Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]

THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]

AKHIRAH MIAMOR
Pinaghiwalay sa masakit na paraan ang magkababatang si Marcus at Jessie. Ngunit sa kanilang paglaki ay muling pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang pusong nangungulila sa isa't-isa. Makikilala pa kaya ni Marcus si Jessie kung iba na ang katauhan nito at ang alam ng binata ay patay na ito?
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Warming the bed of my ex-boss’s Rival

Warming the bed of my ex-boss’s Rival

Si Winona Perez ay kilala sa social circle bilang katulong ng pamilya Mendoza, siya ang yaya ni Clifford Mendoza. Hindi lamang siya sekretarya nito kundi pati na rin alalay rin. Siya ay laging nasa tabi ni Clifford mula ng mga bata pa sila, inaasikaso ang lahat ng bagay para sa binata. Later on, dahil sa isang pangyayari ay nagtalo ang dalawa at madiing sinabi ni Clifford ang ilang kataga. "You're just a lowly servant, get out, tinatanggal na kita." At talaga ngang umalis si Winona, pero ang akala ni Clifford ay hindi ito makakatiis at magmamakaawang pabalikin siya sa kumpanya. Pero ng magkita sila ulit, nasaksihan ni Clifford si Winona na may kahalikan at ang mas nagpapuyos sa galit ng binata ay ang kahalikan nito—Si Xavier Uno Zalvariano, ang matagal na niyang karibal sa lahat ng bagay simula ng highschool pa sila. "Winona, Come back to me, please come back to my side" pagmamakaawa ni Clifford, lumuhod pa ito sa harap ng dalaga. Ngunit, agad na hinapit ni Xavier ang bewang ng dalaga at hinatak ito papalapit sa kanya. Pinapakita sa binata ang pagiging possesive nito at pagmamarka ng pag aari niya. "Clifford Mendoza, kahit kailan ay hindi na babalik sa impyenong tabi mo ang babaeng mahal ko" Akala ng lahat ay parausan at laruan lamang ni Xavier Uno Zalvariano si Winona, Iniisip na iiwan rin ito ng binata kinalaunan. Not until may isang video ang nag viral sa buong social media na nagpayanig sa buong Pilipinas. Ang respetado, stricto at malamig na tagapagmana ng Zalvariano Group pf Companies ay dahan dahang inaamo at nilalambing ang isang maliit na babae na nasa kandungan nito. "Darling, be a good girl. Stop biting me.." pag uutos nito ngunit hindi nakinig ang dalaga.
Romance
52 viewsOngoing
Read
Add to library
My Forever Love

My Forever Love

Dugong_Bughaw
Sa murang edad ni Clariza ay natutunan nyang umibig. Subalit ang una niyang pag-big ay hindi katulad ng pangkaraniwan sapagkat hindi niya nakita si Joseph. Sa pamamagitan lamang ng text sila nag-usap at sa ganoong paraan niya ito minahal. Nagpakilala si Joseph kay Clariza bilang pump attendant ng isang gasoline station. Lingid sa kaalaman ng dalaga na nag-iisang tagapagmana ang binata ng pamilya Villa Fuente at Monreal. Itinago ng binata ang kanyang estado sa buhay upang sukatin ang pag-ibig sa kanya ng dalaga. Naging tapat naman ang pag-iibigan nila pero isang araw ay nagbago iyong lahat. Dahil sa isang mabigat na dahilan ay nakipaghiwalay si Joseph kay Clariza. Labis na ikinadurog ng puso ng dalaga ang biglaang pakikipaghiwalay sa kanya ni Joseph. Mula noon ay nangako si Clariza sa sarili niya na hindi na siya iibig pang muli. Mabilis na lumipas ang sampung taon. Lingid sa kaalaman ni Clariza ay matagal na siyang nagtatrabaho sa lalaking nanakit sa kanya. Si Engr. Joseph Kristian Monreal Villa Fuente. Isang kilalang inhinyero at isang multi-billionaire. Tatlong taon siyang hindi umuwi sa Pilipinas dahil sa kagagawan ni Venus, ang babaeng sumira ng maganda nilang relasyon ni Clariz. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay dumeretso siya sa resort na pag-aari niya. Nakilala niya nang personal ang supervisor na laging ipinagmamalaki sa kanya ng kanyang assistant. Sa unang pagtatama ng paningin nila Joseph at Clariza at sa simpleng ngiti ng dalaga ay agad na nahumaling ang binata. Dala ng kuryusidad ay natuklasan ng binata na ang babaeng napupusuhan niya ay siya rin ang babaeng iniwan at sinaktan niya sampung taon na ang nakalipas. Pano makukuhang muli ni Joseph ang puso ni Clariza? May pangalawang pagkakataon pa ba ang kanilang magmamahalan gayong hindi na handang muling umibig ang dalaga?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Beauty Hates the Beast

