Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
KUNG AKO AY IIBIGIN MO

KUNG AKO AY IIBIGIN MO

Dalagita pa lamang ang maganda at matalinong si Helena Montenegro nang maulila siya sa mga magulang. Ganoon pa man, hindi siya pinabayaan ng abuela niya na si Doña Amanda. Itinaguyod siya nito ng buong pagmamahal. Itinuro nito sa kan'ya ang lahat ng aspeto sa buhay kaya naman naging matagumpay si Helena sa halos lahat ng larangan. Isa lang ang hindi niya nagawang pagtagumpayan. Ang usapin ng kan'yang puso, na nalinlang ng lalaking pinagtiwalaan niya. Iniwan siya nitong nagdadalangtao. Pero hindi papayag si Helena na malugmok siya sa kabiguan lalo at magiging dahilan iyon ng kamatayan ng lola niya. Humanap siya ng lalaking mananagot sa kalagayan niya. Kahit bayaran niya ito ng malaking halaga. At iyon ay si Markus Angeles. Isa sa kan'yang ordinaryong empleyado lamang. Si Markus na tinanggap ang alok ni Helena hindi dahil nasilaw siya sa kaginhawahang inalok nito kun'di dahil sa dahilang matagal niya nang minamahal ang babaeng amo. Nagsama sila sa iisang bubong. Hanggang isang araw, natuklasan ni Helena na umiibig na rin pala siya kay Markus lalo at natuklasan niya na hindi siya nagkamali ng pagpili rito. Ngunit hindi nila iyon mabibigyan ng katuparan. May bumalik at dumating na hadlang. Pilit na hahadlang sa kaligayahan nila ang unang pag-ibig ni Helena. At may nakahanda ring sumilo sa puso ni Markus. Sa huli, mananaig ang pag-ibig nila sa bawat isa. At iyon ang magsisilbi nilang kalasag laban sa mga hadlang na pilit pinaglalayo ang kanilang mga puso.
107.7K viewsCompletedAdded to Library 199 Times as the ring cycle
Read
+Library
ONE NIGHT STAND WITH MY SISTER FIANCE

ONE NIGHT STAND WITH MY SISTER FIANCE

Grace Fiona Caliz was born into wealth but lived in a nightmare. May malaki siyang peklat sa left face. She have buised by the cruelty of her stepmother and stepsister, she was a prisoner in her own home. When her father fell into a coma, the abuse turned deadly. Shot and thrown off a bridge by Hailey and her mother Teresa, Grace was left for dead. But Grace didn't die. Rescued and reborn as the stunning, flawless Sidney Galix, she returns with a cold heart and mission to take back everything that was stolen. Her first move? Infiltrating Hailey life as her personal bodyguard. Her second? Seducing Kalix Cross Desmond, the man Hailey is set to marry to save the company of Grace father. Ngunit hindi lang basta paghihiganti ang pakay nya. She’s playing a dangerous game where one wrong move could cost her everything. Habang dumadaan ang mga araw bilang bodyguard ni Hailey, unti-unting nabubura ang linya sa pagitan ng kanyang disguise at ng kanyang tunay na nararamdaman. She was supposed to be a heartless and cold Pero sa bawat titig at bawat pagkakataon na kailangan niyang lumapit kay Kalix Cross Desmond, unti unting natutunaw ang yelo sa kanyang puso. Kalix is a man who gets what he wants, and right now, his eyes are fixed on the mysterious woman guarding his fiancee. Grace knows she should stay focused on her mission. Kailangan niyang bawiin ang dangal ng kanyang ama at sirain ang mga taong kumuha nito. Pero paano kung ang lalaking dapat niyang gamitin bilang sandata ang siya ring nagiging kahinaan niya?. Sa gitna ng paghihiganti, Grace finds herself trapped in a web of her own making. Will she choose the justice she’s craved for years, or the love that threatens to burn her world down?"
96 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as the ring cycle
Read
+Library
Falling Twice for My Billionaire Boss

