When Dreams Wear a Suit
Tila hindi pa rin ako makapaniwalang kasal na kami at ganap nang mag-asawa.
“Tonight, they will be dancing as Mr. and Mrs. Alaric. The floor is now yours. Music, please,” dagdag ng host bago tumabi.
Nagsimulang tumugtog ang banda. Marahang pumailanlang sa ere ang unang nota ng My Valentine ni Jim Brickman, kasunod ang boses ng babaeng bokalista.
If there were no words
No way to speak
I would still hear you
“May I have this dance, Mrs. Alaric?” tanong ni Rhett sa mababang tinig, bahagyang yumuko na parang nasa isang pormal na ball.
ตอนยอดนิยม