Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
CARRYING THE COLD BILLIONAIRE'S TWINS

CARRYING THE COLD BILLIONAIRE'S TWINS

Walang ibang maaasahan si Samantha kun'di ang sarili niya. Kaya nang ipatawag siya ng bilyonaryong si Alejandro Elizalde sa opisina nito, hindi niya inaasahang isang nakakagulat na alok ang naghihintay sa kanya. Pakakasalan ni Samantha ang malamig at misteryosong anak nito na si Raim at bibigyan ang pamilya nila ng isang tagapagmana. Kapalit nito, magkakaroon siya ng marangyang buhay, malaking buwanang allowance, at isang kinabukasang malayo sa kahirapan. Ngunit may isang kundisyon. Ang kasal na ito ay hindi kailanman tungkol sa pag-ibig. Isa lamang itong kasunduan sa negosyo. Pero sa isang kasal na itinayo sa tungkulin, mga lihim, at sa pangangailangang magkaroon ng tagapagmana. Unti-unting naramdaman ng dalawang pusong hindi dapat magmahal ang damdaming matagal nang ipinagbabawal. Nang tuluyang magkaaminan ang dalawa sa tunay na nararamdaman. Saka naman may trahedyang nangyari kung saan nalimutan ni Raim si Samantha. At ang masakit pa, nalaman na lamang ni Samantha na may fiancee na ang asawa. At malapit ng silang ikasal. Sobra siyang nasaktan. Hindi alam ni Samantha ang gagawin. Ipaglalaban ba niya si Raim para mabuo sila kasama ang kanilang kambal? O lalayuan na lamang siya para hindi na masaktan?
101.0K viewsOngoingAdded to Library 22 Times as the third charm
Read
+Library
Trap In His Arms

Trap In His Arms

Sa edad na dalawampu't isa, hindi inaasahan na ganoon kaagang mabubuntis si Hashana Romero. Kahit nagdadalang-tao ay pinilit niyang makapagtapos ng pag-aaral para sa kinabukasan ng magiging anak. Subalit sa pakikipagsapalaran nito sa syudad, nakilala ni Hashana si Rheo Auxilio na sa huli ay kanyang naging nobyo. Ngunit hanggang saan nga ba susukatin ang pagmamahalan ng dalawa kapag nakilala ni Hashana ang ama ni Rheo na si Clifton Auxilio? Na kung saan doon lang niya napagtantong ito ang kanyang nakaniig anim na taon ang lumipas. Makakaya kaya ng dalaga na ipaglaban ang pagmamahalan nila ng kasintahan kahit ang ama nito ay ama din ng anak niya? O susukuan niya ang pagmamahalan nilang dalawa alang-alang sa limang taong gulang niyang anak? Subalit papaano nga ba kung malaman ni Clifton na may anak sila ni Hashana? Ano kaya ang kayang gawin at isakripisyo ng lalaki?
106.4K viewsOngoingAdded to Library 185 Times as the third charm
Read
+Library
Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)

Owned By The Playboy CEO(Sebastian Castillo)

Book 1 of The Playboy Series – Sebastian Castillo’s Story Althea Velasquez only wanted one thing—makalimot. Isang gabi sa bar kasama ang barkada para ibuhos ang sakit matapos siyang ipagpalit ng kanyang boyfriend. Pero hindi niya inasahan na doon niya makakasalubong ang lalaking magbabago ng lahat. Sebastian “Bash” Castillo. Gwapo. Mayaman. Playboy CEO na kinababaliwan ng mga babae—at kinaiinisan ng mga magulang. Isang gabi lang sana ang meron sila… isang sayaw, isang halik, at isang mainit na gabing hindi niya malilimutan. Pero paano kung paggising niya kinabukasan, ang lalaking iyon pala ang magiging boss niya sa internship na kailangan para makapasa? Now trapped between her career and her heart, Althea must face the ruthless playboy who suddenly wants more than just one night. At si Bash? Sanay siyang makuha ang gusto niya. At sa unang pagkakataon… ang gusto niya ay ang intern na pilit siyang tinatanggihan. Forbidden attraction Office tension. Family drama and scandals. Isang tanong na lang ang natitira: Kaya ba niyang mahalin ang isang lalaking pagmamay-ari na ng buong mundo—kung ang gusto naman nito ay siya lang?
1050.3K viewsOngoingAdded to Library 1.2K Times as the third charm
Read
+Library
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
1012.7K viewsOngoingAdded to Library 367 Times as the third charm
Read
+Library
PROJECT: Runaway

