تصفية بواسطة
تحديث الحالة
الجميعمستمرمكتمل
فرز
الجميعشائعتوصيةمعدلاتتحديث
Somebody You Love

Somebody You Love

GabYsaDen20
Hindi naging maganda ang unang pagkikita nila Harry at Reyna dahil mayabang ito at antipatiko. Kapag nakakita naman ng mga magagandang chicks, mabilis pa sa alas-kwatro ang mga mata nito para titigan. Kaya asar talaga siya sa pagmumukha nitong chickboy at manloloko. Pero tinamaan si Reyna sa kasabihan na "The more you hate, the more you love". Ang tunay niyang nararamdaman para kay Harry, kaya umiiwas siya dito. Pero sa katagalan, hinahanap-hanap na nito ang mga pang-aasar ni Harry sa kanya. Ngunit balakid sa kanilang namumuong pagtitinginan si Julliene Cheng, ang spoiled brat na younger sister ni Harry. Hindi niya gusto si Reyna para sa kanyang kapatid, dahil may napipisil na itong iba para sa kanyang kuya Harry, si Ruiz De Vera, ang bagong Restaurant Manager ng resort. Nahuhumaling sandali si Harry kay Ruiz, pero napatunayan niyang si Reyna nga ang kanyang gusto dahil labis s'yang nagseselos ng makita nitong may kasamang ibang lalaki si Reyna. Kaya ipinaglalaban nito ang kanyang pagmamahal para sa kanya. Kung kailan masaya na silang dalawa sa kanilang pag-iibigan, tsaka naman nagparamdam muli ang lalaking minahal noon ni Reyna ng labis. Pero sinaktan lamang siya at iniwan lang basta-basta na parang basura dahil walang silbi sa kanya. Pero hanggang saan sila dadalhin ng kanilang masayang pagsasama, dahil hindi lang si Julliene Cheng ang tutol sa kanilang relasyon. Kundi pati ang dati niyang kasintahan na si Jonel Cornelio. Isang bangungot ang muling pagbabalik nito sa buhay ni Reyna. Ang dahilan kung bakit siya naging matigas ang kanyang puso at ang nagtulak sa kanya para lumayo para lang makalimutan siya. Mananaig pa kaya ang second chances para sa dati nitong kasintahan? O ang bagong pag-ibig nito para kay Harry Cheng, that against all odds? Dahil hindi siya tanggap ng family nito. Ano ang pipiliin ng kanyang puso?
2.5K وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 64 مرة ضمن tukso kay melissa
قراءة
+مكتبة
Marrying My Ex-Fiancé Hot Uncle

Marrying My Ex-Fiancé Hot Uncle

Matagal nang engaged si Maria Cassandra Tolentino sa kanyang fiancé na si Leon Hernandez, ngunit kahit ganoon ay wala pa rin silang napag-uusapan na plano para sa kasal. Nang hindi makatiis si Cassandra, sinugod niya ang fiancé sa opisina nito. Laking gulat niya nang makita niya itong kahalikan ang kaibigan nitong babae na pinagseselosan niya sa buong relasyon nila. Ang akala niyang tapat at tunay na pag-ibig nilang dalawa ay isang malaking kasinungalingan lang pala. Ginamit lang siya ni Leon para makuha ang approval ng magulang nito sa lahat sapagkat galing sa mayamang pamilya si Cassandra. Ginamit niya lang si Cassandra para makuha ang lahat ng gusto nito. Umiiyak at nasaktan si Cassandra. Gusto niyang maghiganti ngunit hindi niya alam ang gagawin. Niloko na siya at pinahiya. Nagawa pa rin ni Leon na paniwalain ang mga magulang ni Cassandra na ang dalaga ang nagloko sa kanilang dalawa. Dahil doon ay naglayas siya at nagpunta sa isang kilalang isla kung saan napupunta ang karamihan upang magsaya at makalimot. Doon niya nakilala si Theodore Gio Hernandez. Gwapo, matangkad, at mayaman ito, ngunit matanda ito ng sampung taon sa kanya, ngunit wala siyang pakialam. Gusto niyang makalimot, kaya nakipagtalik siya rito. Nang may mangyari sa kanila ay saka niya nalaman na tiyuhin ito ni Leon. Dahil doon, nakaisip siya ng paraan kung paano makakapaghiganti kay Leon nang hindi nagmamalupit. Inaya niya sa isang kasal si Theo para ipamukha kay Leon na hindi ito kawalan. Pumayag si Theo sa kadahilanang kailangan niya rin ng asawa para makuha ang mana na mapupunta sana kay Leon kung mauunahan siya nito sa pagpapakasal. Magiging mag-asawa lamang sila sa papel at magkakasundo pagdating sa kama sa tuwing gusto nila, ngunit maaari kayang buksan muli ni Cassandra ang puso sa pamilya ng taong sumira sa buhay at tiwala niya?
10208 وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 7 مرة ضمن tukso kay melissa
قراءة
+مكتبة
I Was Forced To Marry My Enemy