Falling Twice for My Billionaire Boss

Kaella Ponce has always been the sales manager everyone relies on—palaging on time, mahusay sa numbers, at hindi basta-basta natitinag. Sa mundo ng Roque Corporation kung saan bawat deal ay critical, she’s the woman who keeps the department running smoothly. Kaya nang ma-assign sa kanya ang isang tila clueless na trainee, she’s ready to roll her eyes and move on. Pero hindi ordinaryong newbie si Jerome. Sa likod ng kanyang simpleng trainee facade, siya pala ang Jerome Roque, ang tanging tagapagmana ng snack empire na pinagtatrabahuhan nila. Sa utos ng kanyang ama, nagkunwari siyang baguhan para maintindihan ang kumpanya at makita kung sino ang tunay na loyal. Nang kailangan niyang biglang umalis dahil sa family business crisis abroad, hindi na niya naipaliwanag ang buong katotohanan. Naiwan si Kaella—brokenhearted at feeling betrayed—at nangakong hindi na muling magpapaloko. Pagkalipas ng ilang taon, matagumpay at kilala na sa industriya si Kaella—mas strong, mas guarded, pero may mga sugat pa ring hindi tuluyang naghilom. Sa isang malaking business conference, nakasalubong niya ulit ang isang ngiti na matagal na niyang gustong kalimutan. Si Jerome Roque, ngayon ay isang charismatic CEO, bumalik para patunayan na hindi nagbago ang feelings niya. Muling nagbabalik ang kilig, ang sakit, at ang mga alaala. Pero handa pa bang buksan ni Kaella ang puso niya? Kaya ba niyang muling mahulog—this time sa billionaire boss na minsan na siyang iniwan? O hahayaan niyang manatili ang distansya sa pagitan nila kahit na malinaw na may spark pa rin?
10807 viewsOngoingAdded to Library 22 Times as the ring cycle
Read
+Library
LOVE RETURNS WHEN SEPARATED

LOVE RETURNS WHEN SEPARATED

Sa loob ng tatlong taong pagsasama ay tunay na pagmamahal ang ipinaramdam ni Agatha Dela Cruz-Ibañez sa asawa niyang si Daniel Ibañez. They were childhood friends kaya nang sinabi ng mga magulang nila na sila ay magpapakasal ay hindi siya tumutol doon. Bagkus ay tinanggap niya iyon ng buong puso dahil umaasa siya na mamahalin din siya ng kaniyang kaibigan. Nawasak ang ilusyon niya nang direktang sinabi sa kaniya ni Daniel na wala siyang maaasahan dahil may iba nang nagmamay-ari sa puso nito. Ang mas masakit ay gagamitin ni Daniel ang arranged marriage nila upang pagselosin ang first love nito. Agatha tried everything to make him fall for her. She became the best housewife for him by giving up her booming career. She stayed by his side kahit na ilang beses pa siya nitong ipagtabuyan. “Hinding-hindi ako papayag na magkaanak tayong dalawa. You are free to choose kung anong uri ng abort10n ang gagawin mo. Ang mahalaga lang sa akin ay hindi iyan mabubuhay upang tawagin akong ama,” iyon ang katagang binitawan ni Daniel noong nalaman nito na sinabi niya na siya ay buntis. Labis na nasaktan si Agatha sa sinabi ni Daniel. Sapat na iyon para tuluyan niyang bitawan ang kasal na siya lang ang may gusto. Isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sa asawa, “Kung ayaw mo sa bata ay wala na akong magagawa. Tapos na ako sa responsibilidad ko sa iyo bilang iyong asawa,” sabi niya bago pa man niya hinubad ang wedding ring na matagal din niyang iningatan.
231 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as the ring cycle
Read
+Library
ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)

ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)

Narnia Melpomene Alvarez—ang tinaguriang "rebelde" na kakambal ni Urania, ayon sa kaniyang tiyuhin na si Luis Grimaldi. Buong buhay niya, iisa lang ang kanyang layunin: ang makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang, anuman ang kapalit. Sa murang edad pa lamang, buo na ang kanyang loob na ipaglaban ito, kahit sariling buhay ang isugal, lalo na para sa natitira niyang pamilya—ang kakambal niyang si Urania. Kaya’t hindi na nakapagtataka nang sumali siya sa isang lihim na grupo na konektado sa underground society. Alam niyang delikado ito, pero iyon ang tanging paraan para maabot ang matagal niyang pinapangarap. Ngunit isang gabi ang nagbago ng lahat—isang gabing ginulo ng hindi inaasahang estranghero. Ang pagtulong niya kay Zuhair Eros Smith ay tila isang maling hakbang na hinding-hindi niya makakalimutan. Bigla na lang napasok si Eros sa buhay niya—isang lalaking misteryoso, mapang-asar, at puno ng mga lihim. Wala sa plano ni Narnia ang pagbukas ng kanyang puso para sa sinuman, lalo pa’t hindi niya lubos kilala ang lalaking tila may koneksyon sa kanyang madilim na nakaraan. Hanggang saan ang kaya niyang isugal para sa pangako niya sa kanyang pamilya? Paano kung ang taong nagbubukas ng pintuan sa pagmamahal ay isa ring susi sa kasinungalingan? At paano kung ang laban para sa hustisya ay makasira sa pag-ibig na unti-unting namumuo? Ngayong nagbabanggaan ang kanyang puso at prinsipyo, kailangan niyang pumili: ipaglaban ang nakaraan o tanggapin ang pagmamahal na dala ng lalaking hindi niya sigurado kung kaibigan o kalaban.
103.4K viewsCompletedAdded to Library 137 Times as the ring cycle
Read
+Library
The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