Beauty Hates the Beast

IamGorgeousBlack
Matigas ang ulo, matalas ang dila, at spoiled brat. Ganyan si Leticia Traviesco, isang anak ng gobernador. Lumaki siyang may ginintuang kutsara sa bibig. Ngunit nakukuha man ang lahat ng gusto, may isang bagay ang kulang sa kanya—ang kalayaan niya. Kahit saan magpunta ay palaging may nakasunod sa kanyang bodyguard. Kaya madalas, tinatakasan niya ang mga ‘yon kahit na gaano pa katindi ang pagbabantay ng mga ito sa kanya. Pero makakahanap ng katapat si Leticia nang mag-hire ng bagong bodyguard ang ama niya, si Kane Cueves. Sa una pa lang ay badtrip na si Leticia sa binata dahil sa pangyayari nang una silang magkatagpo. Idagdag pang tila daig ng binata ang GPS. Kahit saan siya magpunta ay natutunton siya nito. At ang malala, dahil sa isang pangyayari ay tuluyang maglalaho ang kalayaang inaasam-asam ni Leticia. Sa isang iglap, natagpuan na lang niya ang sariling nakakulong sa bisig ni Kane. And the worst is, he has no plans to let her go. Paano na lang siya makakalaya mula sa isang Kane Cueves?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
I NEED YOU

I NEED YOU

Masarap mahalin ang taong iniidolo mo. Pero hindi akalain ni Jesabell na iyon din ang magdudulot ng pait at lungkot sa kaniyang puso. Umasa siya na higit pa sa alam niyang pagmamahal ang makuha mula kay Tyler, na siyang umaaruga sa kaniya mula nang mamatay ang mga magulang niya. Gusto lang naman niyang mahalin siya ng binata, tulad ng pagmamahal niya rito. Pero hindi nangyari ang inaasam dahil dumating ang tunay na hero sa buhay ni Tyler. Ano ang laban niya sa babaeng ginagaya ang pagkatao niya at mas magaling umakting? Ang sakit at gusto nang palayain ni Jesabell ang sarili mula sa pantasyang binuo sa puso't isipan. Ngunit paano niya takasan ang buhay na mayroon siya ngayon kung ayaw siyang pakawalan ng binata? Habambuhay na lang ba siyang masaktan, at hayaang maging talunan sa mata ng mga taong nagpapanggap upang agawin ang mayroon siya? O ibigay ang gusto ng mga ito at hayaang maging masama ang pagkatao upang makaganti?
Romance
1093.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Wife For Sale

Wife For Sale

Blazingfire
Si Tyronia Gonzales ay anak sa labas ng kanyang ama. Namatay ang ina niya dahil sa panganganak sa kanya kaya naman sa bahay ng ama niya siya nakatira, at lumaki. Kahit pa mayaman ang ama niya ay kahit kailan ay hindi siya naging buhay prinsesa dahil galit sa kanya ang asawa ng ama niya. Walang araw na sinasabi nito na anak lang siya sa labas, at malandi ang ina niya kahit hindi naman totoo. Isang araw dahil nalulugi na ang kompanya ng ama niya ay nakaisip ng paraan ang asawa nito. Nabalitaan nito na naghahanap ng mapapangasawa si Grey Del Rosario. Bibili ito ng mapapangasawa dahil walang gustong magpakasal dito dahil sa sunog nitong itsura. Binenta si Tyronia ng asawa ng ama niya, at wala siyang nagawa. Naging madali din naman kay Tyronia na mahalin ang binata lalo na't mabait ito sa kanya, at binibigay ang lahat ng gusto niya. Pero natatakot siya na baka magbago ang pakikitungo ng binata sa kanya kapag nalaman nitong isa lang siyang bastardo. Pero ang mas malaking tanong ay handa ba siyang makita ang mukha ng asawa na nakatago sa maskara? Handa kaya niya itong tanggapin kapag nalaman niya ang malaki nitong lihim sa kanya?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Party A Is In Love!

