Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Babysitter Of A Playboy

Babysitter Of A Playboy

Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy na kilala sa buong campus. Dahil sa kakaibang katigasan nya ng ulo ay kinakailangan syang kunan ng yaya para may magbantay sa kanya. Ngunit, lahat ng yayang kinukuha ng kanyang mga magulang ay hindi nagtatagal dahil sa kalupitan nito. Hanggang sa nakahanap na nga sila ng magiging katapat nito. Si Haila na kayang gawin lahat para sa kanyang pamilya. Magkakasundo kaya sila o mapapabilang rin si Haila sa mga yayang napatalsik nito?
YA/TEEN
1025.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Romance
8.524.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Boss is Obsessed with me

My Boss is Obsessed with me

[MATURE CONTENT !!!] Bilang isang mapagmahal na anak ay handang gawin ni Jillian ang lahat para lamang mapaoperahan niya ang kanyang ina na may sakit sa puso dahil ito na lamang ang meron siya. At dahil sa kahirapan ay pikit mata na lamang na nagbenta ng kanyang katawan si Jillian sa isang bar. Kahit takot na takot siya ay pinilit na lamang niyang magpakatatag para sa kanyang ina na may sakit. Lingid sa kaalaman ni Jillian ay may lihim pala na pagtingin sa kanya ang kanyang boss na si Harold Villanueva at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ito ang nakakuha sa kanya sa bar. Sa paglipas naman ng mga araw ay tuluyan nang naging obsessed si Harold kay Jillian at para bang gusto na lamang niya na palagi niya itong nakikita at nakakasama. Paano kaya ito matatakasan ni Jillian? O mas magandang tanong ay tatakasan pa ba niya ito? O mapapamahal na rin siya rito?
Romance
9.492.6K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
ayie !!!nakakakilig Ms A..sna lang wla gaano problema KC mukhang nararamdaman ko Ang kontra Dito ay ung tatay ni Harold at baka mmya lalayo SI Jillian at buntis pa..tpos Ng ilang taon magkikita ulit naku Ms A wag nmn sana ,nakakasawa Yung ganung pangyayari..sna happy ending Sila Yun lng thanks Ms A
Analyn Bermudez
haha ang saya!!! grabeh ang ganda...noong una si Jillian at Harold .tapos ito naman kay Rose at Jeffrey..hays..nakakaiyak na nakaka-proud ito dlwa magkapatid..thanks Ms Anne ang ganda nitong story na sinulat mo grabeh.:):):)
Read All Reviews
The Billionaires Pregnant Babysitter

The Billionaires Pregnant Babysitter

Tatlong buwan na siyang buntis—tinakbuhan sya ng boyfriend nya kaya wala syang katuwang sa buhay. Desperado din syang magkapera para sa operasyon ng kapatid. Sa ospital, isang batang umiiyak ang lumapit sa kanya, mahigpit na yumakap at tinawag siyang “Mama.” Bago pa man siya makapaliwanag, dumating ang bilyonaryong si Lucien Montclair. Sa halip na pasalamatan siya, pinagbintangan siyang nanlilinlang. Para sa lalaki, siya ay isang impostor—isang multo na nagpapaalala sa babaeng nang iwan dito. Ngunit nang malaman nitong desperado siya para sa pera, binigyan siya ng isang alok na hindi niya kayang tanggihan. Ang maging babysitter ng anak nito. Sa ilalim ng iisang bubong, araw-araw niyang nararamdaman ang bigat ng titig ng lalaki—galit, hinanakit, at isang mapanganib na pagnanasa na unti-unting kumakain sa kanila pareho. Sa pagitan ng kasinungalingan, galit, at isang lihim na hindi niya kayang ibunyag… paano kung ang lalaking kinamumuhian siya ang siya ring magpapatibok ng puso niya?
Romance
53 viewsOngoing
Read
Add to library
Mister ng Utangera ang Mafia King

Mister ng Utangera ang Mafia King

Maria Angela Gonzales
Utang ang dahilan kaya napapayag ni Dr. Storm Davis si Judith Dimaculangan na magpanggap na fiancee niya. Ang Lola Anastacia kasi niya gusto siyang mag-asawa na gayung hindi siya naniniwala sa pag-ibig kaya't para matigil na ang pangungulit sa kanya ng kanyang lola, naisipan niyang ipakilala rito si Judith bilang soon to be mapapangasawa niya. Ngunit, hindi niya goal na magustuhan ng lola niya si Judith kundi para sabihin ng lola niya ba 'ayoko sa kanya para sa'yo'. Ngunit, kabaligtaran ang nangyari. "I like you, iha," wika ng kanyang Lola Anastacia. Pero, hindi pa doon nagtapos ang pagkabigla niya. "I like you para sa apo kong si Jiwan." "No way," mariin niyang sabi nang marinig ang pangalan ng kapatid sa ina. Hinding-hindi makukuha ni Jiwan sa kanya si Judith, papakasalan na niya ito ASAP.
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO I Once Had a Crush On