The Disguised Heiress: Dumped by Her Ex, Married to a Secret Billionaire

Sa loob ng tatlong taon, namuhay si Clarissa Montefalco sa ilalim ng anino ng kasinungalingan—isang simpleng babae sa paningin ng lahat, ngunit sa likod ng tahimik na anyo ay ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking business empires sa bansa. Minahal niya si Joaquin nang totoo, kahit pa hindi nito alam ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit sa pagbabalik ng babaeng mahal ni Joaquin, iniwan siya nito nang walang pasabi—pinahiya, sinaktan, at sinabihang siya pa ang pilit na humahabol. Hindi alam ni Joaquin na ang babaeng tinapakan niya ay may kapangyarihang baguhin ang buhay ng kahit sinong lalaki… kabilang na siya. Sa muling pag-uwi ni Clarissa sa Maynila upang pamunuan ang kompanyang iiwan ng kanyang ina, hindi niya inaasahang makikilala niya si Luis Antonio Dela Cruz—ang pinsan ng kanyang matalik na kaibigan, at isang lalaking may sarili ring itinatagong yaman at lihim. Sa gitna ng sakit, isang gabing puno ng alak ang nagtulak kay Clarissa sa piling ni Luis. At sa isang hindi inaasahang kasunduan upang makaiwas sa mga piling asawa ng kanilang mga magulang, lihim silang nagpakasal. Ngayon, si Clarissa Montefalco ay hindi lamang isang tagapagmanang hindi kinikilala—isa na rin siyang asawa ng isang secret billionaire. At si Luis? Isang lalaking dumarating sa mga panahong hindi niya inaasahan, dala ang pag-ibig na kailanman ay hindi naibigay ni Joaquin. Ngunit handa ba si Clarissa na magmahal muli, o mananatili siyang bihag ng sakit ng nakaraan?
1025.2K viewsCompletedAdded to Library 630 Times as the ring cycle
Read
+Library
White Lies: Bud Brothers Series 2

White Lies: Bud Brothers Series 2

Warning: Mature content. Read at your own risk!!! -------------------- Joyce Jillian Montecellio is a hard working woman. Simula nang iwan sila ng kanyang ama ay natuto s'yang tumayo sa sarili n'yang mga paa. Lahat ng oportunidad na dumating sa buhay n'ya ay kaagad n'yang sinusungaban. Hanggang sa isang araw ay natagpuan n'ya ang isang lalaking estranghero sa gilid ng sapa na pinaglalabhan nila na puno ng sugat at walang malay na si Jeff Marco Del Carpio. A happy-go-lucky guy and turn to be an adventurer. Simula ng lukuhin s'ya ng babaing pinakamamahal niya't nakatakdang pakasalan ay nahilig s'ya sa pagka-camping. He started to hide his identity and live in a simple lowkey life. Sa paglipas ng mga araw na nakakasama ni Jillian ito ay unti-unting rin nahuhulog ang loob n'ya sa binata. Kinalimutan n'ya ang sumpang hinding-hindi iibig kanino man. Kung kailan naibigay n'ya na ang buong tiwala at sarili n'ya dito saka n'ya naman natuklasan ang buong pagkatao nito. Paano n'ya haharapin ang bukas ngayon kung sa araw ng pag-alis nito ay kasama ang puso n'ya? At paano kung ang gabing nakalimot sila ay nagbunga? Hanggang sa makalipas ang apat na taon ay muling nagkrus ang landas nila mismo sa building ng opisina nito. Ano ang gagawin n'ya kung inakala n'yang may mahal na pala itong iba? At paano kung ang nag-iisang taong hinuhugutan n'ya ng lakas ay ninakaw nito sa kanya? Mapapatawad n'ya ba ito or patuloy n'ya pa ring mamahalin?
105.5K viewsCompletedAdded to Library 193 Times as the ring cycle
Read
+Library
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"

Demon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lumuhod sa kanyang harapan makuha lamang ang kanyang atensyon at pagmamahal. Subalit lahat sila ay nabigo sapagkat hindi pa ipinanganak ang babaeng kayang tunawin ang nagyeyelong puso ni Allaric Dela Vega, ang pinakatanyag, mayaman at maimpluwensyang tao sa buong mundo. Ngunit nagbago ang lahat ng ibinenta sa kanya ni Mayor Enrique ang bunsong anak nito na babae, bilang kabayaran sa sampung milyong dolyar na halaga ng pagkakautang nito sa kanya. Walang balak si Allaric na bilhin ang anak ng alkalde, ngunit ginawa niya pa rin dahil hinamon siya ng kalupitan ng ugali ng dalaga. Siya lang ang tanging babae na hindi natatakot mamatay sa harapan niya; kahit pa tinagurian siyang, Adonis the greek god, sa kagwapuhan, wala pa ring epekto ito sa dalaga. "Kahit pilitin mo man akong magpakasal sayo, katawan ko lang ang makukuha mo, ngunit hindi ang puso ko." - Jayna "Hindi mo makuha ang kalayaan na gusto mo, dahil mamamatay akong nakakukong ka parin dito sa puso ko."- Allaric May mabubuo pa kayang pagmamahal sa kanilang dalawa gayung wala silang ibang ginawa kundi ang saktan ang isa't-isa? Magagawa kayang palayain ni Allaric si Jayna, kung ang gusto lang nito ay makalaya sa kanya at bumalik sa lalaking nagmamay-ari ng puso niya? What fate awaits the mafia king in his battle for love?
1019.6K viewsCompletedAdded to Library 784 Times as the ring cycle
Read
+Library
The Mafia King Obsession