I Was Forced To Marry My Enemy

Kasalukuyang live-in partner ng mommy ni Jean Tejada ang daddy ni Kaizer Julian Ezcalante nang ito ay atakihin sa puso. Hindi matanggap ni Kaizer ang biglaang pagkamatay na iyon ng ama lalo pa na ayon sa lumabas na autopsy, sinadya raw kitilin ang buhay ng daddy niya at hindi talagang inatake sa puso ang dahilan. Kaya naman gano'n na lang ang galit ni Kaizer Julian sa live-in partner ng daddy niya dahil wala namang ibang motibo para paslangin ang ama niya kun'di ang kayamanan ng daddy niya. Pinuntahan niya ang bahay ng live-in partner ng daddy niya. Ngunit ang napakaganda nitong anak na si Jean ang naabutan ni Kaizer. Lihim na napukaw ni Jean ang puso ni Kaizer ngunit sa kagaya ni Kaizer na galit at poot ang nasa puso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama, pilit niyang nilabanan ang atraksyon para kay Jean. Dahil tumakas ang mommy ni Jean na live-in partner ng daddy niya, sapilitang tinangay ni Kaizer si Jean. Ito ang naisip n'yang ipain upang mapalabas ang ina nitong nagtatago sa batas. Papahirapan niya ang dalaga. Kinulong niya ito sa bahay niya. Hangga’t hindi lumalabas ang ina nito ay hindi rin makakalabas ng bahay si Jean. Hindi lang iyon, kahit ang kalayaan nito ay kinuha rin niya. Pinilit niyang magpakasal si Jean sa kaniya kahit labag sa loob ng dalaga. Ayaw ni Jean dahil may iba itong nobyo at mahal din ng dalaga. Subalit ang pagtutol ni Jean ay walang saysay dahil maimpluwensya si Kaizer. Lahat ay kaya nitong gawan ng paraan para pumayag si Jean. Kaya abot langit ang galit ni Jean kay Kaizer. Sumumpa si Jean na hanggang papel lang sila magiging mag-asawa ni Kaizer at gagawa siya ng paraan upang makatakas kay Kaizer kahit sa ano mang paraan.
1020.8K وجهات النظرمكتملأُضيف إلى المكتبة 500 مرة ضمن tukso kay melissa
قراءة
+مكتبة
Nag-aapoy Na Gabi Sa Piling Ni Uncle River (SSPG)

Nag-aapoy Na Gabi Sa Piling Ni Uncle River (SSPG)

Matapos ang trahedyang kumitil sa buhay ng mga magulang ni Janessa sa isang sunog, napilitan siyang manirahan sa piling ng mga taong hindi naman tunay na nagmamalasakit sa kaniya. Sa loob ng ilang taon, tiniis niya ang malalang pamamaltrato nila sa kaniya dahil kailangan, para mabuhay siya. Hanggang sa makarating sa kaniyang tiyahin ang balita tungkol sa sinapit niya. Hindi na ito nag-atubili. Agad nitong kinuha si Janessa at dinala sa bahay nila. Sa bahay ng kaniyang tiyahin, nakilala niya si Uncle River—asawa ng tiyahin niya. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, naranasan ni Janessa ang tunay na pag-aaruga. Masasarap na pagkain, may maayos na higaan, at higit sa lahat, minahal siya ng mag-asawa. Dahil madalas na wala ang kaniyang tiyahin, napapadalas ang oras na silang dalawa lamang ni Uncle River ang magkasama. Sa mga simpleng usapan at masayang bonding nila ay nabuo ang isang koneksiyong hindi agad maipaliwanag ni Janessa. Hanggang sa isang araw, napansin niyang may kakaiba na siyang nararamdaman kay Uncle River, lalo na kapag wala itong suot na damit pang-itaas at pawis ang katawan. Kasabay nito, natuklasan niyang hindi na magkaanak ang kaniyang tiyahin dahil baog pala ito. Na siyang dahilan kung bakit minsan ay nakikita niyang parang malungkot si Uncle River kasi hindi na rin pala ito napagbibigyan ng tiyahin niya sa kama. Hanggang sa dumating ang isang gabing babago sa lahat. Sa hindi inaasahang pagkakataon, humingi ng pabor si Uncle River kay Janessa. Inaya siya nito sa kuwarto nila habang nasa bakasyon ang tiyahin niya. Nagmakaawa si Uncle River kay Janessa na pagbigyan siya sa kama kahit ngayong gabi lang. Sa gabing iyon, kakailanganin niyang pumili. Papayag kaya si Janessa o pipiliing niyang magkasala na lang sa sarili niyang tiyahin kasi gusto niya rin si Uncle river na matikman sa kama?
1017.1K وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 650 مرة ضمن tukso kay melissa
قراءة
+مكتبة
Love You in Contract

