayo sa sentro ng Malefica-ang kaharian ng mga mangkukulam. Ilang taon na silang naninirahan dito upang makaiwas sa namumuong sigalot sa pagitan ng mga kauri niyang mangkukulam at bampira. Ngunit isang madaling araw, isang halimaw ang umatake sa kanilang tirahan at walang awang pinaslang nito ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae. Hindi pa nakuntento ang halimaw at ginawaran ng isang sumpa ang kaniyang bunsong kapatid. Naging isang mabangis na halimaw ang kaniyang kapatid at halos hindi na makilala pa dahil sa pagbabagong anyo nito. Sa araw ding iyon, nagtagpo ang landas ni Dea at ang reyna ng mga mangkukulam. Sinabi nito sa kaniyang isang bampira ang halimaw na lumusob sa kanilang tahanan at ang may kagagawan sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buong Malefica. Ang pangalan ng bampirang ito ay Trevor Hemlock. Namuo ang matinding galit sa puso ni Dea at nangakong ipaghihiganti ang sinapit ng kaniyang pamilya.
105.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Bogus Billionare

Bogus Billionare

Dahil pinagtaksilan ng kanyang fiance, napagpasyahan ni Caroline Evans na magpakasal sa iba ng biglaan. Tinatawanan siya ng lahat dahil sa kanyang desisyon na talikuran ang pagiging tagapagmana ng pamilya Morrison at sa halip ay pumili ng isang mahirap na binata. Pero ang hindi alam ng lahat, ang binatang iyon ay isa pala sa pinakamayamang tao sa sa buong mundo, at nasa bansa lang siya para mag invest sa pag unlad nito. Siya rin ang uncle ng kanyang dating fiance! Sobrang nasaktan si Caroline Evans dahil sa pakiramdam niyang niloko siya at dahil dun ay nagpumilit siyang makipag divorce. Pero kinorner siya ng kanyang asawa at puno ng lambing na sinabi, “Hindi ako ang bilyonaryong iyon. Nagpa-retoke lang yun para maging kamukha ko..” Tinitigan ni Caroline ang gwapong mukha nito at naniwala siya. “Anong sumpa ito na magkaroon ng mukhang kagaya ng isa sa pamilya Morrison!” Kinabukasan, nagulat ang buong mundo sa balitang itinakwil na sa pamilya ang tagapagmana ng pamilya Morrison at ni sinco ay wala ng natira rito. Sa kabilang banda, ang bagong kinoronahang top billionaire, ay nakasuot maskara para takpan ang kanyang kagwapuhan.
Romance
9.837.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Shotgun Marriage with the President’s Son

Shotgun Marriage with the President’s Son

Si Soleil Yna Ong, tagapagmana ng Ong Technologies Inc., ay nakaranas ng matinding pagtataksil nang lokohin siya ng nobyo niyang si Jared Joaquin habang siya’y nagbubuntis. Para sa pamilya niya, malaking kahihiyan at malas ang pagkakaroon ng anak nang walang asawa. Dahil dito, desperado siyang protektahan ang reputasyon ng pamilya at masiguro ang kanyang mana. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nila ni Lysander Alcantara, anak ng pangulo ng bansa at CEO ng Asiana Airlines. Matapos ang isang di-sinasadyang halik, diretsahan siyang nagtanong, “Now that you’ve kissed me, merry me.”  Pero agad siyang tinanggihan ni Lysander. Muling nagtagpo ang landas ng dalawa sa ika-60th birthday ng kanyang ama, kaya isang matapang na hakbang ang ginawa ni Soleil—ipinakilala niya si Lysander bilang kanyang fiancé, na labis na ikinagulat ng lahat. Dahil sa takot sa iskandalo, pumayag itong makipagkasal sa kanya—isang kasal na walang halong pag-ibig. Pero habang nagsasama sila at sa gitna ng kanilang pekeng kasal, mananatili ba silang malamig sa isa’t isa o may lugar pa kaya ang tunay na pag-ibig sa kanilang dalawa, dahilan para maputol ang sumpa?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Unexpected Marriage

