Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marahuyo

Marahuyo

Catalina De La Vega, isang babaeng baon sa utang na nangangailangan ng malaking halaga para ito'y mabayaran. Walang magulang o kaibigan na maaari niyang hingan ng tulong kaya para mabuhay, kapit sa patalim siyang gumawa ng paraan. Dito makikila niya ang isang lalakeng tutulong sa kaniya, si Rostam Lombardi. Isang taong makapangyarihan na magbibigay ng pangangailangan niya, subalit mangyayari lang ito kung papayag siya sa isang kasunduang bigyan siya ng anak sa pamamagitan ng isang gabing pagsasaluhan nila. Pumayag si Catalina kapalit ang malaking halaga, ngunit nang malaman niyang idi-dispatsya siya ni Rostam oras na mailabas ang magiging anak nila, agad siyang tumakas at hindi na nagpakita pa sa lalakeng basura pala ang tingin sakaniya. Lumipas ang ilang taong pagtatago, ang kanilang landas ay muling magtatagpo, pero sa sa pagkakataong ito, may batang babae ng kasama si Catalina at iyon ang anak nila ng lalakeng pinangakuan niya. Ipagpapatuloy pa kaya nila ang naudlot na kasunduan o ito ang magiging dahilan para ito'y masira at mauwi sa totohanan?
Romance
1022.8K viewsCompleted
Read
Add to library
CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)

CEO'S UNWANTED TWIN (SPG)

Warning: RATED 18 ‼️There are some words that may not be suitable for young readers. Tumakas si Purity dahil pilit siyang ipinapakasal sa isang bilyonaryong matandang lalaki. At para makalimot sa pamilyang nagbenta sa kanya para maisalba ang kanilang kompanya, kusa niyang ibinigay ang kanyang puri sa isang estranghero. Ang one night stand na magpapabago ng kanyang buhay. Paano kung ang lalaking inalayan niya ng sarili ay ang siyang mismong amo niya? Ang kinatatakutan niyang lihim ay nanganganib na mabunyag sa oras na malaman ng binata ang totoong pagkatao niya.
Romance
1028.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Pretty You

Pretty You

Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?
Romance
1020.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Married By My CEO Enemy

Married By My CEO Enemy

Arielle never dreamed of walking down the aisle with a man she despised. Pero dahil sa matinding business feud between her family’s small company at ang empire ni Leandro Vergara, napilitan siyang pumasok sa isang contract marriage. Leandro Vergara, ang cold, arrogant, ruthless CEO na walang pakialam kung sino ang masaktan, basta siya ang panalo. Para sa kanya, Arielle is nothing but a pawn. Para kay Arielle, Leandro is the last man she’d ever love. Kaya sa mismong kasal pa lang nila, nagsimula na agad ang awayan, mga brutal banats sa pagitan nila at walang tigil na banggaan ng pride. Pero habang magkasama sila sa isang bubong, unti-unting nakikita ni Arielle ang mga bitak sa pader ni Leandro. At lalong nagiging komplikado nang bumalik sa buhay ni Arielle ang kanyang best friend na si Marcus, safe, steady, at matagal nang may lihim na pagmamahal sa kanya. Ngayon, kailangan niyang pumili: ang comfort ng is ang pagmamahal na matagal nang nandiyan, o ang mapusok na pag-ibig na unti-unting winawasak ang matigas niya puso para kay Leandro. Sa isang kasal na nagsimula sa pwersahan, possible bang matalo ang puso sa sariling laban nito?
Romance
556 viewsOngoing
Read
Add to library
Begging Her To Love Me Again

Begging Her To Love Me Again

Anong mas masakit—ang mawalan ng anak o ang makitang masaya siyang inabandona ng sariling ama? Para kay Sabrina, isang hiling lang ng anak niyang si Eliza bago ang operasyon: makasama ang ama nito sa birthday niya. Pero sa halip na saya, iniwan siyang naghihintay... hanggang sa sumuka ng dugo at tuluyang lumisan. Ngayon, habang yakap ang abo ng anak, pinanood niyang binuhos ni Elijah ang pagmamahal sa anak niya sa ibang babae. Ngunit paano kung isang araw, bumalik si Elijah na parang walang nangyari—nakangiti, walang bahid ng pagsisisi? Mananatili bang tahimik si Sabrina, o oras na para iparamdam sa kanya kung anong pakiramdam ng maiwan sa huling sandali?
Romance
583 viewsOngoing
Read
Add to library
His Three Faces

