กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
The Runaway Billionaire ( Del Valle Series 1)

The Runaway Billionaire ( Del Valle Series 1)

Sa mundo ng mga taong gahaman sa salapi at kayaman, Iniwan ni Miguel ang magulo at marangyang mundo para takasan ang kapalarang itinatakda sa kanya ng kapalaran. Sa kanyang paglayo ay nahanap niya ang babaeng kukumpleto sa hungkad niyang pakiramdam ngunit ang pagmamahal at pagibig nila ay hahadlangan ng mga ganid sa salapi at kapangyarihan at ng masalimuot na katotohanan bubulaga sa kanilang buhay. Si Miguel ang unang tampok sa serye ng mga Del Valle
Romance
109.0K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Biglang inatake sa puso ang aking mom, at mabilis na umapaw ang kaniyang medical bills bago pa man ako makahinga nang maayos.   Desperado na ako kaya agad akong humarap sa mayaman kong boyfriend sa pagasa na baka makatulong siya sa akin, o makaisip manlang ng solusyon sa sitwasyon. Pero sa halip na suporta ang aking matanggap, nagpakawala siya ng isang tirada na mas matindi pa sa kahit na anong salitang narinig ko.   “Ito ba ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin? Para sa pera ko? Wala kang pinagkaiba sa ibang mga babaeng nagbibigay sa kanilang mga sarili sa akin. Parepareho kayong lahat—kaawa awa at walanghiya kayong mga babae kayo!”   Bago pa man ako makapagreact, agad niya na akong itinulak palabas ng pinto.   At nang maintindihan niya ang buong kwento, binigyan niya ako ng isang bank card nang hindi nagtatanong ng kahit na ano. “Candice”, tahimik nitong sinabi gamit ang nagsisisi niyang boses. “Birthday mo ang password nito.”   Hindi ako nagsabi ng kahit na ano sa kaniya. Hinayaan kong mahulog ang card sa sahig bago ako umalis nang hindi lumilingon sa kaniya.
เรื่องสั้น · Romance
1.3K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
My Married Lover

My Married Lover

[Kumpleto - Completed] Si Ina na isang yaya sa Gomez family. Isang maayos at walang pinoproblema sa buhay magmula nang siya ay makatuntong sa bahay ng mga ito ngunit sa isang iglap ay nagbago na lamang ang lahat nang magkagusto ang asawa ng kaniyang amo na si Roy Gomez sa kaniya at maging siya ay nahulog din. Gayunpaman, sa una ay alam na niya na mali ito dahil may asawa na rin ito at ang babae pa na kumupkop sa kaniya mula sa ampunan. Sadya nga yata na kay lupit ng tadhana at nang nagmahal siya ay sa maling pagkakataon at tao pa. Kaniya nga ba na tatahakin ang daan na alam niya ay mali para lamang sa pagmamahal o tatahakin pa rin ang daan patungo sa kung saan ang dapat at tama? Kaniya ba na ipaglalaban ang kaniyang pagmamahal para sa lalaki, o ibabaon na lamang sa limot ang lahat upang protektahan ang pamilya nito? Siya na nga ba kaya ang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng puso ng babaeng umampon sa kaniya o ang tutulong dito na malampasan ang trauma na naranasan sa nakaraan?
Romance
1013.6K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Foolish Heart

Foolish Heart

Latte
Paano ba dapat aminin sa isang kaibigan na mahal mo siya? O paano mo sasabihin na higit pa sa bilang magkaibigan ang pagtingin mo para sa kaniya? "The more you hate, the more you love." Ito ang naging motto sa buhay pag-ibig ni Aziz Dimitri Tyson, matapos niyang makilala ang babaeng kinaiinisan niya sa lahat. Ngunit hindi naman niya inaasahan na ito rin pala ang magyayanig sa tahimik niyang mundo. Sasha Edmonia, ang pangalan ng babaeng bumihag sa torpe nitong puso. Bagamat na love at first sight siya rito ay pinili na lamang niya na itago ito sa sarili at maghintay ng tamang pagkakataon upang maipagtapat ito sa kaniya. Naging kampante ito sa kaniyang sarili na hindi nalalamang marami na siyang nasasayang na oportunidad upang mas lalo pang mapalapit sa kaniya. He missed the right timing. Dahil sa kakahintay niya ng right time ay may iba ng nauna sa kaniya. Magagawa pa kaya ni Aziz Dimitri na maipagtapat sa dalaga ang tunay niyang nararamdaman? O magpapaubaya na lang ba siya para sa iba?
Romance
904 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Don's Vow of Ashes

