The Supreme (TAGALOG VERSION)
Sa paligid nito'y makapal ang mga halamang ginto't berde, at ang mga dahon ay tila mga salaming kumikinang sa bawat ihip ng hangin.
Sa paanan ng hagdan ng palasyo, nakatayo na ang Reyna ng Alnea, si Reyna Vanessa. May dugong diwata at ninuno mula sa mga diyos, ang kaniyang ganda ay kapantay ng liwanag ng buwan. Kasama niya ang kaniyang tatlong anak na dalaga na sina Prinsesa Narra na likas na matatag at seryoso, si Prinsesa Suke na masayahin at may makulay na personalidat, at ang bunsong si Prinsesa Ayara na mailap sa madla ngunit taglay ang mata ng isang tagapagsiyasat at nagtataglay ng pambihirang katalinuhan.
인기 회차