Forbidden Affair BOOK 1 (TAGALOG)
Ayoko nang makasira pa ulit, lalo na't kung pamilya na ang masisira ko kung sakali.
"K-Keish," basag niya sa katahimikan at tinitigan ako, bakas sa mga mata niya ang sari-saring emosyong hindi ko mapangalanan. "A-alam kong hindi ka makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon. A-alam kong nagtataka ka at marami nang tanong ang gumugulo sa isip mo ngayon. K-kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay ko, ang dami ko ring tanong na alam kong ako lang din ang makakasagot. Pero-" hinawakan niya ang kamay ko habang hindi pa rin maalis ang titig niya sa akin. "Keish, natatakot ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaso nandito na ito, eh. At hindi ko alam kung kakayanin ko ito mag