His Three Faces

Hiraya
Ano ang mga bagay na kaya mong isakripisyo para sa iyong pamilya? Ano nga ba talaga ang mas matimbang, ang hustisya para sa taong biktima o ang kalayaan ng taong mahal mo sa buhay? Kilalanin si Calixta Villanueva, isang ordinaryong babae na nangangarap yumaman, kayang tahakin ang lahat umasenyo lamang sa buhay. Isang araw tila tinupad ng panginoon ang kaniyang dalangin dahil may isang flyer na lumapat sa kaniyang mukha na may nakasulat na WANTED PERSONAL MAID. Akala ni Calixta ay dito na magsisimula ang kaniyang magandang kapalaran ngunit hindi niya inaasahan na ang trabahong kaniyang pinasok ay isang susi para mabungkal ang itinatagong lihim ng kaniyang pamilya. Paano nga ba haharapin ni Calixta ang bawat hamon ng buhay kung ang mga taong kaniyang pinagkukunan ng lakas ay mismong kasangkot sa isang madilim na trahedya.
Romance
106.7K viewsOngoing
Show Reviews (13)
Read
Add to library
Fochacy
GURLLL! Kung gusto niyo ng maraming bebe, this story is for you! Love the FL's attitude. Sobrang dami kong natutunan tungkol sa different alter ng isang tao kapag mayroon itong multiple personality disorder. Must read!!!! Maganda pa ang author hehehehe. Susubaybayan ko 'toooo. Keep bleeding, author!
Pyrost
Nakakatuwa ung story, I find it unique because honestly I'm not into romance bihira lng makuha ang attention ko sa romance genre and isa ito sa nakacaught ng attention ko. May mga lessons akong nakuha, naks. Keep it up.
Read All Reviews
My Secret Benefactor

My Secret Benefactor

Sampung taon na ang nakakaraan ng mangyari sa pamilya ni Zari ang isang malagim na trahedya. Pinatay ang kanyang mga magulang sa hindi niya mawaring kadahilanan. Hustisya. Iyon ang nais ni Zari para sa kanyang mga magulang. Kung hindi ito kayang lutasin ng awtoridad, siya na ang kikilos para makamtan ito. Along her journey to find justice, may isang tao na palihim siyang tinutulungan. Sino kaya ito? Ano kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Zari? Makakatulong kaya ito para makuha ni Zari ang hustisya na kanyang ninanais?
Mafia
635 viewsOngoing
Read
Add to library
Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

JocelynMDM
Apat na taon na ang nakalipas mula nang tumakas si Samsara papuntang Italya para magpakasal sa kanyang ex-boss na si Maxwell, dala ang kambal na anak niya sa kanyang ex na milyonaryo na si Landon. Ngunit sa kanilang muling pagkikita, gagawin ni Landon ang lahat para mabawi ang kanyang mga anak at ang kanyang tunay na pag-ibig na si Samsara.
Romance
9.2969 viewsOngoing
Read
Add to library
Until I Tasted You

Until I Tasted You

Hindi kailanman ginusto ni Selene na magkaroon ng kahit anong kinalaman kay Lucian Black — ang malamig at tusong CEO na may masalimuot na pagkahumaling sa kanyang ina, isang bangungot na binalot sa katahimikan at hindi kailanman binigyang-linaw. Buong buhay niyang iniiwasan ang anino ng lalaking iyon… hanggang sa isang internship sa kumpanya nito ang nagtulak sa kanya sa mismong gitna ng mundo nito. Pero may iba pang habol si Lucian. Ganti ang kanyang layunin. Ginagamit niya si Selene bilang kasangkapan — at gantimpala — sa isang mapanganib na laro kung saan bawat titig at bawal na haplos ay may kasamang panlilinlang. Para saktan ang babaeng minsang nagtaksil sa kanya, handa si Lucian na angkinin ang nag-iisang bagay na dapat ay pinrotektahan nito: ang sariling anak. Ngunit malayo si Selene sa inosenteng batang babae na inakala niyang madali niyang malilinlang. At habang unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng galit at pagnanasa, ang apoy ay mas lalo pang nagliliyab. Hindi kailanman bahagi ng plano ang pag-ibig. Mas lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa isang tao na minsan ng sumira sa buhay nila. Para kay Selene, si Lucian ang tao na hindi dapat ibigin. Para naman kay Lucian, si Selene ang bagay na gagamitin niya para gumanti. Pero sa bandang huli, ito pa rin ba ang kanilang gusto? O tunay na pag-ibig ang siyang mabubuo?
Romance
10353 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Rival Bride

The CEO's Rival Bride

Para sa kanilang kompanya, si Shaniqua ay pumayag sa isang arranged marriage sa lalaking kanyang pinakakinaiinisan—si Elijah Dominique Falviom. Kilala si Elijah Dominique bilang pinakabata ngunit successful na CEO sa buong Pilipinas. Kilala rin siya because of his looks and being the top student sa kanilang paaralan. Sa kabilang dako, si Shaniqua Vesper Aguincilló naman ay anak ng may-ari ng kompanyang palubog na sa utang. At para maisalba ang kompanya, napilitan si Shaniqua na ikasal kay Elijah, ang kanyang academic rival sa parehong paaralan. Matapos ang kanilang minadaling kasal ay nagkasundo silang magpanggap na sweet married couple sa harap lamang ng pamilya nila at pumayag naman si Shaniqua sa kasunduan na ito. Pero paano kung sa hindi inaasahang mga pangyayari, ang pagpapanggap na iyon ay naging katotohanan? Unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa nang hindi nila namamalayan.
Romance
10414 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status