PROJECT: Runaway

[ ORIGINAL WORK BY LunaToMySol. DO NOT REPRODUCE IN ANY SHAPE OR FORM ] FOR MATURE AUDIENCES. READER DISCRETION IS ADVISED This falls under dark romance and a lot of the scenes are for readers 18+. Hope you enjoy! • Grieving is such a hellish feeling but experiencing it for something you can't remember is just simply devastating and exhausting. Pamilyar na kay Ayra ang mga pakiramdam na iyon. Araw-araw, iminumulat niya ang kanyang mga mata na hindi mawari kung gusto niya 'bang maka-alala o kalimutan na lamang ang alaala na iyon nang tuluyan. Takbuhan na lamang palayo ang lahat. Vinxer Jose Dela Fuentes. Rich. Smart. Drop-dead gorgeous. He was living a comfortable life in a province where his family rules the whole of it. The Dela Fuentes clan was unstoppable until one night, everything changed for all of them but most importantly for Vinxer. Ngayon, hinaharap niya ang araw-araw na puno ng hiya Years later, Vinxer and Ayra met. Two heavy yet young hearts collided Will they finally find the peace they have been longing for? Or will they keep running away from all the demons that haunt them? SPOTIFY PLAYLIST: (The songs in this captures the overall vibe of this story. Not all songs are featured in the chapters but are still surely Vinxer and Ayra approved! haha <3) https://open.spotify.com/playlist/3XCwXaLXcq6pWgOpW6DTNH?si=OI6vaHS4QBm7IWhSw9lVpA
10989 viewsOngoingAdded to Library 24 Times as the third charm
Read
+Library
Triplets and a Second Chance

Triplets and a Second Chance

Nagluluksa si Amara Alcantanra sa burol ng kaniyang ina habang abala ang kanyang asawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng unang babaeng minahal nito—punong-puno ng kasiyahan at engrande ang selebrasyon. Klarong-klaro ang lahat kay Amara. Kung hindi siya mahal ng lalaki, ayaw na rin niya dito. Iniwan niya ang kasunduan ng diborsyo sa ibabaw ng mesa at piniling ipalaglag ang dinadala, at lumakad palayo nang mag-isa. Limang taon ang lumipas. Sa isang marangyang subastahan, lumitaw ang chief auctioneer nakasuot ito ng isang hapit na makabagong Filipiniana na backless, may mataas na slit sa hita, at natatakpan ng puting belo ang kanyang mukha. Lahat ng mata ay kusang tumigil sa kanya. Napasimangot si Argus De Luca, bahagyang nanliliit ang mga mata. "Ang pangalan niya'y Reina?" Tumango ang kanyang assistant. "Yes, Sir. May nabalitaan rin akong minsan may nag-alok ng sampu-sampung milyon kapalit ng pagkakataong makita ang tunay niyang mukha pero tinanggihan niya." Sa wakas, natagpuan na ni Argus De Luca ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa loob ng limang taon. Kinagabihan ay hinarang niya ito sa isang kanto. "Auctioneer Reina, hanggang ngayon ay tinatakbuhan mo pa rin ako o mas tamang sabihin kong Amara?" "Argus, hiwalay na tayo." "Hindi ko kailanman sinang-ayunan 'yon. Nasaan ang anak ko?" "Mukhang nakalimot ka, Argus… ikaw mismo ang dahilan kung bakit nalaglag ang bata, limang taon na ang nakalipas!" Ngunit ngumisi si Argus, at may inilantad sa harap niya. "Kung gayon, ipaliwanag mo ito." Triplets na limang taong gulang ang nakatayo sa harap nila.
9.488.7K viewsOngoingAdded to Library 2.2K Times as the third charm
Read
+Library
LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG

LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG

“Ahhh!…. K-uya, masakit!…” naluluhang wika niya habang dahan-dahang pinapasok ng kinakapatid niyang si Hunter ang pagkalal*ki nito sa makipot niyang kweba. “Ako ang bahala, bunso. Magtiwala ka lang sa akin. Alam kong masakit pa ito sa una dahil birhen ka pa, pero pinapangako ko sa’yo… I’ll be gentle...” "Kuyaaa!!!... Ang sakit talaga, ayaw ko na, please! huhuhuh!!!..." Parang bata siya kung umiyak. Well, bata pa naman talaga siya… ‘Yun sana ang araw ng pagiging ganap niyang dalaga dahil 18th birthday niya sa gabing iyon. "Hindi ko na pwedeng hugutin… naipasok ko na ang kalahati… ahhhh… ang sikip kasi!…" wika ni Hunter sa ibabaw niya pero lalo cyang umiyak. Humugot muna ito ng malalim na hininga bago bumaba sa ibabaw nya at tumabi ng higa. “Sorry, bunso… di ko na itutuloy. Pero promise me, akin ka na ha? Hihintayin kita. ‘Wag kang magnobyo ng iba sa Manila… akin ka lang.” Hinahaplos nito ang kanyang mukha, pinunasan ang mga luhang lumabas mula sa kanyang mga mata. “Sorry na, bunso… shhh. Don’t cry, Baby. I will take care of you. I promise, akin ka na, papanagutan kita sa pagdating ng panahon. From now on, you’re mine!” Humihikbi cyang nagtakip ng kumot sa hubad na katawan nya. Siya si Yasmin Therese Ledesma, at kinakapatid niya si Hunter Rosales. Debut party nya iyon… araw ng pagiging ganap nyang dalaga... at iyon din ang gabi ng pagkawasak ng pagkababa*e niya! Paano nya haharapin ang mga darating pang araw kasama ang kinakapatid na si Hunter? At paano naman siya seseryosohin nito kung titibo-tibo cya?
9.8828.3K viewsCompletedAdded to Library 30.6K Times as the third charm
Show Reviews (47)
Read
+Library
ken151515
ito talaga yung author na parang ang akala saga readers eh mga bobo halos sa mga novels niya nagiging bobo ang mga characters niya na mga edukado pa mandin kunu at mayayaman oero walang logic parang hindi naka0ag aral mag isip ang mga characters nakaka loka
Nisha
Baka masaktan lang kayo pareho kpag pinilit mo pa na makita sya hunter. Nasa healing process and Moving forward na si yassy. Bago mo hanapin si yassy siguraguhin mo muna na malinis na lahat ng problema nagawa mo. Ang gawin mo ay mag isip kung paano mo maayos problema sa bruha na Olivia na yun!
Read All Reviews
The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor

The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor

“Kahit minsan ba nagawa mo akong mahalin sa tatlong taon nating pagsasama?” Pinahid ni Felicia ang mga luhang walang tigil sa pagpatak mula sa kanyang mga mata at nagpatuloy. “Kahit katiting lang?” Batid ni Felicia na sa pagbigkas niya ng mga salitang iyon ay itinapon na niya ang lahat ng kanyang natitirang dignidad. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa ginagawa niyang kamartiran. Hindi ito deserve ni Xander dahil sa mga pinaggagawa nito sa kanya. Subalit tila ba may sariling buhay ang kanyang puso sapagkat kahit na anong gawin ng lalaki sa kanya ay nangingibabaw pa rin ang kanyang pagmamahal para rito. Marahas na binawi ni Xander ang kanyang braso. “What do you think, woman? What do you think is my answer?” Napalunok si Felicia. “N-Nainitidihan ko,” she answered softly. “Xander… I am sorry if my love made you this miserable.” ************* Sa loob ng tatlong taon, umasa si Felicia na matututunan din siyang mahalin ni Alexander Buenaventura. Subalit ni katiting na pagmamahal ay hindi siya tinapunan ng lalaki. Sa halip, matinding galit at pagkapoot ang namayani sa puso ng binata dahil sa paniniwala nitong minanipula ni Felicia ang kanyang lola upang sila'y maikasal. Finally, Felicia had enough. She left Xander and moved on with her life. Ipinagpatuloy ni Felicia ang naudlot niyang pangarap, ang pagdo-doktor. Pinilit niyang kalimutan ang lalaking dumurog sa kanyang puso, kasama ang naging bunga ng kanilang una’t huli pagniniig, si Caleb. Sa loob ng anim na taon, naging mapayapa ang buhay ni Felicia. Subalit isang araw, muling nag-krus ang mga landas nila ni Xander. At sa pagkakataong ito, gagawin ni Xander ang lahat upang bumalik siya sa kanya.
867 viewsOngoingAdded to Library 32 Times as the third charm
Read
+Library
After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai

After Divorce: Triplets For The Second Chance, Mr. Billionai

Sa araw ng libing ng kanyang ina, natabunan ng katahimikan ang mundo ni Amara Alvarez. Samantalang sa kabilang panig ng lungsod, ang lalaking tinawag niyang asawa ay nagdiriwang, isang marangyang birthday party, inihahandog hindi para sa kanya, kundi para sa unang babaeng minahal nito. Doon niya tuluyang naunawaan ang lahat. Hindi siya kailanman minahal. At ang isang relasyong walang pag-ibig ay wala ring saysay ipaglaban. Tahimik niyang iniwan ang mga papeles ng diborsyo. Tahimik niyang isinara ang buhay na ipinagkatiwala rito. At sa katahimikang iyon, ipinaalam din niya ang batang dinadala kasabay ng pagtalikod niya sa lahat ng dati niyang pinanghawakan. Lumisan si Amara mag-isa. Pagkaraan ng limang taon, sa isang marangyang auction, muling napatigil ang mundo. Ang punong auctioneer—nakasuot ng makintab na bestida at may puting belo sa mukha ay naging sentro ng atensyon. Kumipot ang mga mata ni Nardo Morales. May kung anong pamilyar sa tinig, sa tindig, at presensiya nito. “Ang pangalan niya… Amara?” “Opo,” sagot ng kanyang assistant. “May nag-alok ng milyon-milyon para makita ang kanyang mukha, pero tumanggi siya.” Sa sandaling iyon, parang may bumagsak na pader sa kanyang dibdib. Ang babaeng limang taon niyang hinanap at pinakawalan ay nasa harap na niya. Kinagabihan, sa isang madilim na interseksyon, hinarang niya ang dinaanan nito. “Auctioneer Mara,” malamig niyang wika, “hanggang kailan ka tatakas?” Huminto siya. Hindi man lang lumingon. “Mr. Morales,” matatag niyang sagot, “diborsyado na tayo.” “Hindi ako pumayag.” Bumigat ang tinig niya. “Nasaan ang anak ko?” Dahan-dahan siyang humarap. “Mr. Morales, tila kayo ang nakalimot. Limang taon na ang nakalipas mula nang nagpapalaglag ako.” Nanigas ang kanyang mukha. “Kung ganoon,” mariing sabi niya, “ano ito?” Sa harap ni Amara, tatlong batang limang taong gulang ang sabay-sabay na humakbang pasulong, nakahanay, magkakahawig ang mga mata, at malinaw na malinaw ang sagot sa tanong niya.
10508 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as the third charm
Read
+Library
Marrying My Ex-Fiance's Uncle

Marrying My Ex-Fiance's Uncle

    Malaki ang utang na loob ni Amaya sa pamilyang Santiago na umampon sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na darating ang araw na sisingilin siya ng mga ito sa pag ampon sa kanya.     At ang kabayaran na hinihingi nila ay ang magpakasal sa pamilyang Evans na isa sa pinakamayamang pamilya na kilala sa kanilang bansa, si Richard Evans, ang unang apo ng mayamang pamilya.     Dahil sa utang na loob niya at pagpapalaki ng pamilyang Santiago ay walang naging pagtutol si Amaya kundi ang sundin ang kagustuhan nila.     Sa pagpayag niya, naging maganda ang kasunduan ng pamilyang Santiago at Evans. Naitakda ang kanilang kasal. Naging maganda naman ang kanyang relasyon kay Richard sa kabila ng katotohanan na sa kasunduan lamang sila nagkakilala.     Ngunit ang akala niya na perpekto na ang lahat, gumuho iyon bigla sa mismong gabi bago ang kanilang kasal, nasaksihan ni Amaya ang pagtataksil ni Richard, at hindi lang sa kung sinong babae kundi sa tunay na anak ng pamilyang umampon sa kanya.     Hindi siya nagsalita, at walang balak si Amaya na kumptontahin si Richard. Tumalikod siya, taas ang noo niyang humakbang palayo.     Para mailabas ang sama ng loob sa nasaksihan, inaliw niya ang sarili sa pag inum, hanggang sa malasing siya ng tuluyan.      At sa gabing iyon ng kanyang kalasingan, doon na mas naging magulo ang takbo ng kanyang buhay. Nakilala niya ang batang tiyuhin ng kanyang fiance. At hindi lang simpleng pagkakakilala, kundi nagising siya sa kalasingan na katabi ang isang Kent Evans.
101.8K viewsOngoingAdded to Library 38 Times as the third charm
Read
+Library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status