Love You in Contract

"No feelings involved, Kontrata lang." Malinaw iyon kay Pristenna Raye Zorajero at Stefano Ryl Ignacio. Magpapakasal sila para sa parehong interes, kapag nakuha na nila ang mga ito ay tatapusin na nila ang pekeng kasal. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduan ay may tumubong damdamin? Sa gitna ng pangangailangan ay may kumislap na pag-ibig. Kaya kaya nilang harapin ang damdamin o pipiliin pa rin nila ang hindi matapos-tapos na responsibilidad?
346 وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 11 مرة ضمن tukso kay melissa
قراءة
+مكتبة
Play with Me, Mr. Billionaire

Play with Me, Mr. Billionaire

[WARNING: SPG] Gwapo, playboy at malakas ang appeal. Iilan lang iyan sa mga katangian ng bilyonaryong si Kian Fuentavilla kaya napakaraming babaeng nagkakadarapa sa kanya—maliban kay Jhymea Madrigal. Isang dalagang manang kung manamit at madalas pang napagkakamalang lola at mambabarang. Panget si Jhymea, at aminado naman siya roon, pero para sa kanya ay may karapatan pa rin naman siyang mamili kaya inayawan niya si Kian na kahit mala-Adonis na ang datingan ay ubod naman ng yabang. Unang pagkikita pa lang ng dalawa ay nagkairingan na sila. Labis na dinibdib ni Jhymea na tinawag siyang ‘janitress’ at ‘ipis’ ng binata at ganun din si Kian sa kanya nang mapunit ang pwètan ng slacks nito dahil sa dalaga. Halos isumpa nila ang isa't isa hanggang napagdesisyunan ng kapatid ni Kian na si Nexie Fuentavilla na mag one-night stand silang dalawa. Kapalit nun ay ang impormasyong hinihingi ni Kian tungkol sa ex niyang si Tanya, at pera naman para kay Jhymea para mapauwi na niya sa bansa ang ina niyang OFW na kay tagal niyang ‘di nakasama. Dahil sa pagiging maloko ni Kian ay pinalabas niyang nabutas ang còndom na ginamit niya sa pakikipagtalik sa dalaga. Ilang linggo iyong iniyakan ni Jhymea kasi ang buong akala niya ay hindi na siya makaka-graduate, ngunit nahuli niya ang binata nung minsan ay may kausap ito sa telepono at inamin nito ang lahat. Doon ay naisip na gumanti ni Jhymea at pinalabas na totoong nabuntis nga siya ng binata. Nakarating ang tsismis na yun sa ina ni Kian na si Mrs. Anita Fuentavilla. Nagkukumahog na nagpaliwanag ang dalawa na hindi totoo ang lahat pero huli na kasi nagawan na sila ng kontrata ng ginang sa nalalapit nilang kasal. Matakasan kaya nila ang kapalarang nagsimula sa isang laro lamang? O mauuwi na ang lahat sa totoong pag-iibigan?
103.8K وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 130 مرة ضمن tukso kay melissa
قراءة
+مكتبة
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
104.2K وجهات النظرمكتملأُضيف إلى المكتبة 108 مرة ضمن tukso kay melissa
قراءة
+مكتبة
Kidnapped By My Possessive Husband