Her Unexpected Marriage

Sabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi ang mga magulang niya na magkatotoo ang sumpa ng Lola niya na kapag umabot siya ng trenta at wala pa siyang asawa, tatanda raw siyang dalaga. Tumutol si Miles sa kasalang iyon lalo na ng malaman niyang si Zandy Saavedra ang lalaking ipakakasal sa kaniya. Ito lang naman ang lalaking naging parte ng masakit niyang nakaraan at naging dahilan kung bakit nagkahiwalay siya at ang ex-boyfriend niya. Pero dahil sa sa nangyari sa kaniyang ama, wala siyang naging ibang choose kung 'di pakasalanan ang lalaking iyon na inisip niyang isang bakla. Paano niya pakikisamahan ang katulad ni Zandy? May mabubuo bang pag-ibig sa pagsasama nila kahit sa tingin niya'y bakla ito at ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kaniyang ex-boyfriend? Handa ba siyang makipaglaro sa laro ng tadhana?
Romance
1061.4K viewsCompleted
Show Reviews (58)
Read
Add to library
Morianne Joy Tayamora
So far so good mr.A...First time ever na mgbasa ako ng romance novel na lalaki ang author.And ur doing great....I love the flow of da story,the emotions were there at mgnda ang pagkaedit.The character's attitude had been introduce slowly dat made me hooked and curious at da same time...Nice work...
xhhxchcj
I like the plot of the story. It was unique for me. Isa sa mga gusto ko sa kuwento ay ’yong linis ng narrations and this novel get me there. Sobrang linis din dialogue, walang sabaw na batuhan ng linya. Congratulations sa author nitong kuwento. keep it up the good work...
Read All Reviews
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
107.9K viewsOngoing
Read
Add to library
You and Me Again? (Tagalog)

You and Me Again? (Tagalog)

"I will not promise you a happy life once you agreed to this union." Isang Arranged Marriage ang kinasangkutan nila Lumiere Jane Ramirez at Drake Achyls Hernandez matapos ang kanilang Senior Highschool. Isa itong Promise of Union ng dalawang pamilya at sa kanila ito maisasakatuparan. Habang naghihimutok sa galit sa pagtutol si Drake ay kaiba naman kay Lumiere dahil ito ay matagal ng may gusto kay Drake. Akala niya isang fairytale, kapag naikasal ka sa taong matagal mo ng gusto pero mas lalong naging cold, indifferent at malupit sa kaniya ang lalaki to the point he handed her a divorce. Namatay ang lolo ni Lumiere at sinisi niya ang lahat kay Drake. Nais na niyang iwan ito at hindi na magpakita pero nagkita sila sa isang bar. Nakita ni Drake na nakikipagsayaw sa iba ang kaniyang asawa. Sa unang pagkakataon ay inuwi siya nito sa condo para komprontahin. Dahil sa kalasingan ay nauwi ang lahat sa isang mainit na gabi. Kinabukasan ay nakita ni Lumiere ang divorce agreement at pinirmahan niya ito dahil hindi naman niya kayang pilitin ang lalaking mahalin siya. At ang nangyari kagabi ay dahil lang sa kalasingan. It was just a s*x. Umalis si Lumiere at hindi na muli pang nakipagkita kay Drake. After 5 long years, nagkita silang muli ngunit siya ay nobya na ng kaniyang pinsan na si Orphen. Lalo siyang nagalit ng malaman niyang may anak na ang mga ito. Pinilit niyang bawiin si Lumiere at nagsimula ang bawat dagok sa kanilang buhay. Isa bang sumpa ang Promise of Union o kailangan lang nilang mapatunayan na para talaga sila sa isat-isa.
Romance
9.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract with the Young Master

Contract with the Young Master

Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; and in order to survive, build a strong wall and don't let your heart fall. __ Arissa Paige is the bread winner in the family. S'ya na lang kasi ang inaasahan ng dalawang nakababatang kapatid. Their parents died in a car accident 3 years ago, kaya naman napikitan si Arissa na pagsabayin ang pag-aaral ng kolehiyo pati na ang pagtatrabaho. Halos gawin na nga n'ya na araw ang gabi, kumita lang ng perang ipangtutustos sa kanilang pag-aaral at pangangailangan sa araw-araw. Ngunit dahil sa kakarampot na kinikita ay kinailangan pa n'yang maghanap ng ibang mapagkakakitaan, may ipandagdag lang sa kanilang gastusin sa bahay at paaralan. Hanggang sa... Isang site sa internet ang inirekomenda ng katrabaho, na naghahanap ng bagong sekretarya ang isang mayamang negosyante. Dahil sa malaking sahod, hindi nagdalawang isip si Arissa na mag apply sa nasabing job fair. At parang isang malaking milagro ang nangyari, dahil sa isandaang libong aplikante, si Arissa lang ang bukod tanging nakapasa. But what if sa pagpasok ni Arissa sa kontratang tinanggap, matuklasan din n'ya ang tunay na katauhan ng pamilyang kanyang pagtatrabahuhan. Handa kaya s'ya sa misteryo na matutuklasan? Magawa kaya n'yang makatagal sa puder ng masungit na Young Master? O, ito pa lang ang simula ng bagong dagok sa buhay ni Arissa? Dahil sa pagpirma pa lang n'ya sa kontrata, binigyan na rin n'ya ng pagkakataon ang puso na labagin ang ipinagbabawal na utos. At iyon ay huwag mahulog sa kanyang boss... ... na isa palang bampira? Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil isang sumpa ng katauhan ng nakaraan ang pilit na humahadlang sa kasalukuyan. Kanila ba itong malalampasan? O isang disesyon ang tatapos sa kontratang nasimulan? ___ HANDA KA NA BANG MAGPAKAGAT?
Fantasy
107.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status