The CEO I Once Had a Crush On

Si Chaira ay maganda, mabait, at matalino, ngunit likas siyang mailap, lalo na sa mga lalaki. Bagama’t nakapagtapos ng Business Management, pinili niyang manatili sa kanyang condo bilang online seller at freelance editor para sa mga social media vloggers. Sa kabila ng simpleng pamumuhay, sapat ang kita niya upang matulungan ang kanyang dalawang ate. Isang gabi, sumama siya sa club sa pilit ng mga kaibigan. Sa kalasingan, hindi niya inaasahang mawawala ang kanyang virginity sa isang one-night stand, at ang lalaking ito ay ang kanyang crush noong high school. Sa gulat at hiya, iniwan niya ito nang walang paalam. Dahil sa pangangailangan ng pera para sa kanyang may sakit na pamangkin, napilitan siyang mag-aplay sa isang trabaho. Hindi niya inakalang ang CEO ng kumpanya ay ang lalaking kumuha ng kanyang virginity at ang crush niya noong high school. Paano niya haharapin ang mapang-akit na kaniyang boss? Paano niya pipigilan ang pusong umibig, takot na masaktan at muling maranasan ang pag-iisa? Kakayanin niya bang manatili sa trabaho para sa kapakanan ng kaniyang pamilya?
Romance
490 viewsOngoing
Read
Add to library
Status: Enemies with Benefits

Status: Enemies with Benefits

Para kay Evelyn ay immortal enemy na niya si Terrence Montemayor. As in, hindi kailanman mawawala ang galit niya para sa lalaki. Ngunit sa kanilang muling pagkikita ay magiging amo niya ito kasabay ang pangangailangan niya ng pera para sa kanyang comatose na ina and Terrence is offering her help kapalit ng kasal at wala siyang choice kung hindi ang pumayag. Mabago kaya ng pagsasama nila ang tingin ni Evelyn kay Terrence? Mapigilan kaya niya ang sarili na mahulog ang loob sa lalaking sinumpa na niyang maging kaaway hanggang kamatayan kung sa bawat pang-aakit nito sa kanya ay unti-unting nanlalambot ang kanyang mga tuhod? They’re enemies and they benefited from each other. Status: Enemies with Benefits.
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Add to library
OUR THING

OUR THING

Si Talya Cacho ay ang bata na ibinenta kay Geralt Monro, ang pinuno ng pinakamalaking Italian mafia sa Asia. Makalipas ang ilang taon, pinili ni Geralt si Talya para iregalo sa kanyang nag-iisang tagapagmana, ang kanyang nag-iisang anak na si Oliver Monro. Patuloy na pinaglilingkuran ni Talya ang kanyang malupit at malibog na pangalawang amo, si Oliver Monro, hanggang sa mahulog ang loob nito sa kanya. Ngunit may sikreto si Talya na isa talaga siyang sikretong espiya na itinalaga ni Geralt para sa kanyang anak. Dahil sa miscommunication at pagtataksil ng ilang miyembro, mananaig kaya ang tunggalian? Matatapos na ba ang palitan ng putok? Matatanggap kaya ni Oliver Monro na si Talya ang nakatanim na bala para sa pagbagsak ng mafia, paano na ang pag-ibig na nararamdaman ng dalawa?
Mafia
103.3K viewsCompleted
Read
Add to library
SINNER (wild feelings SPG 3)

SINNER (wild feelings SPG 3)

Sinabi ni Mariya sa kaniyang sarili na hindi siya gagaya sa kaniyang ina. Na hindi siya papasok sa bar para maging bayaran o parausan. Ayaw niyang matulad sa ina niya na naanakan lang nang naanakan at hindi na pinanagutan. Ang hindi napapansin ni Mariya ay naging mas masahol pa siya sa kaniyang ina. Natuto siyang magnakaw para lang maibigay ang pangangailangan ng pamilya niya. Natuto siyang magpagamit sa boss niya kapalit ng malaking pera at ang mas masahol pa sa lahat, naging kabit siya ng boss niya kahit alam niyang may asawa ito na may sakit. Minahal niya si John sa kabila ng ginagamit lang siya nito tuwing kailangan nito ng parausan. Naniwala siya sa pangako ni John na iiwanan nito ang asawa para sa kaniya. Halos mabaliw si Mariya mula sa matinding pagmamahal niya kay John na umabot pa sa puntong pinilit niyang paghiwalayin ang mag-asawa para lang makaganti siya. Hanggang kailan kaya magkakasala si Mariya? kailan niya maiisip na itama ang mga mali? Ipaglalaban niya pa rin ba si John kahit na sa una pa lang ay alam niya na kung kanino ito pagmamay-ari? Hanggang saan siya dadalhin ng makasalanan niyang puso? SINNER
Romance
1056.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Husband's Affair [FILIPINO VERSION]

My Husband's Affair [FILIPINO VERSION]

Ibinigay ko ang lahat ng mayroon ako para sa kaniya, dahil ganoon ako magmahal. Ang tanging hangad ko lamang ay isang masaya at buo na pamilya kasama siya, ang magkaroon kami ng anak, ngunit tila sa iba niya na pala tinutupad ang aking pangarap para sa amin. Ano nga ba ang kaya mo gawin kung ang lalaki na siyang nangako sa iyo sa altar na mamahalin ka ng tapat, ay patago ka na palang ipinagpapalit?
Romance
1023.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status