Kidnapped By My Possessive Husband

"I'll stop running away, Jago! Promise, hindi na ako tatakas!" Pagmamakaawa ko sa asawa or soon-to-be ex-husband ko kapag nakatakas ako rito. Pinilit kong makatayo sa pagkakahiga pero hindi ko kaya dahil nakagapos ang kamay ko sa headboard. "You already told me that earlier and yet, you still tried to run away from me... Hindi na gagana sa'kin 'yan..." Madilim ang ekspresyong sagot nito. Lumapit ito kaya naman napapikit ako. Naramdaman ko ang pagsikip ng tali sa kamay ko kaya napadilat ako. "Promise, totoo na talaga 'to! Tanggalin mo na yung tali, please? Natatakot na ako sa'yo!" Kinakabahang usal ko kay Jago pero hindi ito sumagot. Pumatong ito sa'kin at malambing na sinapo ang mukha ko. Impit akong napaung*l nang marahan nitong halikan ang aking leeg. Alam nito kung paano ako kunin dahil kaagad nanghina ang katawan ko sa ginawa nito. "Uhm, Jago! Please!" Hiyaw ko sa pangalan nito nang magsimulang maglandas ang kamay nito sa katawan ko. "I'll make you love me again. You're mine, Isla. You're only f*cking mine..." *********** Matapos ang pagtatalo ng mag-asawang sina Jago River Laxamana at Allona Isla Avellino ay inihagis ni Isla ang wedding ring niya kay Jago upang mapagtanto nitong seryoso siya sa kagustuhan niyang makipaghiwalay. Matapos gawin iyon ay nanakbo ito paalis sa bahay nilang mag-asawa. Nasa bingit na talaga sila ng hiwalayan dahil sa pagkawala ng sana'y panganay nilang anak. Walang araw na hindi nagbabangayan ang mga ito kaya hindi maayos ang kanilang relasyon. Kinidnap ni Jago si Isla. Nang magising ito ay mahimbing ang pagkakatulog ni Jago sa tabi niya. Napagtanto nitong nasa island sila kaya nagpatuloy ang bangayan nila at nagtangkang tumakas si Isla mula kay Jago. Makakatakas kaya si Isla sa asawa niyang si Jago? O magtatagumpay itong muling kuhanin ang kaniyang puso at angkinin siya?
10851 وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 29 مرة ضمن tukso kay melissa
قراءة
+مكتبة
Marry Me Instead

Marry Me Instead

Akala ni Emery nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ng isang babae—ngunit nagkakamali siya. Sa loob ng limang taon, minahal niya si Weston kahit harap-harapan siyang niloloko nito. Tinanggap niya lahat kahit pa malaman niyang kabit nito ang bestfriend niyang si Ravia Salvador. Nang igiit ng lolo ni Weston ang pangangailangan ng tagapagmana, kumapit si Emery sa pag-asang mabuntis ng anak ni Weston, kaya tinanggap ang IVF at naniwalang iyon na ang simula. Naging matagumpay ang procedure, at nabuntis si Emery ng kambal. Ngunit gumuho ang lahat nang marinig niya ang lihim na usapan nina Weston at Ravia. Ibinunyag ni Weston na kay Ravia umano ang egg cell na ginamit sa IVF. Agad na hinarap ni Emery ang doktor. Doon niya nalaman ang buong katotohanan: kanya ang egg cell, ngunit nagkamali sila ng semilyang ginamit. Nagmula iyon sa isang anonymous donor, si Zion Laurent del Fierro—isang billionaire, makapangyarihan at ang… ex-boyfriend niya! At malala pa roon, hindi pala sila legal na mag-asawa ni Weston. Pineke nito ang kanilang marriage certificate para maagaw ang mana ni Emery—ang Armani Group ng kanyang yumaong ama—para tuluyang maupo bilang chairman. Doon nagising si Emery. Nagpasya siyang maghiganti. Handa na sanang lumaban si Emery, nang matuklasan niyang ang kontratang pinirmahan niya noon ay naglipat ng lahat ng kanyang ari-arian kay Weston. Sa isang iglap, nawala kay Emery ang lahat. At nang akala niyang wala na siyang pag-asa, muling lumapit si Zion sa kanya. “Marry me instead, and I’ll give you the power to destroy them.” Marahang hinawakan ni Zion ang kanyang baba. “You’re carrying my twins, Emery. And if you want my power, there’s one condition…” Napakunot-noo si Emery. “What?” “Kailangan nating ituloy ang natitirang labing-isang embryo.” Handa ba si Emery sa kondisyong labing-isa pang dagdag sa dalawang dinadala na niya?
107.9K وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 316 مرة ضمن tukso kay melissa
قراءة
+مكتبة
MAYOR DEVRYCK MARCOV

MAYOR DEVRYCK MARCOV

Warning: R-18 Si Yza ay nasa kolehiyo pa lamang nang biglaang bumagsak ang negosyo ng kanyang pamilya. Para maiahon niya ang palubog na negosyo, kailangan niyang maghanap ng taong makakatulong sa kanya. Kilala na niya si Mayor Devryck Marcov dahil anak ito ng isang kaibigan ng kanilang pamilya. Dahil dito, nagpasya si Yza na lumapit kay Mayor Devryck upang humingi ng tulong, umaasang siya ang makakatulong sa kanilang pamilya na makabangon mula sa krisis.
571 وجهات النظرمستمرأُضيف إلى المكتبة 19 مرة ضمن tukso kay melissa
قراءة
+مكتبة
السابق
1
...
3334353637
...
50
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status