Party A Is In Love!

mooncake_o07
Simple lang ang pangarap ni Lalaine Madrigal at yun ay ang magkaron ng maayos na trabaho na may mataas na salary para maipagamot ang kanyang ina na may malubhang karamdaman hanggang sa makilala niya ang aroganteng si Juaquin Cristobal ang CEO ng pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas. Siya na kaya ang sagot sa pangarap ni Lalaine? At ano kaya ang gagampanan ng binata sa buhay ng dalaga?
Romance
2.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Taming The Arrogant Boss (SPG)

Taming The Arrogant Boss (SPG)

Isang alipin ang turing kay Bea ng kaniyang tiyahin at pinsan. Ang sinasahod niya sa pinapasukan niyang karinderya ay sa kanila lang napupunta. Hindi na niya kinaya pa ang pang-aalipin ng mga ito sa kanya kaya humanap siya ng trabaho at natanggap siya bilang isang caregiver ng isang aroganteng binata. Magagawa niya kayang habaan ang pasensya niya sa binatang ito na magiging sakit ng kanyang ulo? Paano kung malaman niyang sinasadyang inisin siya ng binata para makuha ang kanyang loob?
Romance
3.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Especially For You

Especially For You

Nakilala ni Angela Bautista ang dalagang mahilig sa pocketbook na si Heart Del Rio. Bitbit nito ang mga libro nito nang lumapit ito sa kaniya at binago ang takbo ng kaniyang mundo. Simula noon ay naging anino na niya ang dalaga. Naging maayos naman ang pagkakaibigan nila, ang kaso, pumasok sa eksena ang walang modo nitong kapatid na si Brian Del Rio. Inutusan siya ni Brian na layuan niya ang kapatid nito sa hindi niya maintindihan na dahilan. Kahit labag sa kaniyang loob ay sinunod niya ang binata at doon nagsimula ang kalbaryo ng buhay niya. Naging mas makulit pa si Heart at panay padala ito sa kaniya ng kung ano-ano na naging dahilan bakit na-chismis sila sa campus. Brian Del Rio to the rescue. Nagpanggap ang binata na ito ang nanliligaw sa kaniya para lang matabunan ang issue nila ng kapatid nito. Isang pagpapanggap na hindi dapat siya sumang-ayon. Maraming binitawan ang binata na mga pangako sa kaniya, but promises are meant to be broken. Hindi natupad dahil bigla na lang itong nawala at hindi na muling nagpakita pa sa kaniya. Dapat pa ba siyang maghintay? O dapat na siyang mag-move on dahil pagpapanggap lang talaga ang lahat?
Romance
298 viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitter's Hot Deal with the Jerk

Babysitter's Hot Deal with the Jerk

Inosente. Birhen. Santo. Ilan lamang iyan sa mga katangiang mayroon si Coreen kaya naman madalas siyang pagkaisahan ng mga tao sa paligid niya. Nang pagbintangang kabit ng kaniyang amo ay walang-awang pinatalsik sa trabaho at laglag ang balikat at nakayukong lulugo-lugong naglakad sa kalsada. Dahil sa tadhana ay natanggap siya sa isang bagong trabahong hindi niya inakalang papasukan; ang maging maid ng isang arogante, barumbado, bastos at masungit na si Royce Sullivan dahil na rin sa pangakong malaking sahod. Isang misteryosong lalaki na ayaw ng human contact at literal na nagtayo ng isang malaking salamin sa pagitan nilang dalawa. Ngunit bakit nga naman hindi lalaki ang sahod kung sa unang araw pa lamang ay halos humiwalay na ang kaluluwa niya sa inis sa binata? Idagdag pa na sinamantala ni Royce ang kaniyang kahinaan at inalok siya ng isang deal para mabayaran ang operasyon ng kaniyang kapatid. Pero paano kung madarang siya? Paano kung magustuhan niya ang ginagawa? Paano kung... maging pangahas siyang hawakan ang binata at tawirin ang espasyo na naghihiwalay sa kanila? Ang kaniyang ka-inosentehan kapalit ng malaking halagang hindi niya matatanggihan. Puri, dangal at yamang itinataglay ay iaalay ba sa lalaking ni hindi siya man lamang magawang hawakan nang hindi nakasuot ng gwantes?
Romance
107.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status