The Don's Vow of Ashes

Sa ilalim ng katahimikan ng Hacienda Cortez ay nag-aalab ang apoy ng kasalanan at paghihiganti. Matapos ang limang taon ng paglalakbay sa dilim, bumalik si Don Rafael Cortez, ang pinakabatang pinuno ng sindikatong Cortez, upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Ngunit sa kanyang pagbabalik, nakatadhana siyang makaharap ang anak ng kanyang kalaban—Selena Villafranca, ang babaeng may dugo ng kaaway at apoy ng pag-ibig sa kanyang mga mata. Ginawang bihag ni Rafael si Selena bilang kabayaran ng dugo. Ngunit sa bawat gabi ng katahimikan, unti-unting nagbabago ang hangin sa pagitan nila, mula sa galit tungo sa pagnanasa, at mula sa kasalanan tungo sa pagtubos. Sa gitna ng abo ng Hacienda Cortez, kailangan nilang pumili: pag-ibig na magpapalaya o sumpang magtatapos sa kanila.
Romance
172 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
Romance
109.8K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
MY WIFE IS A HEIRESS AND A GENIUS HACKER

MY WIFE IS A HEIRESS AND A GENIUS HACKER

ELLECHRA
Si LIREAH Ang Nawawalang Tagapagmana Ng Mag Asawa na sina Doktora Leah Del Castillo at Ang kilalang tanyag na Businessman na Si CHARLES Del Castillo na nagmamay ari ng maraming property at malalaking business sa Pilipinas. si Dra. Leah Castillo naman ay nag mamay ari ng pinakasikat na mga pribadong hospital sa pilipinas. 20 yrs Ago Isang Napakagandang dalaga sa benguet si Lireah ang pinaka sikat na blogger sa taglay nitong kabaitan dahil sa pagtulong sa maraming tao sa Benguet ay nakapanayam sa show sa umaga na Kaygandang Umaga. At dito na magsisimula ang pagtuklas sa kanyang buong Pagkatao.
Romance
104.2K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Trinah, The Substitute Bride

Trinah, The Substitute Bride

Hsxianne1019
Ang babaeng palaban sa buhay, writer na madiskarte, at mahiyain na ipakita ang kaniyang mukha ay kilala sa bayan ng Bayabas. Her name is Trinah, who experiences heartaches in life, exists with purpose, and moving after challenges as usual. May isang pangyayari sa kaniya ang dahilan kung bakit dumating sa kaniya si Fin, ang kaniyang anak. Sa bagong buhay na haharapin niya, sadyang nabuhay ang mga taong susubok sa kaniyang kakayanan. Ikakasal siya kay Andrew, isang mayaman, masunurin sa magulang, at mapagmal na kapatid. Sa kanilang pagsasama, anong klaseng relasyon ang mayro'n sa kanila? Paano nila haharapin ang mga katotohanang nabalot sa kasinungalingan?
Romance
105.9K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24)

TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24)

Lumaki sa karahasan at magulong buhay si Niccos. Normal na lang sa kan'ya ang patayan at madugong kaganapan sa araw-araw. Kaya ipinangako n'ya sa sarili pagkatapos ng unos sa kan'yang buhay at sa pamilya ay mamuhay s'ya ng tahimik, maayos at matiwasay. Ngunit paano kung hindi n'ya pwedeng talikuran ang obligasyon na iniwan sa kan'ya? Paano kung dito nakasalalay ang kaligtasan ng nag iisang babae na pinakaayaw n'ya, ngunit nagbago ang lahat ng minsang may mangyari sa kanila. Naging demonyo s'yang muli ng masaksihan kung paano nalagay sa panganib ang buhay ni Kianna dahil sa kagagawan ng kan'yang mga kalaban dati na naghihiganti sa kan'ya. Paano n'ya lalabanan ang isinumpa sa sarili na mamuhay ng tahimik? Kung sa bawat pagpikit ng kan'yang mga mata ay ang nagmamakaawa at nahihirapang mukha ng dalaga ang kan'yang nakikita.
Romance
9.9118.6K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Lost Acceptance [Tagalog]

Lost Acceptance [Tagalog]

Ang tunay na nagpapatawad ay taos-puso, bukal sa loob, at hindi pilit. Ang pagtanggap sa patawad nang walang pag-aalinlangan ay magpapalaya sa masakit na nakaraan. Ngunit paano kapag nabulag siya sa galit? Galit na nakalalason, galit na mapanganib, at galit na patuloy kinukulong sa pagkatao. Makakalaya kaya siya? Sinong magtutulak? Sa anong pagkakataon?
Urban
107.9K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
3839404142
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status