The Mafia King Obsession

Alessandra “Aly” Reyes lives for freedom. Party nights, loud music, endless drinks, and reckless adventures with her friends iyon ang mundo niya. Hindi siya naniniwala sa seryosong commitment. Para sa kanya, ang buhay ay para i-enjoy habang bata pa. Until one reckless night changes everything. Isang exclusive pool party ang inattendan nila ng barkada niya isang party na puno ng mayayaman, celebrities, at mga taong hindi basta-basta naaabot ng ordinaryong tao. Ayaw niyang maging killjoy kaya tinanggap niya lahat ng challenges. Shots after shots. Dares. Wild dancing. Until everything went black. At paggising niya… She finds herself inside a luxurious penthouse suite, wearing a diamond wedding ring. Kasama ang lalaking kinatatakutan ng buong siyudad. Damon Mondragon. A billionaire. A mafia king. A man powerful enough to make politicians kneel and criminals disappear overnight. At higit sa lahat… Her husband. Hindi maalala ni Aly kung paano nangyari ang kasal. Kung bakit may pirma siya sa marriage contract. O bakit nanginginig sa takot ang pamilya niya nang makita ang apelyidong “Mondragon” sa marriage certificate. Dahil kilala ng lahat si Damon Mondragon. At alam ng buong mundo na walang sinumang basta nakakatakas sa kanya. Pero isang bagay ang malinaw Hindi aksidente ang lahat. At si Damon Mondragon ay hindi isang lalaking nagkakamali. Cold. Possessive. Dangerous. Simula nang makita siya nito sa party, may nabuo nang obsession sa isip ng mafia king. At ngayong kasal na sila, wala na siyang balak pakawalan pa si Aly. Gusto man niyang tumakas… Paano ka tatakas sa lalaking kayang kontrolin ang buong mundo? Lalo na kung habang tumatagal… Unti-unti ka ring nahuhulog sa lalaking dapat niyang katakutan.
10480 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as the ring cycle
Read
+Library
My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

Eyah
Hindi akalain ni Serena na ang simpleng pagtanggi niya na sapilitang maikasal sa kuya ng kanyang best friend ang magiging daan pala para maungkat ang isang rebelasyon tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ang naging simula ng isang napakalaking pagbabago sa buhay niya. Mula sa pagiging tagapagmana ng mga Choi ay natagpuan niya na lang ang sarili niya na nasa isang napakahirap na kalagayan. Mula sa naglalakihan at mga bonggang runway platform na nilalakaran niya suot ang iba't-ibang designer items ay naroon siya ngayon sa isang maliit na entabladong nasa gitna ng madilim na club— sumasayaw ng malaswang sayaw habang suot ang maliliit na piraso ng tela na kaunti na lang ay maglalantad na sa kaluluwa niya. Mula sa tingin ng paghanga at sigaw ng admirasyon mula sa mga umiidolo sa kanya ay nauwi siya sa pagsalo ng mga malalagkit na tingin at mahahalay na salita mula sa mga lalaking hindi niya kilala na pawang mga hayok sa laman. Ang magandang katawan na dati niyang iniingat-ingatan, ngayon ay naging parausan na lang ng kung sino man ang may kakayahang magluwal ng pinakamalaking halaga para sa isang gabing impiyerno sa loob ng VIP room ng club. Paanong ang simpleng paghahangad ng kabutihan niya para sa sarili ay naging sanhi ng pagbaliktad ng mundo niya at pagkawala sa kanya ng mga taong mahalaga sa buhay niya? Ngunit sa kabila ng hirap at walang katiyakan ay pinili niya pa ring mabuhay. Kahit alang-alang na lang sa isisilang niyang anak sa lalaking nakasama niya sa isang gabing impiyerno na iyon. Sa lalaking hindi niya man lang nakikilala...
101.6K viewsOngoingAdded to Library 32 Times as the ring cycle
Read
+Library
PREV
1
...
2122232425
...
27
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status